20: yearning for her

36 6 3
                                    

Cielo's POV:

I just graduated in Junior high ngunit pakiramdam ko'y nag sisimula palang ako. 2 more long years ang kailangang lumipas bago ako tuluyang maka graduate ng highschool.

It seems like I can't wait anymore. I'm being impatient. Kailangan kong grumaduate agad ng sa ganoon ay matulungan ko na si ate sa pag so-shoulder ng mga gastusin sa bahay. Sinasalakay ako ng matinding frustration at pressure at parang sasabog na ang ulo ko kakaisip.

"Cielo..."

Natigil ako sa pag iisip ng tawagin ni Sun ang pangalan ko. Agad akong napalingon sa kanya ngunit nagulantang ako ng flash ng camera ang sumalubong sa akin.

"What the hell, Sun?" Kunot noo kong sambit at nag iwas ng tingin samantalang tatawa tawang lumapit sya sa kinaroroonan ko.

"Why the long face, Cielo? Kakagraduate lang natin. You should be smiling." Nakangiti nyang sambit at sumandal din sa barandilyang sinasandalan ko.

Matapos ang seremonya ay dumeretso kami sa apartment dahil nag hahanda daw si ate ng kaunting salo-salo para icelebrate ang graduation ko at ang recognition ni Sun.

Pasado alas dose at ramdam na ramdam ang matinding init ng summer. Narito ako ngayon at nag papahangin sa balkonahe sa tapat ng apartment unit namin ni ate at hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Sun.

"Cielo..." Tawag nya at mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon ngunit napa ngiwi nalang ako ng bumungad sa akin ang flash ng hawak nyang camera.

"Is taking pictures of people without their consent is your new hobby now?" Serkastikong tanong ko at mahina syang natawa.

"Come on, don't be mad. Remembrance lang." Ipinakita nya pa sakin ang camera nya kung saan naka balandra ang litrato ko ng eksaktong pag lingon ko ng tawagin nya ang pangalan ko kanina.

It wasn't that bad. Hindi ko alam kung dahil ba sa maganda ang gamit nyang camera o kung talagang magaling syang kumuha ng litrato at ganoon kaganda ang kinalabasan ng picture.

"Why do you love taking pictures anyway?"

"Why, you asked..." Ibinaba nya ang camera at nag iwas ng tingin. "... because people come and go, Cielo. There were times where you even forgot some of your memories with them. But a photograph can stay forever if you cherish them."

She looked at me and smile. And just like that, it felt like I'm being swayed.

"Maaari mong kalimutan ang lahat, ngunit babalik sayo ang mga alaala ng nakaraan sa oras na muli mong titigan ang mga larawan. You can put it in a frame and hung it on the wall, put it in your wallet or your pocket and in that way, you can always feel them so close to you."

She looked at me and smile at sa di malamang kadahilanan ay nag simulang mag rigudon ng husto ang puso ko na tila hindi na ko maka hinga.

"That's why I'd like to take photos of you as many as I can. So that if we part our ways, there's something that can remind me of you." Nakangiti nya pang dagdag at mas lalo ng hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko at ang mga tanong na nag lalaro sa isip ko.

'Have I really fallen for her?'

Agad akong nag iwas ng tingin at malalim na napa buntong hininga upang pakalmahin ang sarili ko.

"You shouldn't do that." Malamig kong saad habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan. "Did you forgot what I've said to you before?" I looked at her. "... I'll stay with you until you get sick of me. So rest assured, Sun, I won't part my ways with you. Well, infact, I don't plan on going anywhere without you." Tila kusa at natural na lumabas ang mga katagang iyon sa akin na hindi na kinakailangan pang pag isipan.

Bakas ang gulat sa nanlalaki nyang mga mata ngunit agad ding napalitan iyon ng nag uumapas na saya at ang mga ngiti nya ay tila kasing liwanag ng nakatirik na araw sa kalagitnaan ng tanghaling tapat.

