2: tell me your name

45 4 0
                                    

Sun's POV:

Pag kapasok ko palang sa gate ng school ay agad na gumala ang mga mata ko at umaasang makikita ang muka na gustong kong makita ngunit hanggang sa makapasok ako sa classroom ay hindi ko nakita maski ang anino n'ya.

"Good morning." Bati sa akin ng nag iisa kong kaibigan na si Nicolai.

"Good morning." Nakangiti kong ganting bati bago ako naupo sa tabi n'ya. "Hey, Nico. Do you know someone named Cielo?" Agad kong tanong sa kan'ya. Inalis n'ya ang paningin sa hawak n'yang cellphone at tumingin sa akin na tila ba nag iisip.

"Cielo?" Kunot noong ulit n'ya at napatango naman ako. "I don't think I knew someone named Cielo. Why do you ask?" Balik tanong n'ya sa akin.

That's strange. This guy right here is a womanizer. Lahat yata ng magagandang babae dito sa campus ay naging gf na n'ya at pag nag sawa sya ay basta basta n'ya nalang iiwan. Halos lahat ng magagandang babae dito ay kilala n'ya, maganda din naman si Cielo pero bakit hindi s'ya kilala ni Nicolai?

"It's nothing." Pagtatapos ko ng usapan at ngumiti sa kan'ya. Mas lalo pang nangunot ang noo n'ya ngunit imbis na mag tanong ay ibinalik n'ya na lang ulit ang atensyon n'ya sa hawak na cellphone at ako naman ay tumungo sa sarili kong desk.

Cielo... I only knew her name and I got this urge to know her better. I never felt like this before. Masyadong malaki at lalo pang lumalago ang kuryusidad ko para sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit din ako nakakaramdam ng ganto. Dahil ba sa iniligtas n'ya ako? O dahil talagang nacurious na ako sa misteryoso n'yang katauhan?

Napapikit nalang ako at hinayaang laruin ng imahe n'ya ang isip ko. Matangkad... Balingkitan... Maikli ang buhok... Kulay abong mga mata... Matangos na ilong at mamula-mulang maliit n'yang labi. May malaking eyebags din s'ya ngunit dahil mistisa s'ya, imbis na madilim ay mamula-mula ang mga iyon na mas lalo pang dumagdag sa kagandahan n'ya. Maganda s'ya... At ito ang unang beses na may taong pumukaw ng atensyon ko dahil maganda s'ya.

Bigla akong natigilan sa pag iisip ng maramdaman ko ang malamig na likidong bumubuhos sa mismong ituktok ng ulo ko. Dali-dali akong napatunghay at napaawang nalamang ang mga labi ko habang naka tingin kay Jade na binubuhos ang laman ng canned soda sa ulo ko.

"Oopps. Sorry" Mapangasar n'yang saad ng mabuos ang laman ng canned soda. "It slipped in my hand." Binitawan n'ya ang walang lamang lata na agad bumagsak sa ulo ko. Humagalpak ng tawa ang mga alipores n'ya samantalang ako'y hindi naka imik na nananatiling naka upo.

"Hey, what the hell?!" Malakas na sigaw ni Nicolai na agad napatayo at akmang itutulak si Jade ngunit.

"Hey, dude. Who says you can yell at my girl like that? She says she's sorry." Agad na pagitan ni Gio na as usual ay ayaw naaargrabyado ang girlfriend n'ya.

"Are you'll dumb? Binuhos nya ang soda kay Sun and now she's saying sorry?" Malakas na sigaw ulit ni Nicolai habang nag babaga ang mga matang naka tingin kay Gio.

I know this is getting nowhere. Ayokong madamay si Nicolai kaya naman hinila ko ang dulo ng suot nyang polo upang muli s'yang paupuin.

"It's alright. I'm not hurt. Mag papalit nalang ako ng damit" Pilit pinapalakas ang loob na saad ko sa kan'ya at akmang mag sasalita pa s'ya ulit ngunit tumayo na ako sa aking kinauupuan.

Isang beses kong tinapunan ng tingin si Jade na naka ngisi sa akin bago aka nag mamadaling nag lakad palabas ng class room.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa locker area ay nararamdaman ko ang titig ng mga tao sa akin. Basang basa ako at tumutulo pa ang patak ng soda sa buhok. Nakaramdam ako ng matinding pag kapahiya at wala akong ibang nagawa kundi ang mag yuko ng ulo.

Photograph [De la Frontera Series #1]Where stories live. Discover now