Chapter I

114 13 0
                                    

Being the middle child in the family, I know I was never a favorite; was never the center of attention and those are the reasons kung bakit parati kong kailangang i-prove ang sarili ko sa lahat at lalong-lalo na sa family ko kahit na hindi naman d...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Being the middle child in the family, I know I was never a favorite; was never the center of attention and those are the reasons kung bakit parati kong kailangang i-prove ang sarili ko sa lahat at lalong-lalo na sa family ko kahit na hindi naman dapat. It's tiring. Draining.

"Top 2 lang?" Iyon ang sabi ni papa sa'kin nang iabot ko sa kanya ang report card ko. Napahiya na lang ako sa sarili ko, but I didn't say anything dahil lalabas lang akong bastos at walang modong anak.

"Hindi mo gayahin ang kuya mo. Consistent top student. Laging top one at graduate na magna cumlaude," sabi pa ni papa.

Masama bang top two ako? Hindi pa ba 'yon sapat? Buong college naman 'yon ng business management. Dean's lister din naman ako.

"Babawi na lang po ako sa susunod na semester," tugon ko.

"Bumawi ka talaga!" Iyon ang sabi ni papa.

Kumpara sa dalawa kong kapatid, alam kong nasa akin ang pressure. Nasa akin ang bigat at parati kong kailangang makipagkumpetensya. Kasi kung hindi ko gagawin, lulubog ako sa sarili kong pamilya.



Kinagabihan, I heard my youngest sibling talking to my dad at hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil sa mga narinig ko.

"Pa, with honor lang po ako. Are you mad?" Sabi ni James, ang bunso kong kapatid.

"Ayos lang 'yon. I am always proud of you!" Sabi pa ni papa at niyakap niya pa si James. Ako nga, I graduated salutatorian of our batch noong senior high school pero sermon ang inabot ko sa kaniya kasi hindi ako ang valedictorian. Nakakasama ng loob. Ano pa bang in-expect ko kay papa?


The next semester, I will challenge myself. Kailangang mas higitan ko pa ang sarili ko.

"Happy 21st birthday, Gian!" Sabi ni Melanie na kaibigan ko since grade school.

She's holding a slice of my favorite chocolate cake with a small candle on top of it.

I gently close my eyes and wished for a better life.

"Thank you, Melanie!" I said while holding myself from crying. Hindi kasi naalala sa bahay na birthday ko ngayon.

"Nako, huwag ka na ngang malungkot, Gian. Hindi bagay sa'yo! Birthday mo pa naman. You should be happy," sermon niya.

"I am just happy." Sabi ko.

After that scenario, dumiretso na kami ni Melanie sa first subject namin. Istrikta kasi 'yong professor namin sa Marketing kaya fifteen minutes before pa lang ay dapat nandoon na kami. Professor din namin siya last semester kaya kilala na namin ang ugali niya.

As usual, naging smooth naman ang araw ko maliban na lang noong naging nakatabi ko ang kakumpetensiya ko sa lahat ng subject na si Tephen. Magkasunod kasi ang surname namin kaya suki kami ng sitting arrangement.

"Happy birthday!" Bulong ni Tephen sa akin nang matapos na ang klase namin.

I did not respond. We're not close.
Akala ko walang ibang makakaalala bukod kay Melanie, mali pala ako.

"Plaza na lang tayo. Doon ko gustong kumain," paanyaya ko kay Melanie.

"Sure!" At mabilis kaming sumakay ng pampasaherong jeep at nang makarating kami sa plaza ay kumain kami ng habhab na paborito ko.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Tephen na kasama ang mga kaibigan niya. Apat sila pero siya ang pinakamatangkad sa kanila. Siya rin 'yong pinakaagaw pansin dahil sa kulay niyang mestizo at sa ganda ng kanyang tindigan.

"Sila Tephen 'yon, 'di ba?" Tanong ni Melanie. I just nod at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Matapos naming kumain ay bumili kami sa 7/11 ng tig-isang in-can na beer at ininom namin iyon sa jeep papauwi. Hindi pa sana kami pagbebentahan dahil parehas kaming nakauniporme pero nang sabihin kong birthday ko at hindi naman na kami minor ay bumigay din ang tao sa counter. She even greeted me a happy birthday.

"Thank you, Melanie!" Sabi ko bago ako bumaba sa tapat ng subdivision kung saan nakatira ang pamilya ko.

"Happy birthday uli at ingat!" Aniya pa bago tuluyang umandar ang sinasakyan niyang jeep.


"Ano'ng oras na ah? Uwi pa ba 'yan ng matinong estudyante?" Sermon ni papa nang makapasok ako sa bahay para magmano sa kanilang dalawa ni mama.

"Marami lang hong tinapos sa school," pagpapalusot ko. Akala ko pa naman babatiin niya ako dahil birthday ko ngayon.

"Baka nakikipag-date na 'yang anak mo kaya ngayon lang umuwi," pagdagdag pa ni mama.

"Hindi ho," sabi ko naman.

"Sumasagot ka na talaga. Iyan ba ang natututunan mo sa school?" Tanong naman ni papa.

"Pasensya na po," sabi ko na lang.

"Amoy alak ka, Gian! Did you drink?" Pasigaw na tanong ni mama at umiling ako.

"Hindi po," ayon ang sagot ko pero huli na dahil nasampal na'ko ni papa.

"Kaya ka pinag-aaral para rin sa'yo! Para gumanda ang buhay mo at hindi para maging lasenggo lang! Nakakahiya ka!" Sermon ni papa kaya nagtimpi na lang ako at hinayaan ko na lang silang magsermon.

"Buti pa ang kuya mo, Gian! Hindi iyon kailanman nagbigay ng sakit sa ulo sa'min ng mama mo!" Sabi pa ni papa and I know masakit iyon sa dibdib ko.


I cried the entire night at alam kong pugto ang singkit kong mga mata. Hindi ko ma-fathom kung saan ba ako nagkamali.


Dahil sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ako nagsalita sa bahay habang nag-aalmusal kami. Hindi na rin ako sumabay sa sasakyan ni kuya. I chose to ride on my bike para mawala ang bigat ng dibdib ko. I didn't say anything bago ako umalis basta masama ang loob ko sa kanilang lahat.

Ang sakit. Walang nakaalala sa bahay ng birthday ko. 21st birthday.

Itutuloy...

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now