#21

25 2 0
                                    

***

Nanghihina akong napaupo sa upuan sa park na nasa harap mismo ng condo niya. I can't walk anymore. Wala na akong lakas ng loob para maglakad palayo.

My heartbeat suddenly halted. Hindi ganito ang Bree na pinaghirapan kong buoin.

This wasn't the woman I tried hard to build. This is not a bravery. He's weakened me.

Pinaghirapan kong buoin ang sarili ko pero ngayon ay tila unti-unting gumuguho ang pader na itinayo ko.

Pero hindi ako papayag. Hindi ako papayag na maubos ako lalo.

But someone offered me an handkerchief.

Nag-angat ako ng tingin. My lips left hung open. I wanted to scream but my ego wanted to keep staring at him.

Nanunuya akong tumingin sa panyo na hawak niya. "Are you trying to make me look more stupid?"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He knelt infront of me. Hindi ako nakagalaw. "Kahit ito lang ang tanggapin mo, Bree. Kahit huwag muna ako."

"Muna? You think na gugustuhin pa kita sa buhay ko Leo?" tanong ko.

Naglandas ang sakit sa mata niya habang hawak ng mahigpit ang panyo.

Sa inis ko ay tinanggap ko ang panyo na hawak niya. "Ngayon, tumayo ka na riyan."

He didn't listen. He just stared at me helplessly. Nagsusumamo ang kanyang mga mata. If you don't know the real score between us, you'll think that we're having a romantic time right now.

Him kneeling and me crying. People think he's proposing, but our story is ours to tell.

"I'm sorry, Bree."

He bit his lower lip. His eyes were bloodshot and his hands were trembling.

"Bakit ka nagsosorry? Does it hurt your ego that I am no longer part of your game, Leo?" prangkang tanong ko.

Hinawi ko siya at binalik sa kanya ang panyo. "I'm not ready to talk about what happened between us. I can't lose myself anymore, Leo," sambit ko.

Agad siyang tumayo at bago ako makahakbang palayo ay narinig ko ang sinabi niya.

"I am not perfect. Yes, I was a playboy, but it doesn't mean I won't change. Give me another try, I promise to treat you better."

***

"Akala ko ba hindi na iiyak ang bebe ko na 'yan?"

Mahina kong nahampas ang kamay ni tita dahil sa biro niya. "Tita!" Nakangusong asik ko.

"Biro lang. Umiyak ka hangga't gusto mo, ganito yata kapag tumatandang walang love life," muli niyang sambit na mas lalo kong ikinangawa.

"May feelings ka pa ba kay Leo?" Maya maya'y tanong niya.

Natahimik ako. Kahit wala na ako sa kalendaryo ay tila batang nagpapakandong ako sa tita ko na parang isang uhuging bata na kailangan ng aruga.

"W-wala na! 18 years na ang nakalipas tita, wala na 'no," sagot ko pero tila hindi sang-ayon ang utak ko sa sinabi ng mismo kong bibig.

"E ano iyong letting go keneme mo kagabi?" tanong niya muli saakin.

Napatakip nalang ako sa aking mukha. Naikwento ko sa kanya lahat ng nangyari kagabi na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil bugbog ako sa asar.

"Bree, makinig ka," aniya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok kong sabog na.

"Mas mahihirapan ka kung hindi ka aalis sa in denial stage mo. Bakit hindi mo subukang aminin sa sarili mo na gusto mo pa rin ang ex mo," suhesyon niya.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Where stories live. Discover now