4: her trauma

49 5 0
                                    

Sun's POV:

Nakatunghay ako sa barandilya ng second floor habang ang mga mata ko'y naka pako sa gate ng school kung saan nag papasukan ang napakaraming estudyante.

"Sun, ano bang ginagawa mo dyan?" Kunot noong tanong sa akin ni Nicolai na as usual ay hawak hawak ang cellphone n'ya.

"I'm waiting for someone." Nakangiti kong sagot.

"Someone? Who?" Muli n'yang tanong ngunit hindi ko na nagawang sumagot dahil agad kong namataan ang taong kanina pa hinahanap ng mga mata ko.

"There she is." Masigla kong sigaw bago ako kumaripas ng takbo sa hallway at hagdan.

Kanina ko pa s'ya hinihintay at ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang klase. I just need to see her para maibalik ko sa kanya ang jacket nya. Good thing na nalimutan kong ibalik ang jacket nya kagabi at ngayon ay may rason pa ako para makakita s'ya.

Malaki ang ngiting tinungo ko ang lugar kung saan ko nakita si Cielo kanina ngunit nalaglag ang mga balikat ko dahil kahit anino n'ya ay hindi ko na naabutan.

Tsk. This sucks. Kanina ko pa s'ya hinihintay at saglit na minuto ko lang s'ya makikita?

Mag lalakad na sana ako pabalik sa classroom dahil baka mag simula na ang klase ngunit hindi sinasadyang mapatingin ako sa agriculture garden at nagulat ako ng makita kong pumasok doon si Cielo.

Agad akong napangiti bago ako kumaripas ng takbo papunta ngunit napasinghap ako ng mabangga ko ang isang babaeng estudyanteng may dala ng napakaraming tambak ng papel na agad kumalat at natapon sa lupa.

"Oh! I'm so sorry." Agad n'yang hinging paumanhin at nag mamadaling dinampot ang mga papel.

"No. It's my fault. I'm sorry I wasn't looking where I was going." Ganting paumanhin ko naman at tinulungan s'ya sa pag kuha ng mga papel.

Badtrip! Kung hindi dahil sa kabobohan ko, sana'y kasama ko na si Cielo ngayon. Dahil sa dami ng mga papel ay natagal pa kami at hinabol ko pa ang iba dahil nilipad na iyon ng hangin.

Nang matapos kong kolektahin ang mga papel ay nag pasalamat sa akin ang babae at muli naman akong humingi ng paumanhin bago ako nag mamadaling pumunta sa agriculture garden at agad na hinanap ng mga mata ko si Cielo.

Agad ko s'yang nakitang nakahiga sa bench. Unan ang bag, nakataas ang isang tuhod at nakatakip ang isang braso sa kan'yang mga muka. Is she sleeping?

Dahan dahan akong lumapit sa kan'ya at naupo sa lupa bago ko s'ya pinag masdan. Bagamat natatakpan ng kamay ang kan'yang mga mata ay nakikita ko parin ang kalmado n'yang ekspresyon habang natutulog. I can't believe that I'm seeing her like this. Lagi s'yang cold, expressionless at minsan ay fierce pero hindi ko pa nakita ang kalmado n'yang muka. She look so calm... And cute.

Pinasadahan ko s'ya ng tingin ngunit agad na nag salubong ang mga kilay ko ng makita ko ang malaking pahabang peklat sa palapulsuhan n'ya na tila ba hiwa ng kutsilyo.

Hindi ko alam ngunit habang nakatingin ako sa peklat na iyon ay nakaramdam ako ng awa para sa kan'ya. Bigla kong naisip, hindi ko gaanong kilala ang babaeng ito. Magaling s'ya sa self-defense to the point na kaya n'yang patalsikin ang limang lalaki na hindi manlang s'ya nagagalusan. Bagamat puro kabaitan ang ipinapakita n'ya sa akin ay hindi ko maiwasang mag taka. Sino ka ba talaga?

Gumalaw ang kamay ko at akmang ihahawak iyon sa peklat n'ya ngunit nagulat ako ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko at hilahin ako patayo at namalayan ko nalang ang malamig na talim ng kutsilyo na nakatutok na sa leeg ko.

Agad ang sasal ng kaba sa dibdib ko. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng matinding takot at parang hindi ako makahinga. Ang kutsilyo ay nakatutok sa leeg ko at si Cielo ang may hawak niyon! Nanginginig ako at nararamdaman ko ang luhang nag uunahang pumatak mula sa mga mata ko.

Photograph [De la Frontera Series #1]Where stories live. Discover now