CHAPTER 7

1.2K 84 3
                                    

Amoure POV




"Sa Bukas makalawa ay pupunta ang mga Pinuno ng Djedu upang umalay qt magbigay ng mga alahas at ginto mahal na Reyna." Napalingon ako sa aking kanang kamay ng Mabangga niya iyon.




Agad ko siyang tinaasan ng kilay kahit na hindi niya nakikita sapagkat siya ay nakayuko lamang.



"Hindi ba at sinabi ko na hindi na ako tumatanggap ng mga alay sa kung sino man sa kahit na anong Palasyo at Kaharian, grupo man iyan mo mga tapat na mga tao. Hindi ko nais ito." Hindi siya umimik ng sabihin ko iyon na ikinabuntong hininga ko na lamang.




Ito ang ikinaiinis ko sa mga taong ito. Ang nagbibigay alay sa akin kahit na isa lamang akong katulad nila. Nakakainis kung minsan.






Hindi ba nila alam na ang isang tulad ko ay katulad lang rin nila? Isa rin akong tao lamang, na mayroong mataas na katungkulan.




Pinalaki ako ng Ama at ng huling Reyna na maging isang mabuting mamamayan at pinuno. Kaya ginagawa ko lamang ang dapat kong gawin.




"Kaya sabihin mo sa kanila, itago na lamang nila ito kesa sa sayangin lang nila sa ibang tao. Kung maari nga ay mabuting gawin nalang nila itong tulong sa mga taong nasa lansangan." Sambit ko matapos ang mahabang katahimikan.




Inilapag ko ang panulat sa lalagyan nito. Tumayo ako at humarap sa kanang kamay kong nakayuko.



"Maari ba?"




"Opo Mahal na Reyna. Masusunod." Matapos sambitin iyon ay lumisan na siya ng silid.




Matapos maisara ang pintuan ay napabuntong hininga akong muli at ibinagsak ang mga palad na nasa tiyan ko. Humarap ako sa beranda at naglakad patungo doon.




Sinilip ang labas at pinagmasdan ang malaking harden ng palasyo. Maging ang kabila ng pader- na nagsisilbing harang tungo sa kaharian- kung saan napapagmasdan ko ang malayong bayan, paaralan, at mga bahay bahay ng mga mamamayan ko.




Maayos ang paligid at napakahusay ng pamumuhay ng mga mamamayan sa labas ng palasyo ko, maging ang mga naninilbihan dito sa loob. Wala na akong hihilingin kung hindi ang maging ganito na ito pang habang buhay.




Ito ang nais kong pamamalakad magmula ng ako ay bata pa. Noong ako ay sinasanay pa sa pagiging may dugong bughaw.




Kung Nandito lamang ang Dating Reyna at ang Ama ko. Hindi pa sana ako ang namamalakad ng Kahariang ito.




Kung hindi lamang nangyari ang trahedyang iyon. Nandito pa sana ang Lola at Ama ko.




Araw iyon ng pesta ng Kaharian. Ang Lola ko pa ang Reyna. Masaya halos lahat ng mamamayan, maraming nagsasayawan, nag-iinuman at nagkakainan. Maging ang mga taong nasa lansangan, binigyan ng kalayaan upang makisali sa mga ganoong ganap.



Ngunit isang pangyayaring nagsira ng masayang araw na iyon. Sumugod ang mga taong balot na balot ng itim at pulang tela. Mula ulo habang paa.




Labis akong natakot at nagambala. Malinaw pa sa aking ala-ala na pilit akong pinoprotektahan nina Ama, kasama ng aking Lola, sa mga tumatangkan lumapit sa akin at saktan.




Lumiyab ang apoy matapos magwala ang mga tao dahil sa takot. Iniligtas ako ng mga kawal ngunit hindi nila nailigtas ang mga Mahal ko dahil sa apoy na unti-unti na silang kinakain.




Gustuhin ko mang hilahin sila at iligtas sa nagbabagang apoy, hindi ko magawa. Isa lamang akong labintatlong taong gulang, na wala pang kaya noon kundi ang matuto at matuto.




Matapos ng insidenting iyon, ipinangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat mapanatili lamang ligtas at malayo sa kapahamakan ang aming kaharian. Nang ako ay kinoronahan at umupo ay ginawa ko ang mga nais kong pagbabago sa Kaharian.




Na naging sanhi kung ano na ngayon ang pamumuhay ng tao. Alam ko, na patuloy parin nila akong ginagabayan sa bawat kilos, pag-iisip, desesyon, at gawain na aking isinagagawa sa araw-araw na mag-isa dito sa palasyo.




Sa loob ng labing dalawang taong mag-isa ko dito sa palasyo, ginabayan ako ng kanang kamay ko ngayon na dating kanang kamay ng aking Lola. Ngunit simula ng ako ay umabot ng dalampo ang edad ay agad na kumalat at umikot sa kaharian ang tanong na.





Kailan ba ako hahanap ng kabiyak at magbibigay sa akin ng supling na magmamana at papalit sa aking pagiging Reyna.




Minsan ay napapailing na lamang ako. Ngunit tama naman sila sa kanilang isinasambit. Ngunit ang dapat na tanong ay, may desesyon nga ba akong umibig?




Kaya ko naman mag-isa na palakarin ng mas maayos ang kahariang ito, ngunit darating ang panahon na kailangan ko na ng tagapagmana.




Darating rin naman ang panahon na iyan, ang panahon para sa akin, ang panahon upang humanap ako ng kahalili sa palasyo at kaharian. Ngunit hindi pa sa ngayon. Bata parin naman ako.




MAGANDA ANG PANAHON ngayon. Maaliwalas at hindi masyadong matirik ang araw.



Napagpasyahan kong tumambay sa harden, ang paburito kong lugar sa palasyo, upang doon na lamang gawin ang natitira ko pang trabaho.



Gusto ko ng presko kaya dito ko na naisipang magtrabaho at gugulin ang mga oras na matitira.



Ukopa ang aking sarili sa pagtatrabaho ng makarinig ako ng karansing ng nahulog na bakal na bagay sa bandang harapan ko.




Nang iangat ang tingin ay nakita ko ang isa sa mga hardenero na tiyak kong bago lamang ang nakatulala banda sa akin habang nasa tabi nito ang gamit ng mga hardenero na gawa sa bakal.



Napahagikgik na lamang ako dahil sa mukha nito. Bukas ang labi nito habang nakatingin sa aking direksyon. Alam ko na kung ano ang rason. Dahil ito naman ang laging nangyayari sa mga taong unang nakakakita sa akin.




Iwan ko ba sa kanila. Wala namang bago sa mukha ko kung bakit ganon na lamang sila mapatulala sa akin.




Iiling iling na lamang ako habang napapahagikgik pa. Ngunit napahinto rin ng makitang may babaeng lumapit sa hardenerang nakatingin parin sa akin habang bukas ang kaniyang bibig.



Kulay kayumanggi ang balat nito, mahaba ang buhok na kulay itim na hanggang pang-upo nito. May pagkakisig rin ang katawan niya kumpara sa isang babae.



Nakatalikod ito sa harap ko kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla ay nakardam ako ng pagkabog ng puso at ninanais na humarap siya sa akin.




Hindi ito pamilyar, hindi ko kilala ang pakiramdam na ito. Ngunit isa lang talaga ang nais ko, ang makita ang babaeng ito ng harapan.

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now