#6

29 3 0
                                    

Kada bago mag lunch break ay sabay na nag aantay doon si Leo at Drew. Hindi man sila nagpapansinan ay sabay sabay pa rin kaming kumain tatlo.

Napapaisip tuloy ako kung nasaan ba ang mga kasamahan ni Leo sa banda at saan siya tumutuloy ngayon.

"Drew," pagtawag ko sa aking kaibigan.

"Inaaya ako ni Leo lumabas sa linggo. Gusto mo bang sumama?"

Hindi siya kumibo. Nanatili itong nakahiga at nakatingin sa mga bitwin. Narito kami sa bakuran. Naglatag ito ng kumot room at mag star gazing daw kami pero heto siya at kanina pa tahimik.

"Hindi na. Ikaw lang naman inaya hindi ako," sagot niya.

Nakatunghay pa rin siya sa mga bitwin. Hindi na ako kumibo at ginawang unan ang aking mga palad at tumanaw rin sa mga bitwin.

"Angganda ano?"

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay muli siyang nagsalita. Tinaas niya ang kanyang kamay na tila inaabot ang mga bitwin.

"Bakit kaya ganon?" Tumawa siya ng bahagya. "Kung tinitignan mo ang bitwin parang sobrang lapit lang pero kung aabutin mo naman imposible mong mahawakan?"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya't natahimik na lang ako.

"Kahalintulad lang siya ng buhay. May mga bagay talaga na mas maigi nalang nating tanawin mula sa malayo." Ibinaba niya ang kanyang kamay.

"May itatanong lang ako," wika niya at nilingon ako. Napalingon din ako sa kanya kaya nagsalubong ang tingin naming dalawa.

"Bakit kailangan makita ng iba ang kinang ng bitwin na hinahangaan ko? Bakit hindi nalang sila humanap ng ibang bitwin tutal sobrang dami naman?"

Napakunot ang aking noo. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niyang iyon.

"Bakit sobrang manhid ng bitwin at hindi niya alam na palaging may nakatunghay sa kanya mula sa malayo?"

The pain written in his eyes. Mas lalo akong naguluhan sa mga tanong niya. Sa inis ko ay napaupo nalang ako at hinampas ang kanyang tiyan.

"Kung ano ano ang sinasabi mo!" Asik ko.

"Alphabet's ang balak kong ituro sa mga bata hindi astronomical event!" Bulyaw ko sa kanya. Akala ko ay matatawa siya ngunit hindi. Seryoso lang ito.

Tumabingi ang kanyang mukha at pinagaralan ng maigi ang reaksyon ko. Bumuntong hininga siya at umupo na rin. Niyakap niya ang kanyang tuhod at tumingin sa akin.

"Tara na nga baka antok lang to," biro niya at sabay kaming natawa.


That routine continued until Sunday. Ang araw kung kailan ako inaya ni Leo lumabas. Hindi naman kasi ako papular sa mga ganito. Kapag inaaya kasi ako ni Drew sa labas ay kumakain kami ng mga tusok tusok sa kanto.

Nagpaalam na rin ako kay lola at tita ayaw pa nilang pumayag kung hindi kasama si Drew kaya no choice ito kung hindi ang sumama.

Sinisipa niya ang bato na naroon sa harapan namin. Nakatayo kami ngayon sa isang fast food chain at kanina pa inaantay si Leo.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Where stories live. Discover now