Chapter 21

513 27 0
                                    

Chapter 21


I woke up with a heavy feeling. Sinubukan kong ilibot ang tingin, and seems like I am inside a Nipa Hut.

"Gising ka na pala," nilingon ko ang nagsalita, and it was a middle-aged woman. Ibinaba niya ang isang basin na may towel sa isang mesa malapit sa hinihigaan ko. Kasunod ang isang maliit na mangkok.

"Makakabangon ka ba? Para makapag almusal ka. Napakataas ng lagnat mo, kailangan mong uminom ng gamot." sinulyapan ko ang gamot na nakapatong din sa mesa at wala sa sariling napahawak sa tiyan ko. I know paracetamol is safe, at mukhang iyon ang gamot na ipapainom niya, but I still have to be careful.

"I-I'm not allowed po to drink medicine." Napalingon siya sa akin, siguro'y nagtataka siya kung bakit pero hindi naman siya nagtanong.

"Ha? Eh, paano ka gagaling?" napabuntong hininga naman siya ng hindi ako sumagot at tumango na lang.

"Oh, siya. Kumain ka na muna habang mainit pa itong sopas. Nagtimpla rin ako ng gatas. Magpainit ka muna bago kita pupunasan para bumaba ang temperature mo." inilapit niya ang mesa sa kama kung nasaan ako.

"S-salamat po," nahihiyang sabi ko at mas nahiya pa ako ng kumalam ang tiyan ko.

"Hindi ka nakakain kagabi kaya ayan, wala kang malay noong dalahin ka rito ni Sir Thunder. Ang taas-taas ng lagnat mo. Kaya sige na." Thunder brought me here? Hindi ko maiwasang isipin iyon ng magsimula kong hipan ang sopas bago isubo. Unang tikim ko pa lamang dito ay agad na akong nahinto nang may maalala sa lasa ng sopas. It tastes like Thunder's special soup, parehong pareho. Isa pa, ang soup na iyon ay exclusive lang niyang ginagawa for me, kapag may sakit ako. Sa aming dalawa kasi ako ang madalas magkasakit. He would always cook a soup for me, kaya kabisado ko na ang timpla.

Gusto ko sanang magtanong sa babae, pero hindi ko na lang ginawa at patuloy na humigop.

"Mukhang nagustuhan mo ah?" the woman said at mabilis akong tumango at ngumiti.

"Ang sarap po, sobra." Mas lumawak naman ang ngiti niya at pinagmasdan ako.

"Pareho kay ni Sir ng reaction, unang beses niyang matikman ang sopas na 'yan ay nasarapan din siya. Nagpaturo pa nga siya sa akin e, para raw mailuto niya rin sa kasintahan niya. Hindi ba't ikaw iyon?" natahimik ako saglit at napayuko. Naibaba ko rin ang kutsara sa mangkok.

"Halos dalawang buwan na rin po simula noong maghiwalay kami," malungkot na kwento ko sa kaniya.

"Narinig ko, pati ang balita tungkol sa pamilya mo. Kung may magagawa lang sana ako para sa 'yo, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka pero. . . ito lang ang kaya ko." at least may isang tao pa rin pala rito ang patas.

"Salamat po talaga, malaking tulong na po ito para sa akin." The woman took care of me while I'm sick. Halos tatlong araw din akong naroroon lamang sa bahay niya at nagpapagaling. Wala akong ibang nakakain kundi prutas at mga gulay. It's healthy kaya naman hindi ako nagrereklamo at wala rin naman akong dapat ireklamo.

Nalaman ko rin na Nimfa ang pangalan niya at trabahador sa hacienda ang asawa niya. Matagal na rin daw silang naroroon at isa sila sa pinagkakatiwalaan hindi lang ni Thunder kundi ng mga Stevens bago pa man ipamana kay Thunder ang hacienda.

Ilang araw din akong nakakulong sa kwarto ng bahay nila at nagpapaggaling, bago tuluyang mawala ang lagnat ko. I was only wearing the clothes that Aling Nimfa lent me. It's a short and long sleeve shirt na pag-aari raw ng anak niya na nasa Cebu na kasama ang napangasawa nito. At dahil naiinip ako at gusto kong makita si Thunder ay tumungo ako sa mansion, ngunit wala siya roon. Sumunod ako sa bukid dahil napansin kong nagsisipuntahan ang mga trabahador doon, nagbabakasakaling naroroon si Thunder, pero wala.

Thunder's Affliction (Updating)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang