10: beautiful

52 5 0
                                    

Cielo's POV:

It was Wednesday. Araw ng school festival at mag tatagal iyon hanggang Friday. Walang klase at wala din akong balak na pumasok ng school dahil alam kong mapupuno ang school ng mga tao and I hate crowded places. Kaya naman napagpasyahan ko nalang na pumasok sa trabaho ko sa convenience store at pumayag naman si manager na gawing mag hapon ang pasok ko hanggang Friday and of course, dagdag sweldo.

Nang makababa ako ng bus ay nag lakad na ako papunta sa convenience store ngunit muntik na akong madapa ng makita ko kung sino ang babaeng nag hihintay sa akin sa tapat ng convrnience store.

"Sun?!" gulat kong tanong at napakuraprap pa ako upang siguraduhing hindi ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko.

"Good morning." nakangiti nyang saad at patakbong lumapit sa akin.

"W-what are you doing here?" hindi parin nawawala ang gulat na tanong ko at hindi ko maiwasang suyurin sya ng tingin.

Suot nya ang uniform ng school namin at alam kong papunta sya ng school. Ngunit pasado alas otso na ng umaga at alam kong late na sya kaya anong ginagawa nya dito?

"I'd figure out na hindi ka papasok ngayong araw."

"Yeah. I won't be going to school since there's no classes. And so?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"If you're not going then I'm not going too!" masigla nyang saad at ngumiti sa akin ng napakalaki at dahil doon ay parang biglang may mga paru-parong nag liliparan sa sikmura ko at dahil din sa ngiting iyon ay naramdaman ko nalang ang pag iinit ng mga pisngi ko. "I wanna hung out with you." dagdag nya pa at para hindi nya makita ang pamumula ng pisngi ko ay pasimple akong nag iwas ng tingin.

"T-that's cute. But I'm sorry, Sun. I'll work until 5 o'clock in the afternoon today." pinipilit kong iwaksi ang kung anong damdamin sa sistema ko habang hinihiling na umalis na sya at pumasok nalang sa school dahil kung magtatagal pa'y pakiramdam ko'y sasabog na ako.

Sasabog sa kilig!

Damn it! I can't resist her cuteness.

What should I do?

"That's ok. I talked to your manager and she told me na ok lang daw na mag trabaho ako dito habang hinihintay na matapos ang shift mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? The manager said that?" hindi na dapat ako mabigla doon dahil talagang mabait ang manager dito.

"Yeah but don't worry. Hindi ako mag papabayad. Tutulungan lang kita sa mga gagawin mo hanggang sa matapos ang shift mo." sa muling pag kakataon ay nginitian nya ako at para na akong conton candy na naiwan sa ulanan at unti-unting natutunaw.

Tinalikuran nya ako at nagpauna ng pumasok sa convenience store samantalang nanatili akong naka tanaw sa kanya hanggang sa makapasok sya sa convenience store. Nanatili akong nakatayo sa labas na para bang estatwa.

'What the hell was that? Why does she always wants to hang out with me?'

Gusto kong bigyan ng mga meaning ang mga kilos at galaw nya ngunit mahirap umasa at sumugal kaya wag nalang.

Gusto kong isipin na talagang friendly lang sya at gusto nya akong makilala ng lubusan kaya gusto nya akong laging kasama. Besides, she doesn't know that I'm a lesbian so I'm sure na wala syang alam sa mga nararamdaman ko ngayon. And I think it's best to keep things that way. Ang hindi nya malaman na babae ang gusto ko para hindi sya mailang at manatili sya sa tabi ko.

Marahil ay nalilito lang ako. Nalilito lang ako sa nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na may nakilala akong kakaibang babaeng tulad ni Sun. And when the time passed by, I'm sure that I will forget and get over these feelings.

Photograph [De la Frontera Series #1]Where stories live. Discover now