Chapter 19

477 24 1
                                    

Chapter 19

Sabi sa akin ni Sky, itong nag-iisang bahay na tinitirhan namin ngayon ang naiwang pag-aari namin. At kahit anong mangyari hindi namin ito ibebenta. This house is so important to us, dahil dito kami lahat nagsimula, lumaki hanggang sa magka-edad na, bago pa man magkanda malas-malas ang pamilya namin.

"What are you doing?" lumapit sa akin si Sky, may dala-dalang juice at tinapay.

"Updating my resume," sumulyap ako sa kaniya bago nagtipa sa laptop ko, sinilip naman niya iyon.

"And I am applying for a job online, bakit 'di mo rin subukan? Mag n-networking nga rin ako e." suhestiyon naman niya.

"I tried to find one, pero more on virtual assistants. Saka hinahanap business courses e hindi naman ako graduate ng business. Nag-try na rin ako sa mga connected sa course ko pero wala pa akong natatanggap na respond kaya kaysa maghintay, susubukan ko ring maghanap ng kahit anong trabaho around Manila." ang importante sa akin ngayon ay hindi mawalan ng pera pangsuporta sa araw-araw.

"Magpapa-interview na rin ako para tigilan na nila tayo, ibibigay ko ang gusto nila." noon naman ako napatingin sa kaniya pero hindi ko na siya kinontra. Siguro'y mas mabuti na rin iyon para makakilos na kami ng normal at maayos sa labas.

Napatingin ako sa resume ko at napatitig. May mga memories ang pumapasok sa isip ko. My memories back then with Thunder are that he was beside me when I was writing my resume, siya pa nga ang nag-type noong iba rito. Kabisado niya buong pangalan ko, birthday, saan ako pinanganak, number, and age. Kagat-labing pinalitan ko ang age roon and turned it into twenty-six.

It is so hard to live my life without remembering things about how we used to be. Pitong taon din 'yon e. Nasanay na ako na kasama siya. At ang hirap mag-adjust na mag-isa na ulit ako.

"Are you okay?" hindi ko napansing nasa tabi ko pa rin pala si Sky at pinapanood lang akong ayusin ang resume ko.

"Yeah, may mga naalala lang ako." mabilis na sagot ko.

"Si Thunder ba?" marahan akong tumango.

"Balak ko nga sanang ligawan e, kaya lang mas importante na makahanap ako ng work habang hindi pa lumalaki ang tiyan ko." iyon talaga sana ang plano ko. Court Thunder. Araw-araw ko siyang kukulitin at liligawan hanggang sa mapatawad niya ako, pero mas kailangan ko ngayong unahin ang anak at pamilya ko.

"Hayyy! Parang isang panaginip. Napakapangit na panaginip." She leaned against the couch as she stared at the ceiling. Ginaya ko rin siya at tumitig din sa kisame.

"Tingin mo, Sky? Dad really stole money?" hindi ko masyadong iniisip dahil ayokong madagdagan pa ng stress. Pero hindi maiwasang hindi sumagi sa isip ko ang katanungan na iyon. I just. . . can't believe.

"May part sa akin na hindi. Si dad 'yon e. We know dad, matuwid 'yon. I admired his mindset before and how he genuinely has concern for people. Kaya nga ginusto niyang maglingkod sa bayan e. But. . . we know how politics works, Heaven. Kahit gaano ka pa kalinis, wala kang magagawa kapag may gustong masira ka." kibit-balikat na sabi niya.

"Should we fight for dad?" we could investigate. Hindi rin kasi ako makapaniwalang magagawa iyon ni dad.

"How? We don't have that much money to clear dad's name." She has a point. Pero hindi ko rin naman makakayanan na mabulok si dad sa kulungan at tuluyang masira dahil sa isang bagay na hindi naman malinaw kung totoo n'yang ginawa. Maaari rin kasi na framed ang nangyari. Maybe it was planned. Pero wala kaming kakayahan sa ngayon na gawin iyon.

"That's why I have to work." binalik ko na ang attention sa ginawa.

"Well then, luto lang muna ako." She tapped my shoulder and hurried to our kitchen.

Thunder's Affliction (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon