Chapter Fourty- Six

13.2K 251 3
                                    

Bea

  Umalis na agad ako sa kwarto namin pagkaayos ko. Sigurado kasing gagawa ng paraan yung tatlong bruha kong kaibigan para lang maipaglapit kami ni Violet sa isa't-isa.

  Wala sina Maxxis at yung mga kasama naming lalaki sa labas miski sa dalampasigan wala din. Mukhang natulog muna sila.

Naka-short at sando pa naman ako. Naglakad lakad lang muna ako.

  "Sama ako?" Napa-tingin ako sa gilid ko at syempre si Violet na naman.

"Bat ba ayaw mo akong tigilan huh?"

  "Bakit? Masama na bang makipagkaibigan sayo?"

  "Alam mo namang hindi tayo magkaka-sundo. May past tayo Violet."

  "Can't you forgive me?"

  "Okay Violet.. pinapatawad na kita pero hindi ibig sabihin nun magiging kaibigan tayo." Naglakad na ako papalayo kaso hinabol na ko nito.

"Sige na please?" Umiling ako at naglakad ulit kaso makulit talaga 'to! Hinarangan pa yung da-daanan ko!

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nagiging kaibigan!"

"Ayoko nga!" Tinalikuran ko na siya. Magpapa-hinga na lang ako sa room namin. Buti at hindi na siya sumunod pa.

  Humiga na ako sa kama. Mukhang napasubo ata ako sa outing na 'to ah!

---

    After naming magpahinga napagdesisyunan naming magswimming muna. Nagsuot ako ng black two piece. Hindi naman kasi big deal kay Maxxis kung magganito akong damit.

Pagkababa ko pinagtitinginan agad ako ng tao.

Huh! Ang sexy ko talaga!

"Hooo! Ang sexy mo Violet!" Sigaw nila Shane at dun ko lang nalaman na si Violet pala ang pinagtitinginan nila! Naka red two piece ito at kitang kita ang malulusog na dibdib!

  Tumingin 'to saakin at nginitian ako, inirapan ko na lang siya at naglakad.

Bwisit! Napahiya na naman ako!

Naglatag na aang ako ng blanket sa buhanginan at humiga.

  "Sali ako huh?" Pagtingin ko... si Violet na naman.

"Ang kulit mo naman eh! Sabing wag ka ng sumunod saakin!"

  "Oy di mo! Assuming neto! Masama na rin bang humiga sa buhanginan?" Napaisip ako.. oo nga 'no?

Hinayaan ko na lang siya dun. Buti at tahimik lang siya ngayon.

"Bea.."

"O?"

"What if sabihin kong malapit na kaming i divorce ni Quile?" Tumingin ako dito.

"What do you mean?"

"Wala naman.."

"Ano nga?!"

"Bea.. pagsinabi ko bang mahal pa din kita babalikan mo ako?" Napahinto ako..

"Ano Bea? Babalikan mo ba ako?"

Tumingin ako dito ng diresto.

"Wala ka ng babalikan.."

Tumayo na ako at lumapit kay Maxxis, siguradong hindi siya makakasunod dito.

Tandang tanda ko pa nun kung paano niya yun sabihin saakin..

Ngayon ako naman ang magsasabi nun sa kanya. Hindi ko kayang lokohin si Maxxis, siya yung nandiyan ng malungkot ako. Mahal ko si Maxxis at tapos na yung saamin..

  Matagal ko na yun binaon sa limot.

--

Nasa may malalim na parte ako ng dagat ngayon. Halos gabi na rin. Mas trip kong magbabad sa tubig kapag gabi.

  "Mag-isa ka lang?"

  "Violet?!" Bat ba lagi na lang siyang sumusulpot?!

   "Bea.. please. Mahal pa din kita.." hinawakan nito ang kamay ko.

"Ano ba Violet! May asawa ka na! May boyfriend ako! Mahal ko siya Violet!"

  "Mahal din kita! Please bumalik ka na saakin."

  "No Violet, itigil muna ito."

   "Mahal na mahal kita." Hindi ko alam pero kumikirot ngayon ang puso ko.. hindi ko alam o ano ang sasabihin..

  "Aalis na ako." Sabi ko pero bago pa ako makatalikod eh, hinila na niya ako at....  hinalikan..

Dug  dug.. dug dug..

Anong nangyayari sa puso ko?!

Hindi ako tumugon.

"Please kung mahal mo pa ako, tumugon ka." Hinalikan ulit ako nito. Pero hindi pa din ako tumugon, pilit ko siyang tinutulok pero parang nawala lahat ng lakas ko.

Mamaya eh, kinagat nito ang ibaba kong labi. Biglang bumukas ang bibig ko at saktong pinasok nito ang dila nito sa loob.

Shit! Ano ba 'tong ginagawa niya?!

Hindi ko alam pero napa-tugon na rin ako. Hinawak ko sa batok niya ang kamay ko. Patuloy lang kami sa paghahalikan..

"Bea?! Bea?!" Awtomatikong kong naitulak si Violet papalayo saakin.

"Babe!"  Sigaw ko, nilingon ko muna si Violet bago umalis.

Isang pagkakamali yung ginawa ko kanina!


---

Sorry po dahil lame ang update ko lagi. Intindihin niyo na lang na heartbroken si author.

Sana patuloy niyo pa rin itong suportahan. Mahaba pa po ang My Lesbian Boss.

Salamat po :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now