13: could it be?

44 3 0
                                    

Cielo's POV:

Pag katapos ng School Festival ay naging abala naman ang lahat para sa paparating na last period exam na kailangan naming ipasa bago kami mag move up sa grade 11 at ako'y hindi na alam kung paano pag sasabayin ang dobleng pag aaral ng mabuti at pag tatrabaho.

Gigising ako ng alas singko para mag review at mag aral, papasok sa school ng alas otso at pag uwi ko ng alas tres ay dederetso na ako sa convenience store para mag trabaho at uuwi ako ng alas dyes ng gabi.

Studying while working wasn't that bad maliban nalang kung may mga paparating na exam dahil talagang kailangan kong mag aral para makapasa.

I wasn't aiming for the top. Ok na saken ang makapasa ako sa lahat ng subject at maka graduate para naman makakuha ako ng magandang trabaho pagtapos ko mag aral.

"Cielo, you can go home for tonight. Ako na ang magsasara ng shop." nakangiting saad sa akin ni manager at blangkong mapatingin namam ako sa kanya.

"Really? It's only 9 o'clock in the evening. Are you sure?" paninigurado ko pa.

"Oo naman. May paparating kayong exam diba? Kailangan mo din ng pahinga para mas lalo kang tumalino." tugon nya naman at pag kasabi nya noon ay napa kibit balikat nalang ako.

"Ok. If you say so. Thank you, manager." nag lakad ako papunta sa staff's room at mabilisang nag palit ng damit at bago ako tuluyang umalis ay nag paalam muna ako sa kanya at muling nag pasalamat.

Nilakad ko nalang ang distansya ng convenience store sa apartment building na tinutuluyan namin ni ate dahil hindi naman iyon ganon kalayo at pag dating ko doon ay wala akong naabutan. Sanay na ako sa ganoong set up since pang gabi si ate.

Sinalang ko sa stove ang nakita kong sinigang sa ref bago ako pumasok sa kwarto at nag bihis ng pantulog at pag katapos kong initin ang pag kain ay umupo na ako sa mesa upang kumain at sa kalagitnaan ng pag kain ay natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.

From: Sunny☀️

u home?

Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdamn ako ng excitement ng makita kong galing sa kanya ang text at nag mamadaling nag tipa ako ng mga letrang isasagot sa kanya.

To: Sunny☀️

yeah.

Wala pang isang minuto ay nag reply na agad sya.

From: Sunny☀️

How've you been?

Muli akong nag type ng mga letra na irereply sa kanya.

To: Sunny☀️

I've been well. how 'bout you?

Matagal bago sya nag reply kaya naman nagawa kong tapusin ang pag kain ko at sa kalagitnaan ng pag huhugas ng plato'y muling tumunog ang cellphone ko at naroon na naman ang excitement ng makita kong ang text ay galing kay Sun. Agad kong dinampot ang cellphone sa gilid ng lababo at binuksan ang message nya kahit na basang basa pa ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng mag iinit ng pisngi at mga tenga ko ng makita ko ang message nya.

From: Sunny☀️

i miss you:<

Hindi ko alam kung bakit biglang lumukso ang puso ko at awtomatikong naibaba ko ang cellphone at napa hawak sa bibig ko. Kinakapos ako sa hangin at hindi ako makahinga ng maayod

Photograph [De la Frontera Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon