Chapter V

56 9 0
                                    

—-

After that specific day kung saan nasagot ko ang papa ko, I decided na kailangan ko na talagang umalis sa puder ng parents ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After that specific day kung saan nasagot ko ang papa ko, I decided na kailangan ko na talagang umalis sa puder ng parents ko. I must live on my own.

"Isang kwarto, may sariling lababo at cr. Okay na 'to, 'no?" Tanong ko kay Tephen. Naghahanap kasi kami ngayon ng lilipatan ko. Hindi naman siya nagtanong kung bakit. Basta sinamahan niya ako. Sa katunayan nga ay pang-apat na ito. Ito lang talaga 'yong pinakamalapit sa campus.

"For me, okay naman. Sa'yo ba?" Sagot naman niya.

"Oo. Three thousand five-hundred per month. Dalawang kanto from school, ayos na'ko rito," sabi ko.

"If okay na sa'yo, okay na rin sa'kin," nakangiting sagot ni Tephen.

At doon nga ay agad-agad akong nag-settle ng payment. One month advance at one month na deposit.

I did not discuss this decision with my parents. Basta ang alam ko, gusto ko na talagang bumukod. Kaya ko naman na. Kakayanin ko. Malaki naman ang scholarship ko at malaki rin ang ipon ko. Magpa-part-time job na lang siguro ako para mas kayanin ko. Hindi naman parati akong may ipon. Mauubos at mauubos 'to.

Kinagabihan ay naghakot na'ko ng gamit. Kita ko sa muka ni papa na wala siyang pakialam. Medyo napadali naman ang paghahakot ko dahil hiniram ni Tephen ang sasakyan ng daddy niya na pick-up. Medyo marami akong damit kaya babalikan ko na lang 'yong iba. Inuna ko lang 'yong mga kailangan ko talaga.

Kinabukasan ay nag-text si mama kung nasaan daw ako pero hindi ako nag-reply.

From: mama

Gian, umuwi ka na. Hindi na uwi ng normal na binata 'yang ginagawa mo. Puro ka pagbubulakbol.

Akala ko mapapansin nila na wala ako sa bahay. Akala ko mapapansin nila na wala 'yong mga gamit ko pero hinahanap lang pala nila ako para pagalitan.
How I wish pinaramdam nila sa'kin na mahal nila ako.

At this point, I decided to ignore their messages at naghanap ako thru online ng mapag-a-apply-an ng trabaho.

"Hindi ka ba magtatanong kung bakit ako nag-decide na mag-rent ng apartment?" Tanong ko kay Tephen. Umiling lang siya.

"Hindi naman na kailangan. Lagi kong nirerespeto ang space mo," sagot niya.

That's what I like about having Tephen around. He never questioned me and my actions. Lagi lang siyang go-with-the flow ang atake.

That night, sa apartment na natulog si Tephen. Nakatulugan na namin ang panonood ng mga anime movies sa laptop ko.

One week before my sophomore year in college ay na-hire ako sa isang kilalang fastfood restaurant sa bayan bilang crew. Maayos naman ang trato ng manager sa akin at ganoon din ang mga kasamahan ko. Halos mga estudyante rin pala ang mga kasamahan ko kaya hindi naging gaanong mahirap sa akin ang mag-adjust.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now