Chapter 20

548 30 4
                                    

Chapter 20


One month. Isang buwan kong sinubukang maghanap ng trabaho, pero ni isa walang tumanggap sa akin. Kahit tindera, waitress, o katulong pa nga e. Lahat na sinubukan ko, pero puro masasakit na salita lang natatanggap ko. It was completely devastating. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I became more desperate to get a job at isang tao na lang ang hindi ko pa nasusubukang puntahan.

I waited for him to arrive. Sinadaya ko siyang hintayin na dumating. Kakapalan ko na ang mukha ko. I badly need to do this.

"Thunder— Thunder I'm not here for p-personal reason." My lips trembled as I looked at him begging. Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko habang sinasalubong ko ang blanko at malalamig niyang tingin sa akin. I tried to hold his arm, ngunit mabilis niyang inilayo ang braso niya dahilan para muntik nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Thunder I'm so tired. I've been searching for j-job for a month already, pero halos malibot ko na buong Manila wala pa ring tumatanggap sa akin. Kahit nga waitress at maid walang tumatanggap sa akin. Everytime they see my resume palagi silang may reason to turn m-me down. I-If may choice lang ako, I wouldn't bother you now. I. . . I wouldn't even try to talk to you because I know you're mad. But you're my last chance, Thunder." I started to cry. Humihikbi ako sa harapan niya and I never swallowed my pride to this extent before. Kung may choice lang talaga ako hindi ko siya kukulitin ng ganito. But he was my last chance. This was my last chance to change my life.

"Thunder please, k-kahit anong trabaho. Tatangapin ko. K-kailangan ko lang talaga." Halos magusot na ang laylayan ng damit ko sa higpit ng pagkakakapit ko roon. I sobbed as I looked up at him again pero mas lalo lamang akong napaiyak ng hindi magbago ang tingin niya sa akin.

"There's no vacancy in my company. Wala akong maibibigay na trabaho sa 'yo." he said in a cold voice as he walked past me. Mas naging marahas ang pagtaas baba ng dibdib ko ng at nilingon siya. Umiling ako at hinabol siya bago hinarangan. I hold his hands bago pa man niya ako maunahan at mahigpit akong kumapit doon.

"T-Thunder. . . please, please, I just really need a job. K-kahit hindi mo na ako patawarin. Just a-accept me here. Kahit ano namang trabaho tatanggapin ko. K-kailangan ko lang talaga, please. . . k-kahit pa janitress hindi ko tatangihan." I desperately begged him. Noong wala pa rin siyang reaction ay mabilis na akong lumuhod sa harapan niya, wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko.

"I-Ikaw na lang malalapitan ko e. I-I'm sorry that I have to bother you a-again but. . . I need this." I cried louder, but that didn't change his mind. Marahas niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko kaya bumagsak ang mga kamay ko sa tuhod ko. He started to walk again, ngunit wala akong balak na sumuko. Hinabol ko siya hanggang sa makapasok siya sa building ngunit nasa pintuan palang ako ay dalawang guards na ang humarang sa akin upang hindi ako makapasok.

"Ma'am, hindi po kayo pwede sa loob." They tried to stop me, pero pinipilit ko makapasok.

"K-Kuya please let me in, j-just let me in, I just need to talk to your boss. I just need to talk to Thunder." Natataranta na ako dahil papalayo na ang distansya namin ni Thunder.

"Pasensya na ma'am, kami ang malalagot kay Mr. Stevens. Huwag na po kayo magpilit ma'am." They keep on pushing me out, but I keep on trying to walk forward.

"No, no, Thunder! Thunder please! Please! I need your help! Please talk to me! Thunder! K-kuya just let me in, please! Promise kahit 10 minutes lang? Kailangan ko lang talaga makausap si Thunder." I cried harder, but they just don't want me to get through hanggang sa namali ako ng tapak kaagad na napaupo. I can feel the pain on my ankle like I twisted it, but that doesn't matter; may sugat iyon pero hindi ko na rin ininda. I was about to try to stand up, pero bago ko pa man magawa iyon ay may sapatos nang huminto sa gilid ko.

Thunder's Affliction (Updating)Kde žijí příběhy. Začni objevovat