Chapter Fourty- Five

13.1K 256 7
                                    

Bea

"Babe.." paglalambing saakin ni Maxxis, sa wakas at nagkaroon na rin siya ng break at nandito kami sa condo ko.

"Yes babe.."

  "Aalis tayo babe, actually hindi lang tayong dalawa. May kasama pa tayo."

"Huh? What do you mean?"

  Lumapit 'to saakin at hinarap ako sa mukha.

"Bilang isang bussiness partner eh, kailangan kong pumunta sa mga outings. Eh, saktong nagyaya si Violet. Kaya yun.. sasama tayo."

"Ehat?! Alam mo namang ayoko siyang makasama di ba?"

  "I know babe, pero anong magagawa ko?"

  "Kung gusto mo, ikaw na lang ang pumunta."

  "But babe nasabi ko ng sasama tayong dalwa." Napahawak ako saaking ulo. Pinaiinit ni Maxxis ang ulo ko!

  "Ayoko! And that's final!"

"Babe.." humiga na ako at nagtalukbong.

  Kahit gusto kong maglambing kay Maxxis , eh hindi ko magawa. Siguradong pipilitin niya akong sumama.

  Mamaya pa eh, naramdaman kong lumundo yung kama ko. Pagtingin ko wala na si Maxxis.  Napa-buntong hininga ako  galit siya..

Tumayo ako at sinundan siya. Nasa may terrace siya ng kwarto ko. Niyakap ko siya patalikod.

"Oo na. Sasama na ako.."

"Talaga?!"

"Oo kaya wag ka ng magtampo diyan!" Humarap ito saakin at niyapos ako.

"I love you babe!"

"I love you too!"

---

  Kasalukuyang inaayos ko yung mga gamit na dadalhin namin ni Maxxis sa outing. Ilang oras na lang kasi at aalis na kami dito.

"Babe tapos na ba yan?," tanong nito. Gustung gusto ko talaga ang amoy niya pag bagong ligo.

"Yap babe! Malapit na!" Kanina pa kasi ako naka-ligo eh.

  Nagbihis lang siya at tinulungan na rin niya ako.

"Let's go?" Tumango na lang ako at bumaba na kami sa building. May isang van at kotse ang susundo saamin. Bale yung mga gamit namin ay sa kotse at kami ay sa van. Mga sampu lang naman daw kami eh.

  Pagkababa namin nandun na yung van pero may pamilyar na mga tao sa loob nun.

"Mga bruha?!" Sigaw ko.

"Kyah! Si Bea nandito na!" Niyakap ako nilang tatlo.

"Kamusta na kayo?"

"Ikaw! Katampo ka! Halos dalawang taon kang hindi nagparamdaan!"

"Haha sorry na. Nasa probinsya kasi ako eh, dun muna ako for two years."

"Talaga? Hindi ka bumalik sa Manila?" Napa-tingin ako sa nagsalita... si Violet.. at ang asawa nito'y na sa gilid.

  "Asawa mo?" Tanong ko.

"Ah eh.. oo. Bea si Quile, Quile si Bea." Nikipag shake hands ako dito.

Hindi ko naman itatanggi, na may itsura rin naman ang asawa nito.

  Mamaya pa eh, nagsakayan na kaming lahat. Sa pinaka-dulo kami umupo ni Maxxis kaso ang malas nga lang. Katabi namin yung mag-asawa. Yung tatlong bruha eh nasa unahan.

  Bale ang nasa bintana ay si Maxxis at katabi niya ako at ang katabi ko naman ay si Violet..

  Nakita kong naka-tulog na si Maxxis, pasimple akong tumingin sa gilid ko pero saktong pagtingin ko eh tumingin din si Violet.

"Ah eh ano.."

"So, binabantayan mo ako?"

"Hindi 'no. Kapal mo!"

Nagsmirk lang ito saakin, binaling ko na lang yung tingin ko sa labas.

Shit! Nakakahiya!

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

---

Mamaya pa eh, nakarating na kami sa isang resort. Resort daw 'to nung kasama namin.

Syempre hiwalay ang girls sa boys. Walang nagawa yung mga boys dahil makulit yung tatlong bruha.

   Malaki naman yung kwarto namin. May tatlo itong kama.

Bali anim kaming babae.

Pumuwesto na ako sa napili kong kama.

Please patabihin niyo na saAkin ang lahat wag lang si Violet. Nagulat ako ng nakita kong na sa gilid ko na si Violet.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ito nagsalita at tinuro yung na sa gilid namin.

Yung tatlong bruha naka-higa na! Magkasama sa iisang kama si Marie at Riza, sa isa namang kama ay si Shane at yung kamsa pa  namin.

  Nakita kong tumatawa yung mga bruha kahit pikit sila.

"Wag na kayong magtulug-tulugan!" Sigaw ko. Badtrip! Pinagplanuhan nila 'to!

"So, dito na ako." Sabi ni Vuolet at nginitian ako. Inirpan ko na lang siya at pinagpatuloy yung pag-aayos.


---

COMMENT. VOTE. FAN.

Ugh feels! May crush na iba yung crush ko! Nath please  akin na lang si David! Huhuhu.

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Where stories live. Discover now