"C-can I ask for a silly request, Cielo?"

"As long as I can give it." Nakangiti kong tugon.

"C-can I... H-hug you?" Nauutal nyang tanong at mas lalo pa akong napangiti.

Hindi ako tumugon, bagkus ay ako na mismo ang kumakbang palapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat at akmang hihilahin sya palapit ngunit natigilan ako ng bumukas ang pinto ng apartment at lumabas si ate na may dala pang sandok at naka suot ng apron.

"The lunch is ready, girls. Let's eat." Nakangiti nyang bungad.

Napatikhim nalang ako bago ako dahan dahang bumitaw kay Sun at nag patiuna na sa pag pasok.

It feels like my heart is going to burst. Kung hindi dumating si ate ay talagang yayakapin ko sya.

Pag dating sa kusina ay nag salin agad ako ng tubig sa baso at mabilisan iyong nilagok upang pakalamahin ang sarili ko.

'Damn it, Cielo, you're really out of your goddamn mind!'

Buong mag hapon ay nanatili si Sun sa bahay dahil narin sa pagpupumilit ni ate. Hindr ako tumutol dahil bukod sa alam kong wala syang makakasama pag umuwe sya sa kanila ay gusto ko din naman syang makasama kahit ilang oras lang.

Pasado alas nuebe na ng magpaalam si Sun na uuwi na. I insist that I should take her home and she didn't object at all.

Habang nag lalakad sa iskinitang pinaliliwanag ng mga street lamp ay hindi ko maiwasang mapangiti habang pinag mamasdan ko syang masayang nag kekwento kung gaano kasaya ang araw nya dahil kay Ate Shiela.

She's still cheerful and full of energy. And maybe that's the reason why I always want to be with her.

I never get attached with anyone because I believe that people come and go. But when it comes to her, it feels like I don't ever wanna lose her.

I want to stay with her for as long as I can. At kung maaari ko lamang itigil ang pag takbo ng oras, I would stop the time right in this moment. So that I can stare at her, admire her and be with her for as long as I want.

Hindi ko namalayang nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Humarap sya sa akin at matamis ang ibinigay nya saking ngiti.

"Thanks for walking me home, Cielo. And thanks for today."

"It's nothing. Every second spent with you is fun." Nakangiti kong tugon at sa malamlam na kukay kahel na liwanag na nanggagaling sa streetlamp ay nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nya.

"Good night, Sun." Muli kong saad at akmang tatalikod na ngunit muli akong napalingon ng tawagin nya ang pangalan ko.

Dahan dahan syang humakbang palapit sa akin at bawat habang na ginagawa nya ay nararamdaman ko ang malalakas na kabog ng dibdib ko.

Huminto sya ilang dangkal ang layo sa akin at bahagya akong napa atras ng walang sali-salitang yakapin nya ako ng napakahigpit.

Pakiramdam ko'y bumagal ang takbo ng oras. Maging ang pag hinga ko'y napigil at bigla akong naistatwa sa aking kinatatayuan habang dinadama ang init ng yakap nya.

"I didn't get to fulfill my silly request earlier dahil kay Ate Shiela." Mahina nyang bulong. "I really want to thank you, Cielo. Since the day I met you, everything seems so fine. Because of you, every passing day of my life is filled with happiness." Bumitaw sya sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "I just hope that we can stay like this forever." She smiled at me. "Good night, Cielo."

Dahan dahan syang humakbang paatras hanggang sa tuluyan na syang makapasok ng gate. I watched her walk away until she's out of my sight while I was left there, standing like a stupid statue.

At nang makabawi sa pag kabigla ay saka lang ako tumalikod at nag lakad pabalik ng apartment habang hindi mapigilan ang ngiting humuguhit sa aking labi.

Damn it.

The more I tried to not fall for her, the more I find myself yearning for her.

End of Chapter 20. Please don't forget to vote and comment! Thank you! <//3

Photograph [De la Frontera Series #1]Where stories live. Discover now