#19

30 3 1
                                    

***

"My heart was being played... played by a player."

Muli akong lumagok ng alak. Napapikit ako noong gumuhit ito sa aking lalamunan.

"Woah grabe naman pala talaga 'yong ex mo 'no?" Ani Miya.

May tama na ito ng alak dahil namumungay na ang mata neto.

"Tsk, grabe! Ang kapal ng mukha ng ex mo!" gatong naman ni Sedine.

"Hay naku, Bree. Kung ako 'yan hindi kita gaganonin," ani Elias.

Natahimik kami noong makarinig kami ng sarkastikong halakhak. "Nice joke, Elias."

Nagpipigil si Elias ng tawang lumingon sa nakisingit na Leo. "Halla? Bakit bitter ka! Hirap ka bang pasagutin si Viel?"

Nag-iwas ako ng tingin. So, nasa ligaw era pa pala siya? Wow.

"Hay naku, itong pinsan mo nga ang mahirap pasagutin! Daig pa babae kung magpakipot!" wika ni Viel.

Napalingon ako sa babae. Maganda ito. Bumagay sa bilog niyang mukha ang buhok niyang hanggang balikat lamang. Matangos ang ilong niya at may nunal sa kaliwang mata.

Sumiksik siya kay Leo. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko sa nakikita. Itinuon ko nalang ang pansin sa paglagok ng alak. Hindi ko na mabilang kung nakailang shot na ako pero ramdam ko na ang pagkahilo.

"Bakit ka naman gan'yan tol? Hindi kita gan'yan pinalaki!" biro ni Elias.

Leo smirked. "Baka nakulangan sa halikan namin kagabi!" si Viel.

Lasing na ang babae dahil sa pamumula ng kanyang mukha.

Halikan.

"Viel, you're drunk," saway ni Leo.

Tila pinipigilan niya ang babaeng magsalita pa. Bakit niya pipigilan? Ayaw niya bang malaman ng lahat kung gaano siya kawalang hiya—crap, Bree. Stop.

"I'm not drunk, Galileo! Look oh, masasaya na ang kapatid mo? Why can't you admit that you really love me?" anang babae.

Akala siguro ng babae ay sisilang dalawa lang sa mesa at wala silang nasasaktan—wait? Nasasaktan? Meron ba?

"You even tried to propose to me! I turned you down because I was busy on my career that time, but I'm ready now. Magpakasal na tayo," dugtong pa niya.

Katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ko nga ba iniisip na nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin dati?

Bakit ko ba iniisip na hinanap niya ako at gusto niyang magsorry sa ginawa niya? Bakit ba ako nageexpect na nasaktan siya sa hiwalayan namin?

Bakit ba nakalimutan kong ginawa nga pala niya akong pusta?

Gusto ko ng tumayo at maglakad paalis pero walang lakas ang mga binti ko. Tahimik lang akong nakatitig sa baso ko habang nakikiramdam sa paligid.

"Well," tumikhim si Aries.

"Bakit hindi nalang tayo magkantahan? Dapat ay nag-eenjoy tayo! Forget those people who hurt you and just enjoy the night!" si Elias na sinang-ayunan naman ng lahat.

"I'll take the lead," presinta ni Leo.

Walang nag-abalang umangal.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang gitara pero meron na siyang dala noong umakyat siya sa maliit na entablado na ginamit kanina.

Nakatingin sa kanya ang lahat, maski ako. Hindi maitatanggi ang pagbabago ng pisikal ng itsura ni Leo.

His body became matured. Those white shirts reveals his toned biceps and muscles. Mas naging halatado ang kanyang muscle sa braso noong magsimula siyang magtipa ng gitara.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon