CHAPTER 8

1.2K 78 9
                                    

Iony POV




Ilang Araw narin ang lumipas matapos kong pumasok bilang isang trabahador dito sa harden ng palasyo. Masasabi kong naging maganda at hindi mahirap lalo na at mababait pa ang kasama na magtrabaho sa harden.




Nakakatuwa nga dahil napaka siyahin ng mga kasama ko. Katulad nalang ngayong araw.




Kasalukuyan kaming nasa harden oras ng umaga. Inaayos at ibinabaon ang mga bulaklak na ililipat sa harden.




Sa tingin ko nga ay hindi basta-basta napupuno ang harden ng iba't ibang bulaklak kahit pa araw-araw namin itong dinadagdagan ng Bulaklak at tinataniman.




Ngayon ay hawak ko ang panghukay sa kanang kamay habang ang isa naman ay dinadqkot ang lupa sa hukay na ginawa ko. Ililipat naman namin dito ang mga Rosas na sing pula ng dugo at napakagandang tingnan.




Bihira lamang ako makakita ng mga bulaklak, at mas lalo ng isang Rosas na sa mga palasyo lamang makikita.




Ngunit alam kong araw araw na ako makakakita ng ganito dito.




Hindi rin naman pala mahirap ang maging isang hardenero sa isang mangangasong katulad ko. Ngayon na ilang araw na ang nakalipas ay nangungulila na ako sa presensya ng kapatid ko.




Nakatutok lamang ang sarili ko sa paglilipat ng mga halaman sa lupa ng marinig ko ang pagod at hinihingal na boses ni Ulap. Ang isa sa mga katrabaho ko sa harden na naging kasundo ko narin at kaibigan.




Nilingon ko ito at napatawa na lamang ng makitang ang kalahati ng katawan nito ay nakahiga na sa maliit na kalesa na naglalaman ng mga dahon, habang ang kalahating katawan naman nito ay nakalaylay sa lupa.




Para na siyang lantang halaman sa itsura niya ngayon. Napapailing na lamang ako at sinabing,




"Tumayo ka na diyan at magsimulang magtrabaho Ulap." Ani ko at ibinalik ang atensyon sa naputol na gawain.




"Argg. Suko na ako." Narinig ko ang pagtunog ng dahon na tiyak kong sanhi ng pagbqngon niya.





"Hindi ko naman akalaing ganito pala kahirap magtrabaho dito." Muli ay bahagya akong napatawa sa kaniya.




"Magtiis ka at kayanin mo. Dahil ito ang napili mong trabaho, harapin mo ang hirap ng mga gawain." Sambit ko. Narinig ko pa ang pagmaktol at angal niya na agad ko ng sinuway baka pa ay makita kami ng punong tagapagsilbi at kami pa ay mapagsabihan.




Bumalik narin siya sa kaniyang pagtatrabaho. At ako naman ay pinagpatuloy ang gawain, natatawa parin sa kaniyang kinilos kanina.




Galing kasi sa mataas na pamilya ang pamilya ni Ulap. Kumbaga ay may pera, mayroong malaking bahay at kung ano-ano pa. Kaya ganoon na lamang ang inakto niya kanina.




Noong una pa nga ay nagtaka ako kung bakit pa siya namasukan dito sa palasyo kung sila ay may pera na. Ang rason niya ay gusto niya daw makita talaga ang mahal na Reyna, Gustong gusto niya daw ito at mayroon siyang malalim na nararamdaman dito. Napapailing na lamang ako dahil sa rason niya.




Iyon lang kung bakit pa siya namasukan dito? Pinapahirapan niya lamang ang kaniyang sarili.




Matapos mailipat sa lupa ang mga Rosas ay kinuha ko ang timbang may lamang tubig at magaang sinabuyan ang halaman. Nang matapos ay pinulot ko ang panghukay gayon din ang iba pang gamit at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng lupqng pagtataniman pa.




Muli ay ako ang nagbungkal ng lupa, at magsasaboy ng tubig sa lupang nahukay. Ang iba ko namang kasama ang maglilipat at tatanim ng iba pang mga halaman.




