Chapter Fifty- Nine

15.2K 219 4
                                    

Bea

Maaga pa lang ay gumising na ako para makapag-empake na.

Buo na ang desisyon ko, ako na mismo ang lalayo sa kanila. Ayokong makawasak ng pamilya.

"Aalis ka na?" Quile.

"Oo, salamat pala sa pagpapatira dito saakin."

"Wala yun pero.. may matitirahan ka na ba?"

"Oo, may nahanap na akong mura."

"Sige, ingat ka." Tumango lang ako at napadako ang tingin ko kay Violet. Nagsusumamo ang mga mata nito. Tumalikod na lang ako. Baka kapag hindi pa ako umalis eh, magkaiyakan pa kami.

Naglakad na ako papalayo..

Paalam Violet..

------

Violet

Hindi ko napigilan ang luha ko mg lumabas na siya ng tuluyan sa bahay namin.

"Ano?! Iiyak ka na naman?!" Hinablot ni Quile ang braso ko. Umiling lang ako.

"SIGURO NAMAN NGAYON MATITIGIL NA 'TONG KAHIBANGAN MO!"

"Mahal ko siya Quile!"

"Anong sabi mo?! Hindi ka ba nandidiri?! Kapwang babae mo yon!"

"Wala akong pake! Basta mahal ko siya! Aalis na ako!"

"Walang aalis!" Nagulat ako ng bigla ako nitong sakalin.

"Ahck! B-bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako.

"Kung hindi ka rin naman magiging akin mas mabuti pang mamatay ka na!" Mas diniinan pa nito ang pagkakasakal.

Napapikit na lang ako.

Mahal na mahal kita Bea..

*bosgh!

"Ah! Ah!" Hingal na sabi ko, napahawak ako sa leeg ko. Nakita kong nakatumba na sa sahig si Quile.

"Tara na!"

"BEA?!"

"Oo, ako nga."

"P-pero diba umalis ka na?"

"Hindi kita kayang iwan baby.. handa na akong ipaglaban ka." Niyapos ko siya bigla.

"Sorry baby.. nagsinungaling ako sayo.."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ganito kasi yun..."

Flashback

After naming pumunta sa party ni Mich eh, tumawag saakin si Quile.

"Hello hon?"

"HON?! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG TAWAGIN AKONG HON!"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"HUWAG KA NG MAGMANG MANGAN PA VIOLET! ALAM KO ANG RELASYON NIYO BEA!"

Bigla akong kinabahan. Paano niya nalaman yun?

"Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman? Simple lang, nakalimutan mo atang nagpakabit tayo ng CTTV sa bahay? At baka nakakalimutan mo din ako ang nagpapasuweldo sa katulong natin!"

"Quile.. let me expalin."

"No Violet! Uuwi ako! Tsaka tayo mag-uusap!" Magsasalita pa sana ako kaso binabaan na ako nito, hindi ako mapakali nung gabing yun.

Kinabukasan ay nandun na nga si Quile.

"G-goodmorning.." imbis na sagutin ako nito ay hinila ako nito papasok sa kwarto namin..

"Anong kabaliwan ang ginawa mo nung wala ako?!"

"Quile.."

"Sagutin mo!"

"Mahal ko si Bea.."

"Wow! Big word! Mahal? Babae siya Violet, babae!"

"Alam ko! Pero anong magagawa ko mahal ko siya!"

"Itigil niyo na 'to!"

"Huwag kang mag-aalala, itinigil na niya ito kagabi pa."

"Good.. oo nga pala may ipapagawa ako sayo."

"Ipapagawa?" Takang tanong ko.

"Oo, gusto ko magpanggap kang buntis."

"What?! Bat ko naman yun gagawin?"

"DAHIL SINABI KO! Oras na hindi mo yun ginawa, ako na nagsasabi sayo papatayin ko si Bea!"

End of flashback

"Sobra akong natakot baby.. ayokong mawala ka ng tuluyan kaya nagsinungaling ako sayo." Iyak na sabi ko.

"I understand you baby.. i'm sorry kung sumuko agad ako."

Nagyakapan lang kami dun, ng may marinig kaming kalantog.

"Quile?!" Sigaw ko ng makitang may baril itong hawak.

"Ang sweet niyo naman!"

"Quile ibaba mo yan.." pagpapakalma ko dito.

"No! Hindi ko 'to ibaba hanggang hindi mo iyan iniiwanan!"

"Mahal ko siya!"

"Ako ba hindi kita mahal?!"

"Quile.. please hayaan mo na lang kami."

"HINDI! HINDING HINDI AKO PAPAYAG!"

Narinig ko ang kalabit ng gatilyo ng baril.. napapikit na lang ako.

----

COMMENT. VOTE. FAN.

EPILOGUE NA YUNG SUSUNOD. SALAMAT!

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon