Chapter IX

61 10 0
                                    

—-

Management week

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Management week. A time for enjoyment dahil maraming pwedeng pagkaabalahan at walang klase. As for me, it's a perfect time to study and distant myself from the crowd.
I just asked Melanie to sign for my attendance na naintindihan naman niya.

There, I went home.

Holding my book on Law on Obligation and Contracts, minabuti kong lagyan ng highlight and mga terms na hindi ko dapat makalimutan. Terror kasi ang prof namin at laging may recitation and ayokong mabokya dahil graded iyon.

Buong linggo ay ganoon ang ginawa ko. Aral, bike, at kapag gabi naman ay nagtatrabaho. Medyo magaan ngayong week dahil walang nangungulit. Hindi ko man maitanggi ay alam kong nami-miss ko ang presensya ni Tephen.

Minsan nakikipagkamustahan ako kay na Felix at Peter at never kong naitanong si Tephen. Sa work naman ay tanggap na ni Jetro na hindi ko kayang suklian ang feelings niya.

"Oh, nasaan na 'yong sumusundo tayong naka-pick up?" Tanong ng isa kong katrabaho. Si Marco.

"Busy sa acads," I lied.

"Kaya pala pa-bike bike ka na lang ngayon," pang-aasar niya.

"Need ko rin namang magpapawis minsan kaya naka-bike ako," pagdepensa ko sa sarili ko.

"Sabagay. Nakakainggit," aniya at iniwan ko na siya at nagsimula akong mag-bike.

Along the way, dumaan ako sa convenient store dahil kailangan kong bumili ng ilang supplies na panglaba. Buti na lang talaga at  nakabili ako ng washing noong nakaraan sa halagang limang libo. Convenient at less gastos sa'kin dahil hindi ko na kailangang nagpa-laundry pa.

Habang kumukuha ako ng mga kailangan ko ay nakita kong papalabas si Ivy at ang taong iniiwasan kong makita... si Tephen.

They are casually talking to each other at nagtatawanan pa.

Gaya ng nakita ko sa convenient store noong nakaraan, pumutok ang balita sa department namin ang relasyon ni Ivy at Tephen. Sobrang sweet nila at PDA na PDA talaga na para bang kanila ang mundo at sa kanila lamang ito umiikot. What an eyesore.

"Matinik talaga 'yang si Tephen. Ang sabi sa'min last time magkaibigan lang tapos mag-jowa na pala," sabi ni Ivan na kaklase ko.

"Omsim. Matinik pa sa matinik!" Pagsang-ayon ni Melanie. "Buti pa 'tong bestfriend ko behave lang at goal oriented!" Pagmamalaki ni Melanie at sinapo niya pa ang aking buhok.

Naging centro tuloy ako bigla ng atensyon.

"Si Belen na 'yan eh. Parang tatandang binata 'yan. Puro kasi aral." Pang-aasar pa ng isa kong kaklase na si Harold.

"Huwag niyo ngang asarin 'yan," turo ni Melanie sa akin. "Alam kong hindi 'yan tatandang binata. Sa gwapo nito ay malamang inggit lang kayo kasi muka kayong itlog na bugok!" Pang-aasar pa ni Melanie kaya't nagtawanan ang marami ko pang mga kaklase at napangiti naman ako.


Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now