Chapter 4

735 27 0
                                    

Chapter 4


Dumating ako sa bahay ni Zeus na sobrang ingay. Dinig na dinig mula sa taas hanggang sa baba ang pagtatalo nila ni Rain. Dumeretso ako sa kusina to get myself a glass of water bago tumambay sa labas ng pintuan ng kusina at nakinig.

"Hindi ka kasi nag-iingat! You always want publicity! Ikaw itong walang pakialam kapag nasa public places tayo tapos sisisihin mo ako?!" Zeus fired back after being blamed by Rain. Napangisi ako. Gusto ko sana humalakhak pero pinigilan ko. Rain, if you can't make Thunder happy, I won't make you happy as well.

"Bullshit Zeus! What do we do now, huh? Malamang nakaabot na kay papa 'yong photos!" Bakas ang frustration sa boses ni Rain. Napailing na lang ako.

"I don't know okay?! Why don't you call your husband and tell him to clear your name?! Like you always do!" Huh, kapag may problema kayo si Thunder nanaman? Ang kapal talaga ng mukha ng dalawang 'to.

"I called him already! Nagpaawa na nga ako eh! Anong sabi sa akin? I am tired, Rain, I just want to sleep. Pagod na akong ayusin lahat ng gulong ginagawa mo. You're ruining this marriage, so deal with that on your own. I'm done. He's so fucking dramatic! I don't wanna deal with him anymore! Baka mabulilyaso pa ang plano ko!" Muli akong napangisi at inubos na ang tubig sa baso bago pumasok sa kusina. Hinugasan ko saglit ang baso na ininuman at ibinalik sa cupboard. I was even humming a song as I went back to my room.

Itinapon ko na ang cellphone na ginamit ko kanina matapos sirain iyon, para hindi nila ma-track kung sino ang nagpakalat ng photos. May nakatabi naman akong lumang phone iyon na lang ang ginamit ko. Bukas kapag wala si Rain ay kukunin ko na ang camera na nilagay ko sa room niya, nalaman ko na rin naman ang ginagawa niya, hahanapan ko na lang ng ebidensya at nang tsiempo to catch her redhanded.

Basta para kay Thunder, I can be the worst person alive. For him, I am willing to ruin the people who cause his pain.

You can't change things that are done by trying to protect him.

Napamulat ako when I heard an unfamiliar voice in my head. What is that?

Iisipin ko pa sana iyon when I received a message from Yssa. Buti kabisado ko number niya kaya na-message ko siya with my new number.

From: Yssa

You're risking yourself for Thunder?! Nababaliw ka na ba?! Sinong matinong tao na gagawin 'yan para sa isang taong hindi naman niya kaano-ano?! My God, Heaven! You really need a scolding! Malalaking pamilya ang binabangga mo!

I know. Even the Dela Costas are big families. Mas mayaman lang sa kanila ang Stevens, pero they're business partners. Lalo na ang ama ni Rain, na politician. But there are rumors na corrupt ito. Maraming hindi naniwala. Pero walang usok kung walang apoy. Their family is something; nadawit na rin dati ang kuya ni Rain na si Cloud sa paggamit ng illegal drugs. Pinagtakpan lang ulit nila 'yon. And now Rain wants everything that Thunder has. Hindi na ako magtataka kung parte ng plano na iyon ang ama niya.

To: Yssa

I feel like it is my purpose to be living in this world, Yssa. Na kaya siguro dinala ako rito ng tadhana kasi nandito siya. Na kailangan niya ako. Wala naman akong hihingin na kapalit. I just want him to be happy. That's it. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ko siya nakilala thirteen years ago and kung bakit kami nagkita ulit.

If there is something life has taught me, it's that life is short, you only live once, and everything is temporary and unpredictable. So, kung mayroon ka mang makakayang gawin habang buhay ka pa, kahit gaano pa kadelikado, o isa mang kabaliwan. Do it. Some chances and opportunities won't come back to you twice. Better grab it or suffer the pain forever. Hindi ka patatahimikin ng "what ifs" mo.

Thunder's Affliction (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon