Chapter Fourty- Nine

12.9K 317 23
                                    

Bea

Hindi ako nakakapagconcentrate sa trabaho ko, lagi kong naiisip si Violet. Galit talaga siya saakin?

Akala ko nga magte-text o pupuntahan niya ako pero wala eh. Wala talaga!

"Babe alis lang ako." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Isa din 'to sa problema ko.

Sino nga ba talaga ang mahal ko? Si Violet o si Maxxis?

Namalayan ko ang aking sarili na papunta sa company nila Violet.

"Bayad po." Sabi ko sa taxi driver. Kinakabahan ako, feeling ko nata-tae ako na ewan!

Huminga lang muna ako saglit bago tuluyang pumasok sa building nila. Pumunta ako sa information desk.

"Excuse me miss. Nandito ba ngayon si Violet?"

"Sino po sila? May meeting po ba kayo with her?"

"Wala kasi eh.. pero kilala naman niya ako."

"Okay, ta-tawagan ko na lang po muna siya. Ano nga po pala ang name niyo?"

Napa-isip ako, kung totoong galit saakin si Violet at sinabi ko ang totoo kong pangalan baka pagtataguan niya ako.

"Lhea.. i'm Lhea."

"Okay po ma'am Lhea, just wait for a few seconds." Tumalikod na ito at may tinawagan sa telopono. Naghintay lang ako dun hanggang maibaba na niya ang tawag.

"Pumunta na lang daw po kayo sa office niya."

"Okay, salamat."

Sumakay na akong elevator at pumunta sa office niya.

Nasa harap na ako ngayon ng office niya, at sobrang lakas ng pintig ng puso ko!

Dito.. dito sa office na ito nagsimula ang lahat.

Kumatok na ako.

"Pasok!" Rinig kong sigaw nito kaya pinihit ko na yung door knob.

"Violet?" Nakayuko ito ngayon at mukhang may pinipirmahan.

"Sabi na eh, ikaw nga yung pupunta."

"P-paano mo nalaman?" Tumaas na ito ng tingin saakin.

"Simple lang. Wala naman akong kilalang Lhea eh, tsaka! Ikaw lang nakakaalam ng office ko. Lumipat na kasi ako ng office at nung sabihin saakin ng tauhan ko na may naghahanap saakin eh, lumipat agad ako dito. At tama nga ako.. it's you!"
Mahabang sabi nito, napaka-talino talaga nito! Akalain mong na-isip pa yun?!

"By the way, bakit ka nga pala nandito?"

"A-ano kasi.." sht! Bat nabubuhol ang dila ko? Magso-sorry lang naman ako eh!

"What is it Bea?"

"Ano.." binigyan ako nito ng masamang tingin, huminga muna ako ng malalim at...

"I'M SORRY!" Sigaw ko.

"Sorry? Sorry lang? Nasaktan yung ego ko Bea!"
Ang chossy naman nito! Ako na nga ang nagsorry eh!

"Eh ano bang gusto mong gawin ko?"

"Gawim mo? Have a date with me.."

"What?! Nahihibang ka na ba? Baka mahuli tayo ng asawa mo!"

"Hindi naman niya alam na may past tayo eh."

"Kahit na! Parang pagtataksil na din yun!" Ang tigas talaga ng ulo niya!

"So ayaw mo? Sige fine! Makakaalis ka na!" Galit na sabi nito, ako naman hindi mapakali..

Pagbibigyan ko ba siya? Napakagat labi ako..

"Sige na payag na ako!"

"Yun naman pala eh! Kita tayo sa Ayala Town Center by nine am in the morning."

"Sige." Tumalikod na ako at umalis na.

Pakshet! Bat ako pumayag?!

----

May nagbabasa pa ba nito? Comment down. Kapag madaming nagcomment mag-uupdate ako ng 5 at ipu-publish ko yun sa loob lang ng isang araw.. parang 5 UPTADES IN ONE DAY!

KAYA COMMENT NA KAYO :) VOTE NA DIN AT FAN :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now