#18

19 2 0
                                    

***

Totoo nga yata ang sinasabi nila, mas mabilis lumipas ang oras at araw kapag may inaantay ka.

I shook my head at inis kong ibinato sa sahig ang damit na nahawakan ko. Gigil akong napasigaw noong narealize kong nagkalat na ang mga damit ko sa kwarto.

"Ano bang isusuot ko?" I ask myself hysterically.

Noong wala na akong choice ay tinawagan ko nalang si tita.

"Birthday ng bata ang pupuntahan mo, Bree. Why do you need to dress sexily?" she said in her annoying voice.

Kagat labi akong napailing. Gosh! Oo nga pala. "Loosen up, Bree!" aniya sa kabilang linya.

"Masyado kang pahalata na may feelings ka pa sa ex mo," pang-aasar ni tita.

Napairap ako kahit hindi niya makita. "I thought you could help me! Ibababa ko na nga ang tawag tita. Lalo mo akong pinipikon," nguso ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago mamatay ang linya.

Nakuha ng yellow na dress ang atensyon ko. Iyon iyong dress na nabili ko online na hindi ko pa nagagamit!

Napagdesisyonan kong iyon nalang ang suotin ko. Napakurap kurap ako sa aking sarili. It's already five in the afternoon at 5:30 magsisimula ang event. I know I am already late! Pero nawiwindang ako sa kinalabasan ng itsura ko.

Tinernohan ko ng brown 2 inches heels iyong yellow dress. Pinusod ko ang kalahati ng aking buhok while the other half remained untied.

I put lipstick on my plump lips. Ang sabi nila, lips ang pinakaattractive na part ng mukha ko. Nakuha ko iyon sa mama ko. But for me, mata ko ang pinakapaborito kong parte ng aking mukha.

It looks fiercely sa nilagay kong make up. I smiled widely before leaving my house.

Habang binabaybay ko ang daan ay hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko nga talaga matatakasan ang tadhana. All I need to do is to go with the flow. Kaylangan kong harapin ang matagal ko ng tinatakasan.

I breathe heavily after I parked my car. I put my car keys inside my purse and gathered all the strength I have before walking towards the door.

Sakto ang dating ko dahil kakasimula palang magsalita ng emcee. Tuloy ay parang nagkaroon ako ng grand entrance dahil nasa akin ang paningin ng lahat.

Katulad ng inaasahan ay sentro sa mga bata ang event. May mga bisita rin sila na tila big time.

Ayos na ako sa aking sarili noong lumapit sa akin ang isang babae. Bilog ang kanyang mukha. Ang ganda niya!

"Hello! Are you Aiko's teacher? O my god, glad you came!" she said.

Naguguluhan naman ako pero kalaunan ay tumango. "I'm Sedine, mommy ni Aiko."

My mouth left half open. Hindi ako nakapagsalita. So ito iyong misis ni Leo?

"Wait I think I saw you somewhere!" Bulalas niya. Napakadaldal naman ng misis ni Leo.

"O.my.gosh," I uttured.

"Ikaw iyong writer!" Sambit ko at napatakip sa bibig.

"You're SheSed?" Tanong ko muli. Napatalon siya sa tuwa.

"O my gosh, ikaw 'yong isa kong reader sa book signing four years ago, If I'm not mistaken," sambit niya.

Ilang beses akong tumango at masayang tinanggap ang kamay niyang nakalahad. "Sedine Sullivan," pakilala nila.

"Brayleigh, my pleasure to meet you," I sincerely said.

Hindi doon natapos ang gulat ko when another familiar person walks towards our direction.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Where stories live. Discover now