Chapter 18

459 20 0
                                    

Chapter 18


Ngumiti ako sa kawalan habang nanatiling nakatayo sa parking lot. Ilang minuto na simula nang makaalis si Thunder habang naiwan naman ako roon. I felt stuck. I can't move, I can't walk or accept that once again, he left.

"Is that Heaven?" may narinig akong boses pero hindi ako agad nakakilos.

"Oo nga, halika bilis!" bago pa ako makalingon ay bigla na lang may mga sumugod sa akin na media.

They started to squeeze me, asking questions, halos idukdok na nila sa mukha ko ang mic na hawak nila. Flashes of camera was blinding. I covered my face. Hindi ko napansin na natanggal na pala ang cap ko, ang mask ko naman ay hinubad ko saglit kanina noong hinabol ko si Thunder.

"Heaven totoo ba na drunk driving ang dahilan ng car accident na kinasaktuhan mo?"

"Is it true na hiwalay na kayo ni Thunder? Is the rumor true that you cheated on him?"

"Heaven?"

"Heaven?"

"Stop, stop. . . I have to go." pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanila pero hindi ako makaalis at makadaan. They cornered me. And they're making me feel uncomfortable. Naiiyak na ako pero sinusubukan kong maging matatag.

Until I heard a car parked near us. Sinusubukan ko pa ring makatakas pero hindi nila ako hinahayaan. I was peeking behind them to see the car parked near us dahil baka si Sky. I was hoping it was Sky. Until someone walked out of that car. Nanlaki ang mata ko to see that it was Thunder. My heart pounded, hoping he would save me, walk toward me, and pull me out of these harsh and insensitive people. But he didn't even look in my direction. He was wearing a shade as he started to walk, heading to his company.

"Thunder. . ." It came out of my mouth as a whisper. I can't call for his help anymore. Until one of the reporters noticed him. Nagsimula silang maglipatan kay Thunder, they chase him at ito na ang kinalipunpunan nila.

Halos mangatog ang tuhod ko at bumigat ang paghinga nang makalanghap ng hangin. Napakapit ako sa isang kotse sa panhihina habang tinatanaw si Thunder na tila sumasagot naman sa mga binabatong tanong ng mga ito. At kahit gusto ko pa siyang makausap ay hindi ko na lang pinilit pa at pinili na lang takasan ang media. Isinuot kong muli ang mask at cap ko at nagmamadaling pumara ng taxi.

Habang nakasakay ako ay hindi ko mapigilang hindi mapahagulhol. A month is still too short to finally move on from a seven-year relationship with Thunder. A relationship that was ruined by that one fucking wrong choice I made. Until now, pakiramdam ko fresh pa rin e. Hindi ko na alam kung paano patatahanin ang sarili ko. Mabuti na lang tahimik lamang ang driver. I can really refrain myself from crying, but I am trying, dahil ayokong maulit nanaman ang nangyari sa akin. Kaka-recover ko pa lang, and this time I won't let this pain consume me again. Gusto ko lang umiyak, pero haharapin at haharapin ko ito. Hindi ko na ulit tatakbuhan.

I fixed myself when I finally got home. Naroroon na ang kotse ni Sky, kaya natitiyak kong nakabalik na siya.

"Heaven?! Is that you?" papasok pa lang ako sa loob ng bahay ay sumalubong na ang nagaalalang si Sky sa akin. She was holding her phone, and she worriedly showed it to me. I saw myself being cornered by the media; that was what happened a while ago. Napatitig na lamang ako roon at bagsak ang balikat na tuluyang pumasok.

"Pumunta ka kay Thunder, alone?" tumango ako at sinundan naman niya ako.

"I told you to stay here na lang muna. Mainit pa ang mata ng media sa atin. Wala ka pang kasama, paano kung may nangyaring masama sa 'yo?" bumuntong hininga ako at tumigil bago pagod na lumingon sa kaniya, sumasakit na rin ang ulo ko at alam kong kailangan ko nang ipahinga ang sarili.

"I just want to talk to Thunder. Hindi ko inaasahan na makikita nila ako, I forgot to put back my mask and cap. I'm sorry, Sky." tumungo na ako at hindi na siya hinintay pang magsalita. Kaagad na akong pumunta sa kwarto ko to rest, para na rin sa baby ko. Baka mapano na siya dahil sa pagiging emotional lately, hindi ko makakaya kapag pati siya ay bumitaw sa akin at iwan ako.

