#11

25 3 2
                                    

***

"Bree! Matagal ka pa ba?"

Natataranta akong nagsuklay ng marinig ang paulit ulit ba sigaw ni tita.

"Andyan na po!" Sagot ko saka dinampot ang bag at nagtatatakbo palabas.

"Andyan na po ba si Drew?" Tanong ko. Umiling si tita at inginuso ang may pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Leo roon. Nakasandal siya sa kanyang motor habang nakahalukipkip. Nakasabit sa manibela ang dalawang helmet.

"E, sabay po kami ni Drew ngayon," mahina kong sambit.

"Si Drew umalis na, mukhang alam yata na susunduin ka," singit ni lola.

Napalunok ako at kalaunan ay parang uod na lumapit kay Leo.

"H-hindi ba may klase ka rin?" Bungad na tanong ko sa kanya.

Hindi niya inalis ang tingin sa akin hanggang huminto ako harap niya. "Hindi naman aabutin ng isang taon ang paghatid ko sayo," sagot niya.

Kinuha niya ang isang helmet na hindi ko napansing dalawa pala. Marahan niya akong hinila palapit saka dahan dahang isinuot ang helmet.

Ingat na ingat pa ito na animo'y may tulis ang helmet at iniiwasan niyang huwag akong masugat.

Ang simpleng galaw niyang iyon ay muling nagpabilis sa tibok ng aking puso. Hindi ko rin mapigilan ang pagpakawala ko ng tipid at pigil na ngiti.

"Una na ho kami, tita, lola," paalam niya at tinanguan sila tita.

Hindi ko na narinig ang sinabi ni lola ng paandarin niya ang makina ng motor.

"Hold on," wika niya. Natatameme naman ako sa kanya.

"S-saan ako hahawak?" Utal kong tanong. Narinig ko ang tipid niyang tawa.

"Anywhere you want," aniya ngunit hindi ko talaga alam kung saan ako kakapit hanggang sa kinuha niya ang palad ko at iniyakap sa bewang niya.

"H-hoy si Lola," bulong ko.

"It's okay," aniya at pinaandar ang motor.

Nauntog ako sa likod niya at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa kanya ng bilisan niya ang pagmamaneho.

Naamoy ko tuloy ang halimuyak ng pabango niya. 'ang bango mo' kako sana kaso naunahan ako nh hiya.

Pasimple ko namang inilapit muli ang ilong ko at palihim siyang sininghot. Kagat labi akong napangiti. 'Grabe Bree, ang bata mo malandi ka na' usal ko sa isip ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti lalo.

"You're enjoying hugging me huh?"

Napapitlag ako ng marinig ang sabi niya. Nakatigil na pala ang motor sa harap ng school ng hindi ko namamalayan dahil nawili ako sa pag amoy sa kanya.

Mabuti na lamang ay maaga pa kaya wala pang masyadong tao.

"Susunduin kita mamaya," aniya ng makababa ako. Iniabot ko sa kanya ang helmet saka tumango.

"Salamat," wika ko.

Marahan siyang ngumiti. Ang kinis ng ngipin niya a.

"I'll go ahead. See you later my baby," bulong niya at saka mabilis na pinaandar ang kanyang motor palayo.

"My baby?" Ulit ko. Tinuro ko ang aking sarili.

"Tinawag niya ba akong baby?" Sambit ko muli.  Nag init ang aking pisnge kung kaya't natakpak ko ito gamit ang aking palad.

Naroon ang ngiti ko kahit hanggang sa pagpasok ko sa gate.

"Grabe namanh ngiti 'yan, labas pati gilagid." May nagsalita na kung sino sa likod ko.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Where stories live. Discover now