Chapter Thirteen

23.6K 531 16
                                    

Bea

Hindi ko alam.. pero nasasaktan ako. Nang makita ko silang naghahalikan parang dinudurog ng paulit ulit ang puso ko.

Kaya umalis na agad ako dun bago pa man niya ako abutang umiiyak.

Habang naka-sakay ako sa taxi eh, panay ang iyak ko.

Ang sakit..

Hindi ko alam pero masakit sa dibdib..

Mamaya pa eh, nandun na ako sa tinitirahan namin. Agad akong sumakay sa elevator.. wala na akong kasabay dahil gabing gabi na rin.

Agad akong pumasok sa kwarto namin at dumiretso sa terrace.

Kailangan kong magpahangin dahil parang nauubusan na ako ng hininga..

Tumatama ngayon ang hangin sa mukha ko at hindi ko mapigilang umiyak.

Sht naman oh!

Bakit ba ako umiiyak?!

Ilang minuto rin akong iyak ng iyak hanggang sumakit na ang mata ko, kaya pinahid ko na yun kaso paglingon ko sa gilid ko nandun na si ma'am.

"Ma'am." Pagtawag ko, kinabahan ako bigla.

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko ng bigla niya akong yakapin.

"Ma'am..."

"Shhhh.. ganito muna tayo." Ewan ko ba imbis na tumangi ako eh, mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

Napapikit ako, ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko ngayon.

Mamaya pa eh, hinarap niya ako sa kanya at nagtitigan kami.

"Ma'am."

Ngumiti lang 'to.

Sht! Ang ganda ng mga ngiti nita! Bakit niya ba yun tinatago sa iba?

"Ma'am ano bang nangyayari?" Tanong ko, naguguluhan na rin kasi ako eh.

"I don't know.. pero gusto ko kitang kasama lagi. Ikaw ba?"

"Ganun din ako ma'am." Sabi ko.

"Hindi ko alam Bea.. pero i think i like you."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She likes me?

"Pero ma'am.. pareho tayong babae." Sabi ko.

"May aaminin ako sayo Bea." Hinawakan nito ang parehas kong kamay.

"Ano po yun ma'am?"

"Sasabihin ko 'to pero please wag kang lalayo saakin." Tumango lang ako, huminga muna 'to ng malalim bagi magsalita.

"I'm a lipstick lesbian."

"P-po?"

"Lesbian ako pero hindi ako nagko-crossdressing. Matagal na akong ganito Bea."

Wala akong masabi.. ano bang dapat kong i-react.

"Okay lang kahit wag ka munang magsalita ngayon. Alam kong masaydo kitang nabibigla sa pangyayari. Pag-usapan na lang natin yan bukas okay?"

Kahit wala ako sa sarili eh, napatango na lang ako bigla.

Hinatak na nito ako sa kama at humiga kami.

Lalong bumipis ang tibok ng puso ko.. ngayon ko kang makakatabi sa iisang kama sa ma'am.

"Wag kang kabahan." Sabi nito at hingpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Let's sleep muna okay?"

"Okay." Nginitian ako nito at niyakap ako.. sht! Mamatay na ata ako!

Lecheng puso! Anong nangyayari sayo?!

----

Like what i said two updates today :)

So, inaasahan ko ang mga comment niyo :)

Wag naman yung purong 'update please.' . 'Yung kabitin.'

Medyo naiirita na po ako eh :)

Yun lang!

Comment. Vote. Fan.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora