Chapter XXI

70 9 1
                                    

Merry Christmas, everyone!

—-
Second semester came too fast and I really had good days with Tephen lalo na noong two weeks na bakasyon.

We rode our bikes together. Namasyal kami sa tabing dagat at nagkaroon kami ng maraming quality time together until his time to train comes. Madalas ay hinahatiran ko siya ng pagkain at madalas din ay umuuwi siya ng apartment na pagod na pagod which is understandable.

"Finish your chapter four and five and we'll see what we can do," sabi ni Sir Pasco na thesis adviser namin ni Tephen.

"Noted po, Sir!" Masigla kong sagot kahit ang totoo ay patapos na namin ni Tephen ang dalawang nabanggit na chapter. Ang totoo niyan ay inaasikaso na namin ang abstract, dedication at pati acknowledgement.

"So...I'll see you next week," sabi ni Sir at nagpaalam na ako. Nasa laban kasi ng nationals ngayon si Tephen kaya ako na lamang mag-isa ngayon ang nag-aasikaso ng thesis namin.

Gustuhin ko mang samahan si Tephen ay hindi maaari dahil sa Batangas gaganapin ang national swimming competition.


Buong linggo kong inabala ang sarili ko sa pag-aaral. We talked via video call at hindi niya nakakalimutang magbigay ng update habang ako naman ay nagse-send sa kanya ng mga notes na kailangan niya dahil marami-rami rin siyang lessons na mami-missed.

"I miss you, Bartolome!" Singhal ko sa kanya sa harap ng laptop ko habang nagbi-video call kami.

"I miss you too, Belen ko," aniya at nagdulot iyon ng ligaya sa aking kaibuturan.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"I did. How about you?" sagot niya.

"Kumain na rin ako," sabi ko naman.

"Before mag-11, magpahinga na tayo ha? I know kailangan mong makatulog ng tama para may lakas ka para bukas. It doesn't matter kung manalo ka o hindi, ang mahalaga sa akin ay umuwi kang ligtas at buo sa'kin," sabi ko pa and he smiled.

"Thank you, Belen ko!" Sagot niya.

Mabilis na lumipas ang araw at araw ng kumpetisyon ni Tephen, Felix at Peter. We're having a lecture in our Literature class pero hindi ako nagpo-focus dahil nanonood ako ng live coverage ng laban ni Tephen.

"Mr. Belen, can you explain the line to everyone?" Sabi ng prof ko na nagpabalik sa akin sa pakikinig. Everyone is looking at me and I had to re-read the quotation projected on our white board: "The way I see it, if you want the rainbow, you gotta put-up with the rain."

"Life is a beautiful journey that is meant to be embraced to the fullest every day. However, that doesn't mean you always wake up ready to seize the day, and sometimes need a reminder that life is a great gift. We maybe forced to face hardships in this life, but trust me, once we overcome struggles, we can be more than what we think we could be and we could be somewhere far from what we have dreamed," sabi ko and everyone looked at me and then clapped.

"As expected from our top dean's lister," sabi ng professor namin pero pagtingin ko sa cellphone ko ay na-interrupt ang live kaya na-frustrate ako.

I tried to reconnect pero walq talaga.

"Gian, nasa hospital si Tephen," sabi ni Felix sa'kin nang tumawag ako sa kanya. Hindi kasi nasagot si Tephen.

"Ano'ng nangyari?" Naluluha kong tanong.

"Sprain," aniya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ganito pala ang pakiramdam kapag malayo ka sa mahal mo; sa taong dahilan ng mga ngiti mo.

"It happened after the competition. Ask him," sabi pa ni Felix at tinawag na siya ng coach nila kaya hindi na rin ako gaanong nakapagtanong.

I was worried. I even asked Peter about Tephen pero hindi sumasagot. Weary ako buong araw. Hindi nagtsa-chat si Tephen and hindi rin siya responsive sa lahat bg tawag ko.

Buong araw akong walang alam kay Tephen hanggang pumasok ako sa gate ng campus namin kinabukasan kung saan may tarpaulin na nagwe-welcome at congratulate kay Tephen na champion ng nationals. Putang ina!

I could't help myself, but take a picture of Tephen's achievement.

Nasa ganoong estado ako nang pagpi-picture nang may pamilyar na amoy ang humampas sa muka ko at sinundan iyon ng yakap.

It's Tephen.

I almost cried.

Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa amin basta niyakap ko siya.

"Miss na miss kita, Bartolome!" Sabi ko at I hugged him tightly.

Hindi ko alam na pwede pala iyon—'yong ma-miss mo ang isang tao na wala kang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa paligod mo.

"I miss you too," he smiled at me and he kissed my forehead.

"This is for you," aniya at isinabit niya sa akin ang gintong medalya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to," sabi ko and I just give him a big smile and kissed him on his lips. Mabilis lamang iyon.

Thanks God dahil binigay niya sa akin si Tephen. Also, salamat sa Dios dahil hinayaang niya akong mahalin si Tephen at mahalin pabalik.

"Tahan na," aniya and we both held each other's hand.

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now