19: it suits you

59 5 1
                                    

Third Person's POV:

It's graduating day.

Maagang gumising si Shiela para mag ganda ng almusal at para na rin ihanda ang nakababatang kapatid para sa special day nito.

She's can't be help but to feel emotional. Time passes by so fast and she can't believe that her sister is graduating in Junior High and soon enter the Senior Highschool life. She couldn't be more happier.

Natapos na sya sa pag hahanda ng mesa ng marinig nya ang pag bukas ng pinto ng kwarto ni Cielo at agad syang napangiti ng makita itong nag hihikab na nag lalakad papunta sa banyo.

"Good morning, baby." Nakangiti nyang saad.

"Good morning." Walang emosyong tugon nito bago pumasok sa banyo at ilang minuto ang lumipas bago ito lumabas.

"Kumain ka na at mag asikaso. Baka ma late pa tayo." Magiliw nyang sambit at saka sinandukan ng pag kain ang kapatid.

"Thank you, ate. Sabay na tayo."

Nag simula silang kumain at as usual, Shiela is the one carrying the conversation while Cielo is silently eating. Iisipin ng iba na boring at walang kabuhay-buhay ang hapagkainan nila ngunit para kay Shiela, ang makasama at maka kwentuhan sa hapagkainan ang kapatid nya ay ang pinaka masayang parte ng araw nya.

Matapos kumain ay pareho na silang nag asikaso para sa graduation. Hindi mapigilan ni Shiela ang matinding excitement habang sinusuklay nya ang buhok ng kapatid.

"You know I can comb my own hair, right?" Nakangiwing anas nito habang naka harap sa salamin.

"I know. I just want to do this. I'm so proud of you." Nakangiti nyang tugon.

"I'm graduating Junio High. It's normal. There's nothing to be proud of." Malamig nitong tugon ngunit hindi nya iyon pinansinan.

Sya na din ang nag kapit ng neck tie sa blouse nito at maging sa pag suot ng coat. Hindi nya maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman ng mga oras na iyon. Kung maaari lang na ihinto nya ang pag takbo ng oras ay gagawin nya upang habang buhay na silang manatili sa ganoon.

Matapos maayusan ang kapatid ay bumalik sya sa maliit nyang kwarto at kinuha ang isang maliit na kaheta na nakapatong sa side table. Muli syang lumabas at nakangiting ibinigay iyon kay Cielo.

"What's this?" Blangkong tanong nito ng tanggapin ang kaheta.

"Just open it." Excited nyang tugon at katulad ng sinabi nya ay binuksan iyon ni Cielo at hindi na nya maiwasang mapangiti ng makita ang galak sa mga mata nito ng makita ang nasa loob ng kaheta.

Mula doon ay kinuha ni Cielo ang isang kulay gintong kwintas na may pendant na butterfly na napapalamutian ng maliliit at kumikinang ba dyamante. Ngunit hindi nya maiwasang mag taka dahil kalahating pakpak ng paru-paro lamang ang pendant niyon.

"A graduation gift!" Malakas na bulalas ni Shiela at pumalakpak pa.

"T-thank you, ate. You shouldn't have bothered." Nakangiting tugon ni Cielo.

"Oh, nonsense. Here. Let me help you wear it." Kinuha nya ang kwintas mula sa kapatid at pumwesto sa likod nito bago nya ikinabit ang kwintas at nang mga sandaling iyon ay nag uumapaw na ang saya sa dibdib nya habang pinag mamasdan si Cielo.

Photograph [De la Frontera Series #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora