Chapter One

43.1K 741 30
                                    

Chapter One - Tsimosa

Hindi ako makapaniwala, natanggap agad ako sa trabaho. Agad kong tinext si mama pagkatapos nun at tuwang tuwa ito.

Maaga akong gumising dahil ayokong ma- late sa unang araw ng pasok ko. Naka semi formal lang ako-- i'm wearing pair of jeans and plain white polo-shirt partner with a sneakers.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at tinalian ito sa pony tail. Nagpulbos at naglagay lang ako ng kaunting lipstick bago umalis sa inuupahan kong apartment.

Ako si Bea Loine Deral, 22 years old at ito nagta-trabaho ngayon sa Manila para sa pamilya ko sa probinsiya.

Sumukay ako sa jeep dahil hindi ko pa kayang magtaxi, nanghiram nga lang ako sa kaibigan kong si Dara para may pamasahe..

Pagkababa niya eh natanaw niya agad ang isang mataas na building, sa wakas maiitagayod niya na rin ang pamilya niya.

Agad siyang binati ni manong guard at nung babae sa information na si Marie.

Kumatok siya ng ilang beses sa opisina ng magiging boss niya, ng marinig niya ang 'pasok' eh binuksan na niya ang pinto. At kagaya kahapon nakayuko na naman ito at hindi siya pinansin.

"Good morming ma'am." Masiglang bati niya, pero ini-snob lang siya nito. Napasimangot siya.

"Dun ang office mo, at ito ang kailangan mong gawin.." inabot nito saakin ang napaka kapal na folder. Grabe ang dami naman nito.

"Are you listening Miss Bea?"

"Sorry ma'am, yes i understand po."

"Good, pwede ka nang magsimula ngayon." Tumango lang siya at pumunta na sa office niya. Pagkapasok niya eh namangha siya sa laki nito. Oo, sobrang laki ng office ng boss niya pero itong sa kanya eh kalahati nun, parang buong bahay na nila ito probinsya.

Umupo muna siya sa swivel chair niya at pinaikot yun..

Gustung gusto niyang ginagawa yun kapag umupo siya sa ganung klaseng upuan.

Nang magsawa na siya eh sinumulaan na niyang gawin ang trabaho niya.

TANGHALI na ng matapos siya sa pagta-trabaho, actually eh kalahati pa pang natatapos niyang ayusin. Madaming tumatawag sa kanya at kinakausap yun.

Minsan nga eh kakasagot pa lang niya ng tawag eh sisigawan agad siya..

Nag-inat muna siya bago lumabasa office niya, pagkalabas niya eh wala na ang ma'am niya.

Nasaan na kaya yun? Tanong niya sa isip.

Nakaramdam siya ng gutom at hinanap agad ang cafeteria, ayon naman sa schedule niya eh may one hour break siya kapag lunch.

May maps namang binigay sa kanya kaya hindi siya naligaw.

Napaka+daming tao sa cafeteria ngunit kahit ganun eh wala siyang nakitang bakas ng boss niya.

"Miss dito ka na lang.." napatingin siya tumawag, isang babaeng nasa table at may kasama pang dalawa.

"Ayos lang ba?" Tanong niya, nakakahiya naman kasi kung napipilitan pala ang mga ito.

"Oo naman!" Dahil na rin sa no choice ako ay umupo na rin ako.

"Hi! Ako nga pala si Riza." Sabi nito at inabot ang aamay syempre inabot ko naman yun. Maganda si Riza, may hazel hair siya.

"Ito naman si Marie at Shane."

"Hello sainyo." Sabi niya at nakipag shake hands din, at habang kumakain sila eh madami na siyang nalaman tungkol sa mga ito.

Si Marie ay isang accountant, si Shane naman ay bago lang at si Riza ay soon to be Clerk.

Masaya silang kasma at hindi siya nabo-boring, nagku-kwentuhan kami hanggang mapunta saamin ng boss ko ang topic.

"Hay nako buti at nakayanan mo yung boss mo na yun!" Marie.

"Oo nga noh! Buti at nakapasa ka sa standards niya!" Shane.

"Teka! Bat ganan na lang kayo maka react ng naging boss ko si Miss Violet? Anong bang meron sa kanya?"

"Nako alam mo kasi iyang boss mo kilala bilang strict boss, ang totoo nga niyan eh pang 32 na secretary ka na niya! Walang tumatagal sa kanya, ang pinaka matagal na siguro eh 2 weeks! At sa two weeks na yun, jusmee makikita mo kung ka-gaano naging kapayat ang sekretarya niya!" Sabi ni Riza habang umiinom kami ng kape pabalik sa mga kanya kanyang naming office at trabaho.

"Oo nga! Mukhang tatanda siyang walang jowa eh!." Sabi ni Marie at nagpaalam na babalik na ulit sa work.

Mamaya pa eh sumunod naman si Shane. Hanggang kami na lang dalawa ni Riza.

"So, do you mean na wala siyang puso? Grabe naman siya, pero tama kayo eh. Nung nag-a-apply pa nga lang ako ang sungit na niya! Akala mo kung sino! Ts! Tumanda sana siyang dalaga! Grr!" Inis na inis na sabi niya. Nasa tapat na sila ng room ng boss niya.

SAMANTALA hindi alam ng dalawa na na sa gilid lang si Violet at nakikinig sa kanila.

Halos gusto ng sakalin ni Violet ang bago niyang sekretarya, ko-kompratahin na sana niya ito ng biglang itong magsalita itong mulu.

"Pero alam mo sa tingin ko kulang lang siya sa pagmamahal kaya siya ganun, kailangan ko lang sigurong ipakitang nandito ako parati sa kanya, eh paniguradong magbabago na siya!"

Para namang may kumirot sa puso niya ng marinig yun.

Kulang siya sa pagmamahal kaya siya nagkaganyan..

Bata pa lang siya eh wala ng pakielam sa kanya ang mga magulang niya, natuto siyang tumayo sa sa sariling paa..

Napakalungkot ng buhay niya nun hanggang sa dumating si Josiah. Ang ex boyfriend niya na sobra niyang minahal pero niloko lamang siya.

Minahal niya ito ng lubos pero sa huli eh nakita niya itong may kahalikang iba at simula nun nawalan na siya ng puso.

Hindi na siya muling umibig pa, dahil ayaw na niyang maskatan.

Natauhan lang siya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.

Inaayos niya muna ang sarili bago punasol. Nakita pa niya ang srkretarya napa-pasok pa lang sa office nito.. kaya agad siyang nagsalita.

"Oras ng trabaho puro TSIMIS ang inuna!" Sigaw niya, ayaw niyang makita ng iba kung ka-gaano siya kahina.

Dapat malaman nilang malakas siya, na hindi siya ganun ganun lang magpapaapi!

---

Hello guys! It's me again! Naisip kong isulat ito dahil matagal na itong na sa isip ko kaya yan, sinulat ko na!

Sana suportaan niyo ito kagaya ng pagsuporta niya sa Secret Lovers at Official Lovers.

Salamat ;)

VOMMENT. FAN.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now