#7

31 4 0
                                    

"Asan na siya?"

Napatalon ako sa gulat ng sumulpot si Leo. Hindi ko namalayang nakatigil pala ako habang tinatanaw ang exit ng mall kung saan Lumabas si Drew.

"N-nauna," sagot ko.

Bakit ang bigat ng dibdib ko? Hindi ako nilayasan ni Drew ng ganoon. Hindi siya nag walk out ng ganon. Ngayon lang.

Nitong nakaraang linggo, pansin ko ang pagbabago sa kanya. Napapadalas ang pagiging tahimik niya at pag tatanong ng kung ano anong riddles na hindi ko naman makuha kuha.

Bigla siyang nawawala sa mood sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Leo. Maging sa pagsabay sa pagkain ng tanghalian at tila napipilitan siya.

He became cold and I don't know why. May kasalanan ba ako? Sa pagkakatanda ko naman ay wala.

"Ihahatid na kita," presinta ni Leo.

Tumututol ang tingin na binigay ko sa kanya ngunit ang loko ay naglakad pauna sakin. Nakabulsa ang dalawa nitong kamay.

Hinanap ng mata ko si Drew pagkalabas ngunit wala na ito. Umuwi mag isa. Iniwan nanaman ako.

Akala ko ay papara ito ng tricycle ngunit dumiretso siya sa parking lot. Sinenyasan ako nitong mag antay sa harap ng mall na siyang ginawa ko.

Natigilan ako ng tumigil ang motor ni Leo sa harap ko. Para siyang pang karera at kulay itim ito. Hindi ako maalam sa iba't ibang klase ng motor pero sa unang beses na tumama ang tingin mo rito ay hindi ka magdadalawang isip isipin na ito ay mamahalin.

"Use this," aniya. Inabot sa akin ang itim na helmet. Nanatili lamang iyon sa palad ko. Napaismid na lamang si Leo saka inagaw saakin ang helmet at sinuot sa ulo ko.


Sumampa naman ako sa likod. Mabuti na lang at mayroong box roon na lagayan kung kaya't hindi ko na kailangang kumapit sa kanya kahit mabilis pa ang takbo niya.

May kadiliman na noong makarating kami sa bahay. Tinuro ko lamang ang direksyon na mabilis namang nasundan ni Leo.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagbabago kat Drew at kung nakauwi na ba ito sa kanila. Maka ilang beses akong bumuntong hininga bago bumaba ng motor.

Nakasindi na ang ilaw sa may teresa at paniguradong kanina pa ako inaantay nila lola.

Hindi mahilig magbunganga si lola. Dinadaan nito lahat sa mahinahon na usapan upang sa ganon ay maintindihan ko.

"Bakit ka nagabihan?"

Kagat labi akong nagmano kay lola. Magsasalita pa sana itong muli ng lumipad ang tingin niya kay Leo.

Prenteng naglakad si Leo palapit at nagmano sa lola kong bigla na lamang natahimik. Akala ko ay galit ito ngunit walang bahid na anong pagkanuhi sa kanyang mukha.

"Andyan na ba si Bree—"

Nabitawan ni tita ang hawak nitong sandok ng makita kami. Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin kay Leo.

Nagpabalik balik naman ang tingin ko sa kanilang tatlo. Si lola na hawak pa din ang kamay ni Leo, si tita na laglag ang panga at nanlalaki ang matang nakatingin kay Leo at si Leo na namumula ang tenga habang hindi alam ang gagawing kilos o bibitawang salita.

"A-ah,La, tita, si Leo nga po pala kaibigan namin ni Drew," pambabasag ko sa awkward na atmosphere.

Napabitiw naman si lola sa kamay ni Drew at dagliang pinulot ni tita ang sandok.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon