Chapter XIV

51 10 0
                                    

—-

The entire week, doble effort ang ginawa ni Tephen sa'kin. Bumawi talaga siya at ramdam ko iyon. Nariyang hinihintay niya akong matapos sa trabaho. Hindi na siya umaalis. He stayed inside at doon ko siya nakikitang nag-aaral.

Mas gusto ko 'yong ganito si Tephen. I get to work while seeing him kahit medyo malayo.

"Kapit ng maigi," sabi ni Tephen bago niya paandarin ang kaniyang motorsiklo.

While holding on Tephen's waist, I suddenly saw familiar faces. Si Melanie iyon at si Ivan. Magkahawak kamay sila and I think Melanie recognized Tephen's bicycle kasi habol tingin siya sa sinasakyan namin. Tuloy ay nakaramdam ako ng kaba. Buti na lamang talaga at may suot kaming helmet.

Pagdating sa apartment, we talked about it.

"I think, Melanie recognized us," sabi ko. Feeling worried.

"We don't need to be worried. Wala naman tayong ginagawang masama at hindi naman siguro kawalan sa atin kapag nalaman ng marami ang tungkol sa relasyon natin. It's not something we can't hide forever," aniya at hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Akala ko ay magwo-worry din siya gaya ko pero I was wrong. Willing siyang malaman ng mundo ang relasyon na mayroon kami. Ako ba, handa ba ako? I don't know. Perhaps no. Not yet. Hindi ko alam ang magiging reaction ng mga magulang ko kapag nalaman nilang may karelasyon akong lalaki.

"Is it bothering you?" Siya naman ang nagtanong and I nodded.

"If you're afraid to let everyone know about our relationship, okay lang din sa'kin. But if people ask about it, I won't deny it" aniya at tumango lang ako.

Grabe 'tong assurance na ibibigay ni Tephen sa'kin. It's as if wala siyang ginawang masama behind my back; parang wala siyang itinatago sa'kin.

"I'll do the same and I am sorry for reacting this way. Alam mo namang ikaw pa lang ang pinapapasok ko sa buhay ko bilang partner," sabi ko naman and he hugged me.

"Thank you for allowing me to love you!" He said while hugging me.

He really knows how to make my heart happy and at the same time, alam kong kaya rin niyang durugin ako.


Because of that, we became too extra careful. Hindi na kami nagtatabi sa upuan. Mas maaga rin kaming pumapasok para walang makakitang sabay kaming pumasok. Hindi na rin muna ako nagpapahatid sa kanya sa trabaho. I gave him his time para sa varsity. Malapit na rin kasi ang competition nila.

But with those extra effort we putted-in to hide our relationship, fate knows how to play with us.

"Totoo ba? Si Gian at Tephen?" Naghuhurumentadong bulalas ni Maricar sa klase namin na narinig ko saktong pagpasok ko sa classroom.

They looked at me and I felt their eyes judging me. Parang may ginawa akong malaking kasalanan.

"Itigil mo nga 'yan, Maricar!" Si Melanie iyon.

Tumahimik sandali dahil sa sigaw na iyon ni Melanie.

I pretended na hindi ko alam ang tinutukoy ni Maricar.

"What's up? What's happening here?" I raised my questions.

"Kayo raw ni Tephen," diretsahang tanong ni Maricat at saglit kong inikot ang aking paningin sa buong klase. Nasaan ka na ba, Tephen?

"What did you mean?" I answered with a question. "Make your question clearer so I could answer correctly," sabi ko pa.

"May relasyon daw kayo ni Tephen," sagot naman ni Maricar.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now