CHAPTER 6

1.2K 80 0
                                    

Iony POV


Nakatanaw lamang ako sa bintana ng karwahe habang ito ay umaandar. Tinatanaw ang bawat punong nadadaanan namin.



Kasalukuyan na kaming nasa kagubatan ng kaharian, kung saan ito ay madadaanan bago makatungo sa mismong pader ng palasyo.




Noong kaarawan ng Mahal na Reyna ay ilang kilometro ang nilakad namin upang makapunta lamang sa pader ng palasyo.


Ang Kaharian kasing pinamumuunan ng kasalukuyang Reyna ay mailalarawan sa limang malalaking bayan ang lawak, kasama pa ang gubat na mas malawak pa sa walong bayan na pinagsama-sama.


Alam ko ito sapagkat isa rin akong mangangaso. Nanghuhuli ng mga ligaw na hayop sa kagubatan ng kaharian upang ibenta sa mga negosyante. Nililibot at inaalam ang bawat sulok, ang naging gawain ko sa loob ng maraming taon na nabubuhay kami ng kapatid ko sa sariling sikap.


Napabuntong hininga na lamang ako.



Hindi ako makapaniwalang darating ako sa puntong ito. Makakapagtrabaho pa talaga ako sa loob ng palasyo. Hindi ako makapaniwala talaga.



Ang lalo pa ay ang sa tingin ko na magiging malapit ako sa Reyna. Ang ibig kong sabihin ay lagi ko siyang masisilayan.



Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa Palasyo. Namangha ako ng masilayan ang napakalaki nilang harden. Hindi ito maiikumpara sa normal na harden lamang dahil tiyak akong maging ang mga halaman ay mamahalin at makukuha lamang sa ibang kaharian.



Kung sa bagay. Ang alam ko ay paburutong lugar ito ng Reyna. Kung minsan ay dito siya nagmumuni-muni kapag walang ginagawa.




Agad na bumaba ako at kinuha ang mga gamit sa karwahe hindi naman karamihan at kabigatan nang huminto ito sa harap ng bulwagan ng palasyo.



Pagkuway ay umalis na ang kutsero at ako naman ay naiwang mag-isa sa bulwagan. Maya maya ay may lumapit sa akin na dalawang kawal at isang matandang babaeng tiyak kong tagapagbantay ng mga nagtatrabaho dito.


"Magandang araw po." Bati ko sa matanda. Ngumite naman siya.


"Magandang araw din binibini. Ano ang iyong pangalan? At ikaw ba ay isa sa mga papasok bilang hardenero?" Tanong niya na ikinatango ko bago siya sinagot.


"Opo. Ako nga po pala si Iony." Sambit ko. Nginitian naman niya ako na ibinalik ko rin sa kaniya.


"Kung gano'n tayo na sa loob at maihatid kita sa magiging silid mo kasama ang mga bagong trabahador. Huwag kang mag-alala dahil lahat ng tao ng Reyna ay mabubuti ang loob." Nakahinga naman ako ng maluwag.



Talaga ngang napakaganda ng pamamalakad ng reyna dito sa palasyo. Maging sa labas rin ay ganoon. Kaya talagang hinahangaan siya ng lahat. May kung ano tuloy sa aking sarili na gustong malaman at makilala ng higit pa ang mahal na Reyna.



Hindi ko naman mawari kung bakit. Ang alam ko lamang ay tiyak kong ganito ang nararamdaman ng tayo. Pananabik na makilala pa ang Reyna pagkatapos siyang masilayan ng mga ito.



Pagkuway pumasok na kami sa Palasyo. Hindi ko maipaliwag ngunit natitiyak ko sa sarili na hindi maipaliwanag ang saya ko ng makita at mapagmasdan ang desenyo ng loob ng palasyo.




Napakaganda. Lalo na ang mga larawan na nakaguhit sa kisame ng palasyo. Napakagaling ng mga pintor nila. Gayoon din ang mga istatwa na nakatayo sa mga pader, sa kisame at sa gilid ng dinadaanan namin.


Napakaganda. Ang iba pang kagamitan ay gawa naman sa ginto. Nakakamangha.




"ITO ANG HARDEN na iyong pagtatrabahuhan. Kasama ang tatlo, at tatlumpo pang trabahador sa harden na ito. Maya ay makikilala mo sila ngunit ngayon ay magpahinga ka muna sa pagkat iyon ang patakaran sa mga bagong trabahador dito." Tumango ako nang maintindihan.



Maari pala iyon? Napakagaling naman. Pero alam kong ngayon lamang ang pahinga dahil sa susunod na araw ay magkakayud na kami ng buto.


Hinatid ako ng ilan sa mga alipin sa silid ng mga trabahador. Nagpasalap ako matapos noon at tumungo na paloob, nang makapasok ay namangha ako at napatango-tango na lamang dahil maging ang silid ng mga alipin ay malinis at maayos.



Malaki ito at nakahilira ang mga higaan na pang isang tao lamang sa sulok ng silid hanggang sa dulo nitong malaking silid. Hindi kataasan ang kisame sapagkat may roon pang hagdan paitaas na tiyak kong patungo rin sa pang itaas na tulugan ng mga trabahador.


Ang sabi ng matandang Binibini ay sa itaas panghuling higaan bandang kanan ang tulugan ko. Medyo malayo pero ayos naman na.


Umakyat ako paitaas at tumungo sa nasabing higaan. Nang makalapit ay inayos ko na ang mga gamit sa katabing maliit na kahon na tiyak kong paglalagyan ng gamit. Nang matapos ay agad akong naupo sa tulugan.


Malambot ito at maayos para sa mga alipin.




Napabuntong hininga na lamang ako ng maihiga ang sarili sa higaan. Hindi ako sanay na magpahinga kahit na ilang oras ng walang kahit na anong ginagawa. Nakasanayan ko na kasi ang laging may gawain bago magpahinga ng pagod at tapos na.



Ngunit ngayon lamang ito. Sapagkat sa susunod na araw ay ilalaan ko na ang oras sa pagtatrabaho sa harden ng Palasyo ng Mahal na Reyna.


Para naman sa kapatid ko ito at sa akin. Ipinahinga ko na lamang ang sarili sapagkat hindi rin ako nakapagpahinga noong ako ay naglalakbay pa.




Kailangan ko ng lakas para sa bukas ng pagsisimula ng trabaho.

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now