CHAPTER 16

1.3K 66 11
                                    

Unedited


Iony POV

"Ion." Nagulat ako ng may bigla na lamang na bumulong sa aking tenga.

Nang nilingon ko ito ay ang nakangiting si Amoure ang bumulaga sa akin.

"Ma-magandang gabi Amoure." Ani ko dito. Ngumite naman siya na parang bituin na kuminang sa aking harapan.

Matapos ang gabing nag-usap kami dito sa lagi kong tambayan ay parati na niya akong pinapapunta dito upang pag-usapan ang 'plano niyang pagtakas' sa palasyo, ngunit hindi naman sa matatawag na tatakas siya sa responsibilidad niya.

Nasambit niya kasi sa akin minsan na ang pinagkakatiwalaan niyang kanang kamay ang magpapalit sa kaniya at ang mag aasikaso ng gawain sa palasyo sa isang araw lamang.


At ngayon ngang gabi ay muli kaming nagkita upang mag-usap magamuli. Sa hindi ko malamang rason niya, sapagkat, sumusunod lamang ako rito. Hindi naman sa ayaw kong makipagkita sa kaniya, nag-aalala lamang ako na baka ay mawaglit niya sa kaniyang sarili na isa siyang reyna na maraming responsibilidad rito sa palasyo.

Alam kong hindi patas sapagkat gustong gusto ko ring Makita at makausap ang Reyna at masilayan palagi ang kaniyang napakaganda at maamong mukha, madinig ang kaniyang napakahalinang tinig.

Hindi patas kasi mas pinipili at mas gusto ng kung anong damdamin sa aking puso na, nakatoon ang atensya niya sa akin at sa akin lamang. Ano itong aking nararamdaman?

"May mga dala akong prutas na ating makakain habang nagpapalipas ng oras." Ani nito na nakapagbalik sa aking ulirat.

Nang makaupo siya ay inilapag niya ang isang telang tiyak kong naglalaman ng mga sinasabi niyang prutas.

"Nakakahiya naman Sapagkat kayo pa ang kusang nagdala ng makakain. Wala ba ang iyong tagapagsilbi upang tumulong sa iyong buhatin iyan. Tiyak kong mabigat—"

"Shhh, itikom mo na lamang ang iyong bibig at manahimik, Ion." Iyan na naman siya sa kaniyang pagtawag ng aking palayaw. Bigla akong nahiya kaya ay nag-iwas ako rito ng tingin upang itago ang aking mukhang namumula.

Binalot kami muli ng katahimikan habang pinagmamasdan ko siyang balatan ang mansanas.

"Ah." Naalerto ako ng makitang hawak hawak na niya ang kaniyang hintuturo habang dumadaing sa sakit.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ang sugat nito. Maliit lamang ngunit nagdurugo ito ng marami.

Hindi ko naman pweding ipunas sa aking kasuutan, sapagkat baka ay maimpeksyon pa ito at matagal na gumaling.

Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mata at napakagat nalang ng labi ng makaisip ng ideyang nakakahiya.

Bahala na.

Dinala ko sa aking bibig ang kaniyang hintuturo at agad kong nalasanan ang kansa na mula sa kaniyang sugat. Isinawalang bahala ko nalamang at dinilaan ito.

Nang masiguradong hindi na ito nagdurugo ay agad ko na itong binitawan at tumingin kay Amoure, hawak parin ang kaniyang kamay.

"Ayos kalang ba?" Tanong ko dito.

Napansin ko naman ang pagkapula ng kaniyang mukha habang bubukas at sasara ang kaniyang bibig.

Matapos ang saglit na katahimikan at pagtitig nito sa akin ay nagsalita siya.

"A-ayos lang naman ako. Hindi mo na dapat ginawa iyon Ion." Nang marinig ang kaniyang sinabi ay noon ko lamang na proseso ang aking ginawa kanina lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now