Chapter 22

542 29 4
                                    

Chapter 22


I woke up in the hospital with Sky looking worried as she hurried toward me, asking how I felt.

"A-ang anak k-ko? Okay lang naman siya 'di ba?" hindi siya kaagad sumagot kaya nabahala ako. Babangon sana ako when she stopped me.

"Rest first, your baby is okay." nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Ngunit nabahala rin ako sa expression na ipinapakita niya.

"Okay lang siya, pero. . . it's the last chance you have to take care of your child inside you. Maaari siya sa 'yong mawala ng tuluyan kapag naulit pa ito, Heaven. You should be very extra careful." I feel sorry for my child. Kailangan din niyang danasin ang dinaranas ko, pero mas nangibabaw ang pagka-proud ko sa pagiging matatag at malakas niya. Mabilis akong tumango kay Sky, at sinunod din ito nang sabihin na matulog muna ako ulit.

Wala akong ibang inisip ng mga panahon na 'yon kundi ang magpahinga. Even after we went home, hindi ko na muna inisip ang mga bagay-bagay. Savings ko ang ginamit ko to support my pregnancy. Kinakaya pa rin naman namin ni Sky, but that was not enough, so I decided na after ko makapanganak aalis ako ng bansa to work. Baka roon may lugar na para sa akin, kahit anong trabaho. At para sa mga gagastusin paaalis. Hindi na muna namin iyon iniisip. Ang mahalaga ay maipanganak ko ng maayos ang anak ko.

Mabilis lang namang lumipas ang araw at buwan. Inabala ko ang sarili sa bahay at pag-sketch. Si Sky muna ang nagtrabaho. Minsan nag-live selling siya ng mga bags and clothes namin, pati shoes, pero hindi masyadong bumibenta.

Until my ninth month arrived. Malaki na ang tiyan ko at kabuwanan ko na rin. Marahan akong pumasok sa kwarto ni Sky at nakitang naka-set up na ang phone niya for live selling. May meeting siya with her clients today, ay mamaya namang gabi ay may kakausapin din siya face-to-face, kaya sabi ko dahil wala naman akong ginagawa, ako na muna.

Before I opened her phone for live, ay naupo na muna ako. Completely hiding my tummy. Walang nakakaalam na buntis ako, kami lang ni Sky, and probably Manong, who sent me to the hospital. I just hope he'll keep his promise to keep what happened.

Nang makapag-set up na ako ay binuksan ko na rin ang phone ni Sky and opened her account to start live selling. Nang makita kong may viewers na ay agad akong ngumiti sa camera.

"Hi guys! Good morning! Since my sister— Sky is busy! Ako muna ang magbebenta today!" pinasigla ko ang boses ko and look if may comments na but I almost swallowed hard nang makitang puro pambabash ang naroron. Ganito rin ba kapag si Sky ang nag-live? Or sa akin lang?

At sumali na rin nga ang malandi.

Ewan ko ba sa magkapatid na 'yan. Baka masyado nang naghihirap. Wala na sigurong manakaw.

I blinked twice and smiled again kahit na masakit ang nabasa ko.

"S-So! Let's proceed to the first item! Here! This is a Chanel bag, isang beses lang po itong nagamit at nabili ko pa ito sa France! You can have this for only 1.35 million pesos, mine niyo na po. Nasa caption ang number kung saan kayo magsesend ng info niyo at kung aling bag ang item na want niyo i-mine." Pinakita ko ang bag side to side pati loob. Bagsak presyo na iyon kumpara sa pinaka-price niya. Since all of my bags here are limited edition, Kokonti lang ang may ganito, kaya mahal siyang nabili. Pero dahil need namin ng pera, okay na kahit mababa pa sa pinakadapat na value niya since halos hindi ko rin naman sila nagamit. 'Yong iba ay naging display lang.

Ayoko nga, mamaya ninakawan lang 'yan e.

Bakit naman ako bibili ng bag mula sa magnanakaw? Kung bibili ako, 'yon nang hindi second hand.

Thunder's Affliction (Updating)Where stories live. Discover now