Chapter IV

56 7 0
                                    

—-

After that specific afternoon, nakuha ni Tephen ang tiwala ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After that specific afternoon, nakuha ni Tephen ang tiwala ko. Halos lagi na kaming magkasama at paunti-unti ay nakikilala ko siya.

May sinabi sa buhay ang pamilya niya. Bunso sa tatlong magkakapatid at mahal na mahal siya ng family niya. Bagay na kinainggitan ko sa kanya.

Mahilig talaga siya sa sports at swimming ang paborito niyang sports maliban sa road racing.


Tungkol naman sa akin, hindi pa ako gaanong nag-o-open ng sarili ko pero kapag nagtatanong siya ay sumasagot ako.

Nanatili na lang akong invisible sa bahay namin. Hindi na ako sumasabay sa almusal, tanghalian at gabihan. Kapag naman weekend ay lumalabas ako para mag-bike kasama si Tephen at minsan ay kasama namin si Felix at Peter na kasama niya sa swimming team ng school.

Medyo natatanggap ko na ang situation sa bahay at medyo magaan iyon sa pakiramdam.

Until lumabas ang finals at nakuha ko na ang grades ko.

"Rank one na'ko, pa, ma," masayang sabi ko nang isang hapon na umuwi ako.

"Mabuti naman. Sayang ang pinampapaaral namin sa'yo kung hindi ka mangunguna sa department niyo," singhal pa ni papa at nawala na lang ang ngiti sa mga labi ko nang ganoong kabilis. Ganoon ba kahirap mag-congratulate ng anak?
Bakit kay kuya at kay James ang dali nilang ibigay 'yon?

Pakiramdam ko ay ang dami pang gustong sabihin ni papa, pero umalis na ako sa harapan niya.

I expected a lot from him. Akala ko magiging masaya na siya pero hindi. Puro pambabaoy at sermon pa ang narinig ko.

"May sasabihin pa po ba kayo? Kung wala na, maiwan ko na ho kayo," sabi ko kay papa at mama. Hindi ko naman na rin sila hinintay na makapagsalita.

That night, I promised to myself na hindi ko na kailangang i-please ang mga magulang ko dahil hindi rin naman nila nakikita 'yong efforts ko, 'yong mga paghihirap ko. Puro na lang hirap nila. Puro na lang sila. Puro na lang si James at kuya Gabi!

Bakasyon na at nang mga sumunod na araw ay hindi ko na sila kinakausap man lang. Umuuna na ako sa pagkain at kung wala ako sa mood ay hindi ako kumakain. Napadalas din ang hindi ko pag-imik sa kahit na sino ang nasa bahay at wala na akong pakialam kung mapansin man iyon ng mga tao sa bahay.

"Kuya, kakain na raw," sabi ni James sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ako sumagot.

Ayokong sumabay. Ayokong marinig ang boses nila. Ayokong makarinig ng sermon mula sa kanila.

Ilang oras na katahimikan. Akala ko ay pipilitin pa'kong tawagin pero hindi. Good for me. Mamaya na lang ako kakain kapag tapos na sila.

Nagtuluy-tuloy lang ang ganoong set-up namin sa bahay hanggang sa masagot ko na minsan si papa na alam kong hindi niya malilimutan.

"Gian, saan ka na naman pupunta? Hindi ka na nakakausap dito sa bahay," puna ni papa nang minsang naabutan niya akong lalabas ng bahay hawak ang bisikleta ko.

"Oo nga, kuya," pagsingit ni James.

"Do I really have to report everything, pa? Can't you at least leave me alone? Twenty-one na'ko. Hindi na po ako bata para laging mag-report sa inyo ng mga gagawin ko. Nandiyan naman si James. Huwag niyo na po kong abalahin, pa." Sagot ko na ikinagulat ni papa. Even ni James. Both of them were shocked and I don't give a fuck!

I did not wait for my father's response at umalis na'ko dala ang bike ko.



I am constantly reminding myself to be composed lalo na pagdating sa family ko pero kanina, I did not hold back. Deserve ko rin naman sigurong ipagtanggol ang sarili ko paminsan-minsan. Nakakasakal na sila.

Gaya ng nakasanayan, nag-bike kami ni Tephen. Kami lang dalawa ngayon dahil busy si Felix at Peter.

Halos 10 kilometers din ang naging distance ng aming pagba-bike kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na noong tumambay na kami sa tabing dagat para magpahinga.

Ang sarap lang tingnan ng mga alon. It reminds me of my founded peace of mind. Para bang sinasabi ng bawat alon na piliin kong magpatuloy dahil wala naman akong choice.

"Can I ask you something?" Sabi ni Tephen sa kalagitnaan ng pagkain namin ng tinapay na binili namin sa 7/11.

"Go on," sagot ko naman.

"Do you think I'm handsome?" Tanong niya.

"Oo." Matipid kong sagot at ngumiti naman siya. Ang random naman ng tanong niya.

"Ikaw din. Pogi ka. Lalo kapg nakangiti," pagpuri niya. Words of affirmation.

"Para kang sira, Tephen. Gutom lang 'yan," sabi ko naman bago ko humabarin ang suot kong pang-itaas. Gusto kong maligo sa dagat dahil ang inviting nito at ang ganda rin ng paglubog ng araw.

Suot ang shorts ko ay tumakbo ako papunta sa dagat at nagulat ako dahil sa tunog ng camera. It's Tephen's phone.

"Harap!" Sabi niya at ginawa ko naman. Ngumiti ako ng malaki sa camera ng iPhone niya at nang humampas na sa akin ang tubig ng dagat ay napangiti ako.

Nawala lahat ng pagod ko. I felt renewed.

Bilang ganti, I also took some shots for Tephen.

"Thank you for today, Tephen. How I wish to spend it more with you, but I really need to go home na. Please send me the pics." Sabi ko at ngumiti naman si Tephen bago magsalita.

"Ingat ka rin. Send ko na lang mamaya," aniya at tinapik ako sa balikat at mabilisan niya akong niyakap sa balikat habang nakasakay ako sa bike.

Itutuloy...

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now