Chapter Thirty- Five

14.6K 276 1
                                    

Bea

Ilang araw na rin kaming nandito ni Violet sa baryo namin at nakikita ko namang nasasanay na siya kahit pa-paano.

Ngayong araw nga eh, nagluluto na naman siya para sa agaahan naming dalawa.

  "Ang sipag naman mg baby ko." Sabi ko at niyakap siya patalikod.

  "Syempre! Para kapag mag-asawa na tayo marunong na ako!"

"Oy! Anong mag-asawa ka diyan huh?"

"Bakit? Ayaw mo bang ikasal tayo?"

"Syempre gusto.."

"Yun namana pala eh!"

Umupo na ako at ito nama'y pinagsasakin ako ng pagkain. Mas maaga kaming nagigising sa lahat para magkasabay kaming kumain.

  "Baby labas tayo mamaya." Pagyaya ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Malapit na kasi ang pista saamin, meron ng perya sa plaza!"

"Perya?"

"Oo, perya! Yung may mga palaro? Hindi mo ba alam yun?" Umiling lang 'to.

  "Naging bata ka pa, kung hindi ka rin pala nakaka-punta sa mga ganun."

"Bata pa lang ako natuto na akong mamuhay mag-isa. Nasa ibang bansa ang parents ko at busy sa mga trabaho nila. Wala rin akong kapatid. Miski kaibigan wala din.."

"I'm sorry.." sabi ko, wala akong masabi. Bata pa lang pala ito eh, marami na itong naranasan sa buhay.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya ganun ka-sungit.

Kulang nga kasi siya sa pagmamahal at pansin.

Tumayo ako niyakap ko siya.

"Iwan ka na nilang lahat hindi lang ako."

"Salamat naby. Salamat...."

---

Kinagabihan eh, hinahanap namin sila mama, magpapaalam na kasi kami na pu-punta na sa perya.

"Ma! Ma!"

"Oh? Bat ka ba nagsisigaw diyan Bea?"

"Pa-paalam po sana kami ni ma'am na pumunta po sa perya."

"Ganun? Sige basta uuwi agad kayo huh? Mag-ingat kayo!"

"Opo 'ma!" La-labas na sana kami ng gate ng may tumawag saakin.

"Ate!" Si Nics pala.

"Oh bakit?"

"Sama ako!"

"Eh?"

"Sige na ate! Minsan na lang tayong magbonding eh!"

"Hindi! Hindi ka sasama!" Sigaw ni Violet.

  "Ano ka ba ma'am! Sige Nics sasama ka na ok?"

"Thank you!" Niyapos ako nito.

"Tara na?"

--

Violet

Fuck!

Bat siya sumama saamin?! Hindi 'to pwede!

"Ate sakay tayo sa ferris wheel!"

"Sige ba!" Nagtakbuhan na yung dalawa sa ticket booth.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Sumakay na silang dalawa, sasakay na sana ako ng pigilan ako ng lalaki.

"Pandalawahan lang po 'to ma'am eh."

"What?!"

"Nako! Ate gusto niya atang sumakay!" Sabi ni Monica.

  "Sige dito ka na lang." Sabi ni Bea at bumaba na.

"Pero.."

"Paki-bilis naman!" Sigaw nung mga naka-pila kaya wala akong nagawa kundi sumakay na rin.

Dahan dahang umaandar yung ferris wheel hanggang nasa tuktok na kami ni Monica.

"Ano ba talaga pina-plano mo ha?"

"Plano? Wala 'no! Gusto ko lang kitang makasama!"

"Monica!"

"Why?" Pang-akit nitong sabi at yumakap saakin.

"Monica! Stay away from me!" Sigaw ko.

"Ibaba niyo ako! Ibaba niyo 'to!" Sigaw ko ulit.

Mamaya pa eh, nasa baba na ako, agad akong umalis dun at hinila na si Bea.

"Baby!!" Sigaw nito pero di ko siya pinakinggan. Pumara ako ng trycle.

"Baby ano bang nangyayari?" Niyakap ko 'to.

"Nothing baby.. nothing.."

---

Bea

"Okay ka na baby?" Tanong ko, tumango lang ito. Pagka-uwi kasi namin bigla siyang nahilo kaya pina-tulog ko muna.

"Tara. Kakain muna tayo ng lugaw.."

Dahan dahan ko 'tong pina-upo at sinubuan ng lugaw. Hinipo ko ang noo nito, may sinat na siya.

"Nako baby may sinat ka na.. kailangan mo ng uminom ng gamot."

"A... Yoko.." nanghihina nitong sabi.

"hindi pwede baby kailangan mong uminom para maagapan agad yan.."

"Pero.." umiling lang ako at kumuha ng paracetamol at pina-inom yun sa kanya.

"Pahinga ka na ulit bany." Kinumutan ko na siya. Tatayo na sana ako ng hawakann nito ang kamay ko.

"Dito ka lang.." napa-ngiti ako.

"Oo dito lang ako." Tumango lang 'to at pumikit na..

Nang masigurado kong tulog na siya eh, umalis na ako para hugasan na yung pinagakaininan niya..

---

Sorry lame -.-

COMMENT :)

HAPPY 16K READS! :) THANK YOU :*

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now