Naghuhukay ako ng bungkal ng makarinig na lamang ng pagbagsak ng isang kahoy. Baka ay malaki ito kaya rinig ko mula dito.




Agad akong napatayo at nilingon kong saan galing. Nakita ko mula dito sa kinatatayuan si Ulap na gilid lamang ang nakaharap sa akin. Agad akong nagmadaling pumunta sa kaniya dala ang panghukay. Gusto ko lamang tiyakin kong maayos lamang ba siya.




Nakatunganga kasi siya sa isang direksyon na hindi ko na tiningnan pa.




Nang makalapit sa kaniya ay agad ko siyang kinalabit. Ngunit hindi naman niya ako pinansin kaya ay pumwesto ako sa harapan niya.




"Ulap, bumalik ka sa iyong huwisyo. Ano ba ang nangyari sa iyo?" Para ba kasing nakakita siya ng isang multo dahil sa pagkatulala niya. Napagabag tuloy ako.




"ULAP!" Sigaw ko sa mukha niya ng maalerto ako, baka kasi ay sinapian siya ng kung sinong spirito.




"Ang ganda." Bulong nito na hindi ko narinig. Napatampal na lamang ako sa aking noo at ng hindi na nakayanan ay pinitik na ang kaniyqng noo, doon lamang ay siya ay bumalik sa reyalidad.




Agad niya akong binigyan ng nagtatakang tingin.




"Bakit?"




"Kanina ka pa nakatunganga diyan?" Ani ko dito. Agad naman siyang ngumiti sa akin at inilihis ang tingin sa likod ko.




Nagtaka na naman ako ng makitang namula siya. Nang dahil sa kuryusidad ay lumingon ako sa likod at doon nakita ko ang isang napakagandang diyosa.




Para ba ay isa siyang diyosa ng liwanag. Ngunit mas nababagay ang diyosa ng kagandahan.




Walang kontrol ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming paningin ngunit agad ko ring iniwas at tiningnan na lamang ang kaniyang pisnge.





Ramdam ko parin ang tingin niya sa akin na nagbigay kaba sa akin kaya agad akong yumuko at tumalikod. Hinila si Ulap paalis sa harap ng Mahal na Reyna.




Ramdam ko ang pagpawis ng kamay ko at noo, pati narin ang bilis na pagtibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.





INAYOS KO ANG posisyon ng pagkakahiga ko sa kama at muli ay tumitig na naman sa kung saan.




Malalim na ang gabi at halos tulog na ang lahat ng tagapagsilbi. Maririnig pa ang malalim na paghinga lalo na sa katabi kung kama kung saan natutulog si Ulap, halatang pagod na pagod sa magaan na trabaho kanina.




Ipinikit ko ng madiin ang talukap ng mga mata at pinilit hilain ang sarili sa pagtulog pero hindi ko magawa. Agad kong iminulat ang mata at tumihaya, tinitigan ang mataas na kisame.




Kanina pa ako ganito. Hindi ako mapakale ni hindi man lang ako patulugin. At ang dahilan at ay ang napakagandang Reyna nitong palasyo kung saan ako nagtatrabaho.





Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Basta ang alam ko lamang, ang mukha ng Mahal na Reyna ang nag-uukupa ng isipan ko ngayong gabi, ang dahilan kung bakit bigla bigla na lamang akong mapapangiti.





Magmula talaga ng masilayan ko ang Reyna ay lagi na nitong ginugulo ang isipan ko. Lumalabas ang imahe nitong napakapayapa at napakaganda.




Na nagiging dahilan din kung bakit bumibilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko na talaga maipaliwanag.




Nagugustuhan ko ang Reyna magmula noong una ko siyang nasilayan. Aaminin ko iyon. Pero, habang tumatagal, at nandidito ako sa palasyo.




Parang mas lumalalim pa ang hindi pamilyar na pakeramdan dito sa puso ko 

ROSAS (GxG | Intersex)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