Chapter Fifty

13.3K 245 5
                                    

Bea

Tinapon ko na naman yung isa kong dress na naiisukat. Its already eight in the morning pero wala pa rin akong napipiling isuot para mamaya sa.. d-date namin ni Violet!

Ewan ko ba kung bakit gusto ko perfect ang magiging date namin mamaya.

Napa-tingin ako sa maong shorts ko. Alam ko na ang isusuot ko!

Sinuot ko yung maong shorts at pinarteran ng sandong itim at pinatungan ng blouse. Yan okay na! Kinulot ko na lang ng unti yung dulo ng buhok at naglagay ng light make-up.

8:45 na nung matapos akong mag-ayos.

*toot
*toot

Napa-tingin ako sa iPhone ko, mukhang nagtext na siya.

From: Unknown Number

Nasa labas na ako.

Hindi na ako nagreply at bumaba na lang.

Pagkalabas ko nandun na ito at nakapantalon.

"Buti at hindi talaga ako nagdress," sabi nito ng mapatingin sa suot ko.

"Saan ba tayo?"

"Basta!" Pinagbuksan ako nito ng pinto at sumakay na rin siya.

"Do you want music?" Tanong nito.

"Sige."

Pinatugtog na nito yung stereo at kung minamalas ka nga naman talaga oh!

Maybe this time pa yung kanta!

Napa-tingin ako kay Violet pero naka-tingin din pala ito saakin! Agad akong umiwas ng tingin at tumingin na lang sa bintana.

Mamaya pa eh, huminto na yung kotse.

"Nasaan tayo?"

"Nasa Nuvali tayo." Tumango na lang ako at aalisin ko na sana yung seat belt ng hawakan ni Violet yung kamay ko na nakahawak din sa seat belt. Nagktitigan kami.

"V-violet.."

Lumapit pa ito saakin. Napapikit na lang ako kaso ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin maramdaman ang labi niya sa labi ko. Pagkamulat ko.. nakita ko itong nakatitig kang saakin.

Sinaman ko siya ng tingin, bwisit! Akala ko pa naman hahalikan niya ako! Teka! Bat gusto kong halikan niya ako?!

"What?!" Narinig kong sigaw nito pagkatapos kong isarado yung pinto ng kotse niya ng napakalakas.

Kahit kailan talaga ang hilig niyang ipahiya ako!

Nanguna na ako sa paglalakad pero mamaya eh, kasabay ko na rin ito sa paglalakad.

Pumunta ako sa feeding station ng mga koi.

"Ang ganda nila.." manghang sabi ko, magkakadikit kasi silang lahat, at napaka kulay nilang tignan.

"Pero mas maganda ka.." narinig kong sabi ni Violet.

"Sus! Nambola ka pa!" Sabi ko para naman hindi ma-awkward.

"Sa starbucks muna tayo? Ang init na kasi eh." Tumango lang ako at pumunta na kaming starbucks.

Siya na yung um-order dahil treat naman niya ito no!

"Ito oh.." inabot nito saakin yung frappe ko.

"I'm sorry Violet.."

"Sorry para saan?" Napakagat labi ako.

"S-sorry kasi.. lagi kitang nasisigawan."

"Ayos lang yun. Makulit din kasi ako."

"Eh ikaw kasi! Bat mo ba ako kinukulit?"

"Hindi kita kinukulit 'no!"

"Eh ano yung tawag mo sa ginagawa mo nung nag-outing tayo?"

"Yun? Ang tawag don ay.. pakikipagbalikan."

Napahinto ako sa paghigop sa frappe ko.

"Joke! Ikaw naman oh! Hindi mabiro!" Tumawa ito, sinamaan ko siya ng tingin.

"Trip mo ako 'no?"

"Hahaha hindi naman!" Inirapan ko na lang siya.. at uminom na lang ulit sa frappe ko.

"Bea?"

"Hm?" Sabi ko at sumipsip sa straw ng frappe ko.

"Mahal mo pa ba ako?" Halos maibuga ko na yung iniinom ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ha ha ha." Tumawa ako ng peke kaso mukhang seryoso talaga ito. Napa-buntong hininga ako.

"May asawa ka na."

"Pero ikaw ang mahal ko.."

"Violet.." wala na akong masabi pa.

"Please Bea.. give me a chance again."

"Pag-iisipan ko." Sabi ko at nagcellphone na lang. Ayokong pag-usapan pa namin yun.

----

Violet

Hinatid ko na si Bea sa condo niya pero nandito pa rin ako sa labas.

Iniintay kong patayin yung ilaw niya. Nang pinatay na niya yung ilaw eh, umalis na ako kaso paliko na sana ako sa kanto ng may makita akong pamilyar na tao sa daan.

Iniliwan ko yun at ganun na lang abg pagkabigla ko sa nakita ko..

Si Maxxis.. may kasamang ibang babae!

---

First Update. WAIT LANG ULIT :)

COMMENT :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now