I WOKE up in the evening and decided to take a cold shower. Siguro'y kulang-kulang isang oras akong nanatili sa loob ng bathroom ko bago nagbihis at lumabas. Habang pinapatuyo ko ang buhok ay naupo muna ako sa edge ng kama ko and opened my TV, I was trying to channel surf ngunit isang channel ang nahintuan ko lalo't nakita kong name ng pamilya namin ang nakalagay sa headline.

Dacera's Airlines filed for bankruptcy due to financial issues inflamed by the imprisonment of former Senator Henry Dacera.

Natulala na lamang ako roon habang nakikita ko sa background sa Sky na may kausap. May ilang butil ng luha ang kumawala sa mga mata ko. Nawala na sa amin ang airlines. I knew this would happen after the news broke about Dad. Shareholders would pull out their shares. Mawawalan na kami ng investors, and then. . . this. We couldn't operate anymore. I bit the bottom of my lips just to get a hold of myself and chose to turn off the TV. I made a mistake by opening it. Mabilis kong kinuha ang phone ko and deleted all of my social media applications after deactivating all of my social media accounts, completely detaching myself from the social media worlds. . . or I might as well say that I am detaching myself from society.

As much as possible, ay ayoko na muna ng mga karagdagang stress. I am sure people are calling me names now, cursing me, calling my family as family of thieves, criminals, etc. I am so fed up.

Pinilit ko ang sariling bumaba upang masamahan si Sky mag-dinner at naabutan ko siyang may kausap sa phone.

"Just give them fair compensation. Alright." I watched her silently as she hung up the phone at ang malungkot niyang mukha ay agad niyang pinasigla, showing me her smile the moment she turned to face me.

"Oh, gutom ka na ba? Sakto kaluluto ko lang. Upo ka mundo, I'll serve the food so we could eat already and makapagpahinga ka na ng tuloy-tuloy." tumango naman ako at tinitigan ang likod niya.

"Magpahinga ka rin Sky, hindi ko kakayanin 'to mag-isa kapag ikaw naman ang nagkasakit." paalala ko sa kaniya.

"Of course! Ano ka ba? Strong kaya ako." No, you weren't that strong, Sky. Isang malaking proweba ang nababasag mong boses. Pinipilit mo lang maging malakas para sa amin.

"I heard about the airlines," halos pabulong kong sabi at napansin ko ang pagtigil niya sa ginagawa. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko nakikita ang reaction niya, pero based sa unti-unting pag-uga ng balikat niya, alam kong umiiyak na siya.

"I'm sorry, Heaven. Hindi ko nagawan ng paraan. Si kuya ang magaling doon e. I'm sorry, I couldn't save it. Save our family." basag na basag ang boses niya kaya napatayo na ako at mabilis siyang niyakap.

"L-Lahat din ng properties natin kung hindi nakasangla ay nakabenta na, just to pay for dad's debts and to pay for the compensations. Para rin maibalik ang nawala sa gobyerno kulang pa nga kaya kinailangan ko rin ibenta pati mga private houses natin at ni kuya. Most of kuya's cars are sold for his rehabilitation expenses, for mom's and for you. Wala nang natitira sa atin kundi itong bahay at iilang pera. Tuloy-tuloy pa ang pagtaas ng hospital bills ni mommy, hindi ko na alam ang gagawin ko Heaven." I don't know what to say. I was so shocked. Hindi ko alam na walang wala na pala kami. Ang bilis naman, sa isang iglap. . . lahat ng mayroon kami. . . parang kidlat na nawala. . . na naubos.

I have my savings, but that was not enough for my mom, may anak pa akong kailangan ko buhayin at panatilihing okay sa loob ng walong buwan.

"We'll find ways, Sky. Hindi tayo susuko. Makakabawi rin tayo hmm. Kakayanin natin 'ton, hindi na kita hahayaang mag-isa ulit." gagawin ko lahat para makabangon, para mabuhay. If I need to find a new job, then I will.

Hindi ko na muna guguluhin si Thunder.

. . .

Thunder's Affliction (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon