Chapter Sixteen

21.9K 442 6
                                    

Bea

Nasa bus na kami ngayon, naka-sandal ang ulo ko sa balikat niya.

Ilang araw na kaming ganito... yun yun ay meron nga bang KAMI. Hanggang ngayon kasi eh, hindi pa rin namin na-o-open ang topic na yun.

--

Mamaya pa eh, nagstop na yung bus. Agad kaming bumaba. Buti at hapon na hindi na masyadong mainit sa daan.

"Wait na lang tayo ng cab baby." Tumango lang ako.

Minsan naiisip ko, totoo ba talagang lesbiyana si Violet?

"Oh.. baka matunaw naman ako nan." Sabi nito at ngumiti. Hindi ko inaakilang maganda ito kapag ngumingiti

"Tch! Epal mo."

"Ako? Epal? Nah! Na-a-attract ka lang saakin no!"

"Ay! Proud na proud sa sarili?" Sabi ko at bahagyang tumawa. Napa-tingin ako dito bigla, titig na titig ito saakin.

"B-bakit?"

"Wala." Sabi nito at umiling iling pa, ito na kaya ang right time para i-open yung tungkol saamin?

"Para!" Napapitlag ako ng biglang sumigaw si Vioket, may huminto na pa lang cab saamin.

Tinulungan kami ni kuya driver para ilagay sa likod ng kotse yung mga bags namin.

Ewan ko ba. Bigla akong nawalan ng ganang magsalita.

--

"Dito ka muna matulog ngayong gabi Baby."

Para akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niya.

Dito ako matutulog?!

"S-sigurado ka ba? Pwede naman akong umuwi sa bahay ko eh."

"Ano ka ba! Ayos kang yun baby tsaka so what? Parang hindi tayo nagkakatabing matulog sa Batangas eh."

Namua ako bigla.. naalala ko kasi yung mga gabing magkatabi kaming matulog.

Lagi niya akong hinahalikan sa buong mukha at nag-i-i love you bago matulog.

"Eh! Iba naman yun eh! Sa sahig na lang ako."

"NO." Madiing sabi nito pero umiling lang ako.

Wala siyang magagawa basta sa sahig ako matutulog!

Naglinis muna ako ng katawan bago ayusin yung hihigaan ko ngayong gabi.

Malaki naman ang condo ni Violet eh.

"Baby sure ka bang matutulog diyan? Pwede ka naman kasi dito eh."

"Hindi na.. tsaka sanay ako sa sahig ano ka ba!" Sabi ko at naglatag na ng banig.

"Baby.." pangungulit 'to pero umiling lang ako. Narinig kong napabuntong hininga ito.

Lamp shades na lang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid ng kwarto. At kagaya dati, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko..

Ngayon na ba ang oras para pag-uspaan namin kung ano bang meron saaming dalawa?

Huminga muna ako ng malalim bago siya tinawag..

"Violet..."

"Yah! I said call me baby!"

"This is surious Violet.." bigla 'tong dumangaw mula sa kama niya.

"Ano yun?"

Napa-kagat labi ako. Paano ko ba 'to sisimulaan?

"Please bilisan mo. Kinakabahan ako!"

"Kasi.."

"Kasi ano?"

"Ano bang... meron saating.. dalawa? I mean is.. anong status natin???"

Namayani bigla ang katahimikan.. tanging ingay lang ng aircon ang maririnig sa buong kwarto.

Hindi na rin 'to naka-dungaw mula sa kama niya.

Ewan ko ba pero bigla na lang tumulo ang luha ko.

"A-ayos lang kahit di mo muna sagutin." Sabi ko at tinakluban ang buong mukha ko ng kumot..

Bakit ba ako nasasaktan? Mahal ko na din ba siya?

---

GOODLUCK SA MGA MAY PASOK NGAYON! :)

Sa june 8 pa ako eh :*

DELETED NA PO PALA YUNG My Gay Dorm-mate. Mas type kong magfocus muna dito.. :)

PLEASE MAGCOMMENT KAYO.

PS. Akala niyo tapos na ang mga pasabog? Nah! Nagsisimula pa lang ako hahaha!

Pps. In-advance ko na ang update nito ngayon. Dapat bukas ko pa talaga 'to i-pu-publish pero di ko kayang tisiin kayo kaya yun :* KAY MAGCOMMENT KAYO! :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang