Chapter VIII

52 10 2
                                    

R-16 Self harm!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



R-16
Self harm!

I hate the idea of begging. Two weeks na kasi akong nagdadala ng pagkain para kay Tephen pero pansin ko na lagi niya iyong hindi ginagalaw. Ni hindi niya man lang iyon pinapunan ng pansin.

Minsan tuloy ay ako na lang din ang kumakain ng dala ko para sa kanya. Kung hindi naman ay kay Melanie ko ibibigay. I had enough of this chasing scenario.

I begged for my family's attention and approval before tapos ngayon, attention naman ni Tephen. Akala ko hindi ko na uli ito mararamdaman pero parang binasura lang din ako ni Tephen.

To: Bartolome

I don't know what I did wrong, but I am sorry. I'll respect your space, your time and especially, your sanity. Kung ayaw mo na talaga akong kausapin or bigyan man lang ng pansin, I really am thankful that somehow, I became part of your college life and I became your friend.

Sorry and thank you, Tephen!

After sending those message, I promised to myself that I need to regain my composure and I also promised to protect myself from Tephen. Hindi ko talaga alam ang punu at dulo ng lahat pero ayoko namang i-assume na nagselos siya kay Jetro that night.

"Kuya Gian?" Si James iyon at kasama niya si kuya Gabi. Their eyes laid on me and the question on my brothers' eyes terrifies me.
Napahinto tuloy ako sa pagpupunas ng lamesa.

"You're working here? Kailan pa?" Tanong ni kuya.

"Kuya, busy ako. Hindi ko masasagot ang mga tanong niyo," I answered, but after I said those words, I saw my mom and dad and they stopped in front of me.

"Leave that ungrateful kid alone. Mataas ang tingin niyan sa sarili. For sure, walang mararating 'yan!" Sabi ni papa kaya nanliit na naman ako.

I expect my kuya Gabi to interfere pero hindi siya nagsalita at iniwan niya lang ako ng isang tila disappointed na tingin. Sabagay, ayaw din naman niya akong kapatid.

After cleaning all the tables, I then sanitized myself and was asked to serve my family's food.

"Gian, umuwi ka na sa bahay. This is not right. We can still fund your college.." hindi ko na pinatapos si mama sa pagsasalita.

"Thank you for ordering. Wala na po bang kulang? Kapag wala na pong kulang, ma'am, sir, may I leave na po?" Iyon ang sagot ko at parang nakita kong nalungkot si mama pero hindi ako ro'n interisado.

From a far, napapatingin ako sa kanila. Ang saya-saya nila. Paano nila nagagawang maging masaya ng gano'n gayoong nakikita nila akong naghihirap. Minsan, naiisip ko na lang na baka ampon ako o unwanted child. Kaso, alam kong hindi eh. I looked exactly like my father noong binata pa siya.

Dahil alam kong wala na rin namang mangyayari sa pagdadrama ko ay nag-focus na lang ako sa paglilinis. As much as possible, I avoid my family na never naman akong tinuriny na family member.

"Ma, pa, iiwan na lang ba natin si kuya rito?" Tanong ni James.

"Hayaan na natin ang kuyq mo. Hindi na siya parte ng pamilya natin. Matagal na," sagot ni papa and sobrang sakit no'n sa part ko. Sobrang sakit na hindi ko namamalayan na may luhang pumatak mula sa mga mata ko. Akala ko kaya ko na eh. Akala ko wala na. Akala ko kaya ko ng wala sila. I was wrong. Sila pala ang kayang wala ako sa buhay nila.


After work, I looked at myself in front of the mirror. I am crying kay naghilamos ako para mawala iyon. Para hindi halatang umiyak ako.

Pinipigil kong hindi humagulhol pero hindi ko kaya. Looking at my left wrist, unti-unti kong nakita ang pagpatak ng malapot na dugo sa bathroom sink at ilang hiwa pa ang ginawa ko hanggang sa magsawa ako.

This is the third time na ginawa ko ito. I know it's wrong pero sa ganitong paraan ko nakukuha ang comfort.

Dahil sa hindi ko naman kayang hayaang mamatay ang sarili ko ay hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak sa ilalim ng shower at nag-sync in lang sa'kin lahat noong makita ko ang hiwang naiwan sa wrist ko.

Hanga rin talaga ako sa ibang tao. Nakakaya nilang dalhin lahat ng bigat kahit ang hirap-hirap parating lumaban.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nag-bike lang ako dahil gusto kong hampasin ako ng sariwang hangin. I even wear my hoodie para hindi mahalata ng mga kaklase ko ang sugat na nagtatago sa ilalim ng aking kaliwang kamay.

As usual, pinatay ko ang sarili ko sa pagbabasa at pag-aaral bago ako matulog at ganoon din noong makarating ako sa klase.

Pinatay ko ang mga vacant time ko sa pagbabasa at pagda-draft ng mga reviewer. Ganoon naman talaga dapat talaga, 'di ba? We need to occupy ourselves to avoid pain.

"Hindi ka ba talaga kakain?" Tanong ni Melanie.

"I good," sabi ko na lang.

"Oh sige," sagot naman ni Melanie.

I watched her back as she quietly leave. Ako na lamang mag-isa sa klase. As time passed hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Wala rin kasi akong matinong tulog kagabi.

Good thing about my sleep, wala kaming first subject sa hapon dahil may biglaan daw meeting kaya hindi na ako ginising ng mga kaklase ko. Also, tahimik silang lahat and I am thankful sa pagiging considerate nila.

Last subject na ako ginising ni Melanie kasi terror 'yong professor namin. We even had a surprise exam na na-perfect ko naman.

Applauded. Appreciated. Iyon ang naramdaman ko kanina pero ayokong maging sobrang saya.

"Una na'ko, Melanie," sabi ko and she stayed dahil sa practice na naman ng sayaw sa P.E.

Dahil dala ko ang bisikleta ko ay plano kong magtungo sa dagat. I want to have some peace of mind.

Wearing my headphone, I calmly ride my gravel bike.

Busy streets, calm sky. Iyon ang mayroon habang nakasakay ako sa bisikletq ko. Almost twenty minutes din akong tumipa hanggang sa marating ko ang pampang.

The warm breeze of the sea embraced me. Maganda rin ang langit na dinodomina ng kulay na kahel. Hudyat na lumulubog na ang araw.

I gently closed my eyes and I heard the echoing sound of the waves na para bang sinasabi nitong huminahon ako at huwag magmadali.

As I open my eyes huminga ako ng malalim at naupo. Kinuha ko rin ang isa kong notebook at nagsulat ako roon ng tula.

ALON

Ikaw ay huminahon
Lungkot ay maglalaon
Malilimot at ibabaon
Puso at aahon

After writing that one stanza, hindi na ako muling nakapag-isip pa ng sunod na dapat kong isulat. Hinayaan ko na lamang iyon tsaka ko isinilid sa bag ko ang ball-pen at notebook ko.

I listened to my favorite guitar covers at nahiga ako sa buhanginan at malaya kong pinanood ang unti-unting pagdilim ng kapaligiran; ng langit.

I really am tired. Wala pa akong kinakain maghapon na. I can barely move kaya ipinilit ko ang tumayo na.

Pinagpagan ko muna ang sarili ko at saktong pagtayo ko ay ang pagdating ng isang taong ilang linggo akong iniwasan.

Dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang pakikipag-ayos sa kanya ay nilampasan ko lang siya at nagmadali akong magpidal.

I am done chasing him.
I am done.

Itutuloy...

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now