11: "sunny"

42 6 1
                                    

Sun's POV:

Ipinosisyon ko ang camera habang nakatutok sa kanya. I clicked. And just like that, I captured her beauty and it felt like I just did my masterpiece.

Hindi maka paniwalang napatingin ako sa mga litratong kinuha ko sa kanya. It felt like a dream. Her pretty face was captured on my camera and she looks so... alluring.

Tuluyan ng lumubog ang araw ngunit nanatili ang kahel at pulang liwanag sa kalangitan na unti unti na ding kinakain ng dilim. I took another shot and I was breathless. I've never captured such fasinating thing in my camera before.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ko tuluyang ibinaba ang camera. "You're so beautiful, Cielo. The pretties lady I've ever seen."

Kita ko ang panlalaki ng mga mata nya kasabay ng pamumula ng mga pisngi nya but I didn't feel any shame for what I jusy said because I was telling the truth.

"T-tapos na ba?" pag iiwas nya ng tingin at napa tango naman ako.

"Wanna see it?" nakangiti akong sumalubong sa kanya bitbit ang pares ng rubber shoes nya na hinubad nya bago sya lumusong sa tubig.

Ngunit imbis na tingnan ang camera ay kinuha nya sa akin ang sapatos nya at isinuot iyon.

"I'm starving. Let's go eat. It's my treat this time." sa isang kamay ay hinablot nya ang bag naming dalawa na naka lapag sa buhangin at saka nag patiuna ng mag lakad.

Nakangiting ibinulsa ko nalang ang hawak kong camera bago ako patakbong sumunod sa kanya.

I'm used to her coldness.

Pag pasok namin ng kainan ay sinalubong kami ng matandang babaeng sumalubong din sa amin ng unang beses kaming pumunta doon upang kunin ang order namin.

I ordered fried shrimp while Cielo ordered grilled oysters, inihaw na bangus at isang tipo ng seashell na hindi ko alam ang pangalan. I guess she really likes seafood so much.

I talked and talked while waiting for our order and she just sit in front of me na wala manlang kagalaw galaw pero alam kong kahit ganon ay nakikinig sya sa akin. And that's enough proof to say that she cares for me. Bonus nalang talaga na hindi sya mababadtrip sa kadaldalan ko.

Nang dumating ang order namin ay agad kaming kumain. She eat silently at kahit ilang beses ko na syang nakasabay kumain ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa etiquette nya. She's so clean and composed.

"What?" bigla nyang tanong ng marahil ay napansin nyang kanina pa ako naka titig sa kanya.

"N-nothing." namumula ang pisngi kong saad at parang gusto ko ng lumubog sa kahihiyan sa kaisipang alam nyang tinititigan ko sya.

"You want one?" malamig nyang tanong na ang tinutukoy ay ang grilled oysters.

Napangiwi ako. Kahit kailan ay hindi ako nahilig sa mga seafood pero kung si Cielo ang nag aalok? Well, I guess one bite won't hurt.

"S-sure." kinuha ko ang isang clam na may lamang oyster at ginaya ang ginawa nyang pag higop sa clam at nang dumeretso sa bibig ko ang oyster ay kumawala ang isang maliit na patak ng sauce sa gilid ng labi ko ngunit hindi ko agad iyon naramdaman.

Agad na nag halo sa bibig ko ang weird ngunit masarap na lasa ng pag kaing iyon at hindi ko alam kung masasarapan ba ako o mandidiri?

Ngunit nawala ang lahat ng iyon sa isip ko ng maramdaman ko ang kamay ni Cielo na humawak sa pisngi ko at ang pag dampi ng malambot na tissue paper sa gilid ng labi ko.

Photograph [De la Frontera Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon