Chapter XIII

57 11 0
                                    

—-

Another disappointment, wasted effort, and another overthinking session for me. Hindi umuuwi ng tanghali si Tephen because he likes to spend his time with me. This is new to me. I felt like I am being thrown away; left behind.

"So kung si company ABC ay nag-acquire ng asset na nagma-mature and value yearly, ano namang pakialam ko?" Pagbibiro ni Ivan habang hawak ang libro namin sa financial management. Nawala tuloy ako sa focus at napatawa na lang ng mahina gaya ng mga kaklase kong nagbabasa rin.

"Siraulo ka!" Kumento ni Melanie.

Napansin ko tuloy lately, laging magkasama si Melanie at Ivan at lagi pa silang magkabangayan sa lahat ng bagay. Tama bang isipin ko na may something sa dalawa or talagang ganoon lang talaga sila dahil sa iisang subdivision lang naman kasi sila nakatira. I must be overthinking.

Afternoon class come and it happened to quickly. Muntik pa ngang ma-late si Tephen, buti na lamang at late ng fifteen minutes ang professor namin kung hindi ay masisira ang record ni Tephen.

Pawis na pawis siya nang pumasok sa klase pero I can still smell his scent na alam kong siya lang ang may ganoong klase ng amoy na hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano pa mang mamahaling pabango.

After attending all of our afternoon class, I finally had the chance to talk to Tephen. Iniabot ko lamang sa kanya ang tumbler na binili ko kagabi sa kanya.

"Ingatan mo 'yan ha?" Sabi ko sa kanya.

"Nag-abala ka pa. Thank you for this. Iingatan ko'to," sabi niya.

One thing I like about this guy, he knows how to appreciate even the littlest things I did for him.

"Nga pala, hindi ka nag-reply kagabi. I assumed you're having a good time with your family," sabi ko.

Napalunok siya sa sinabi ko. I expected him to tell me the truth, but he did not.

"Sorry about that," panimula niya. "We had a long night yesterday. Nakakapagod." Ayon lang ang sinabi niya. Ganito pala kasakit 'yong makarinig ng kasinungalingan. I know he's hiding something, I just didn't know kung ano iyon.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"Wala. Bawal ba'kong mapogian sa'yo?" Sagot ko sa huli.

"Feel free," aniya and he smiled.

After niya akong ihatid ay umalis na rin kaagad siya dahil may aasikasuhin pa raw siya sa bahay. Nagpahinga lang muna ako ng ilang minuto at huminga ako ng malalim.

I did not expect Tephen to lie on me; on my face. Ang daming tanong sa isip ko. Sino 'yong babaeng kasama niya kagabi? Sino 'yong Julia? Bakit kailangan niyang umuwi ng lunch?

Dahil ayoko namang isipin na nilokoko ako ni Tephen ay mas minabut kong magplantsa na lang ng uniform ko sa trabaho at nagbasa rin ako ng ginawa kong reviewer kanina sa library. I also sent some notes kay Tephen na offline ngayon.

Hindi ako mahilig tumalon sa konklusyon. Hindi ako basta nag-a-assume. Parang sa accounting lang din na do not assume unless otherwise stated. Ganoon ang paniniwala ko.

Hindi na ako nasundo ni Tephen from work. Mabuti na lamang at ayos pa ang bisikleta ko kaya iyon ang ginamit ko para makapunta sa trabaho at para na rin makauwi.

While browsing on FaceBook, nakita kong may post na naka-tag kay Tephen. Julia Ticzon ang name ng nag-tag.

"Nice meeting you, Mister Bartolome." Binasa ko ang caption and I felt something; pain. Gumuhit ang sakit sa dibdib ko at ilang minuto ko iyong tiningnan hanggang sa nagulat na lamang ako at nawala na kaagad iyon.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now