CHAPTER 5

1.2K 89 2
                                    

Iony POV



Kasalukuyan kaming kumakain ng kapatid ko. Hapunan na at kakauwi ko lamang galing sa pagsisibak at pag-ipon ng tubig.




Buo narin ang desesyon ko patungkol sa trabaho sa palasyo. Gusto ko iyong ipag-alam sa kapatid ko upang hindi siya magulat kung bigla na lamang akong hindi bumalik kung pupunta man ako ng palasyo.




"Ate ano ang iyong sasabihin sa akin?" Tanong nito matapos namin maghapunan. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinagkainan namin habang ako ay nasa tabi niya lamang.




"May nakapagsabi sa akin na naghahanap ng mga tfabahador ang palasyo." Unang pasabi ko.binigyan naman niya ako ng nagtatanong na mukha bago ipinagpatuloy ang ginagawa.




Nagbuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.



"Napagdesesyunan kong magtrabaho doon dahil malaki ang magiging tulong nito sa ating dalawa." Ani ko. Nakita ko naman ang pagkahinto niya sa ginagawa. Gulat niya akong nilingon.




"Iiwan mo ako Ate?" Ani nito. Agad akong lamapit at hinagkan siya ng makitang lumuluha na ang kaniyang mata.




Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok habang ito ay binibigyan ng mumunting halik upang pagaanin ang kaniyang kalooban.




"Shh tumahan ka muna." Pagpapatahan ko sa kaniya.




"Kung ako man ay mananatili sa palasyo ay maninirahan ka muna sa bahay ni Aga. Alam naman natin na mabait siya hindi ba. Huwag kang mag-alala dahil linggo linggo naman ako bibisita dito kung ako ay bigyan ng permeso." Paliwanag ko.




Sana naman ay pangalagaan siya ni Aga habang ako ay wala. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at bilang isang nakakatandang kapatid at tagapangalaga ay gagawin ko ang lahat para sa kaniya.




May pagkakataon rin kung mangyari, ay mapapaaral ko siya.




"Payag ako Ate at isa pa, mapagkakatiwalaan si Ate Aga kaya huwag kang mag-alala. Kaya ko na rin naman ang aking sarili kahit na mag-isa ako dito."




"Hindi ako papanatag kung iiwan man kitang mag-isa dito." Pagsuway ko dito.




"Sige, kung iyon ang iyong nais. Ngunit kaylan ka ba pupunta ng palasyo?" Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at siya naman ay ipinagpatuloy ang paghuhugas matapos mapunasan ang mga luha sa pisnge at mata.




Muli ay nagbunting hininga ako. "Bukas kapatid." Ani ko dito.





Buo at walang atrasan na talaga ang aking desesyon. Sa mga oras na ito isa lang ang iniisip ko. Para ito sa kapakanan ng kapatid ko.




"MAGPADALA KA ng sulat kung maaari Ate. Dahil kung hindi ay susugudin kita sa palasyo." Natawa na lamang ako sa biro ng kapatid ko.





Lumapit ako sa kaniya at ginulo ang kaniyang kulot na hanggang bewang ang haba ng buhok.



"Oo naman at gagawin ko iyon. Kahit na oras-oras pa aking kapatid."




"Basta mag-iingat kalang doon Iony ha. Uuwi ka pa at bubuo pa tayo ng pamilya." Pagkuway ay pagdadrama ni Aga na ikinaikot na lamang ng aking mga mata.






Maluko rin ang babaeng ito ngunit hanggang ngayon ay naiirita parin ako. Pero, nakakatuwa naman.




Araw na ngayon upang ako ay lumisan. Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ko at nakalagay na sa karwaheng sasakyan ko.




"Hindi mo ako mabibiro ng ganiyan Aga." Serypsong ani ko.





Napalabi naman siya dahil doon. "Huwag mo namang seryusuhin."




Natawa na lamang kami ng kapatid ko. Pagkuway ay nagpaalam na sa kanila dahil papaalis na ang kutserong magpapatakbo ng katwahe.





"Ingatan mo ang kapatid ko Aga kung ayaw mong masaktan kita. Kapatid mag-iingat ka dito dahil wala ako sa tabi mo. Tumigil ka narin sa pagtatrabaho dahil ayaw kong mapagod ka at maging dahilan pa ng pagkasakit mo, wala ako sa tabi mo tandaan mo iyan." Paalala ko sa kapatid ko.




"Oo namam Ate, at isa pa, kung iyon ang iyong nais, gagawin ko. Basta ba ay iingatan mo rin ang 'yong sarili sa palasyo." Sambit nito. Nginitian ko siya at muling ginulo ang buhok na ikinaangal naman niya.





"Sige na lilisan na ako." Ani ko at lumakad na pasakay ng karwahe matapos ang pagpapaalam.




Nang makapasok sa karwahe ay agad naring sumakay sa harap ang kotsero at nagsimula na itong patakbuhin ang isang kabayong hila-hila ang sinasakyan ko.




Bago pa makalabas ng baryo namin ang sinasakyan ay sumilip ako sa bintana upang tanawin sa hulinh pagkakataon ang pinakamamahal ko na kapatid.




Nakita ko ang malaki nitong ngiti sa mga labi ngunit alam ko, kahit na hindi nito ipaalam sa akin, nalulungkot ito sa aking paglisan. Unang pagkakataon ito na mawawalay kami sa presensya ng isa't isa, na hindi alam kung kaylan na naman magkikita.





Pero para sa kaniya ito. Siya ang prayoridad ko sa paglisan kong ito.





"Mag-iingat ka mahal kong Ate!" Sigaw nito habang nakataas ang mga kamay at kumalaway sa akin.






"Mahal na mahal rin kita aking kapatid!" Balik sambit ko dito.




Tinanaw ko ang unti-unting pagliit ng kaniyang postura sa paningin ko hanggang sa matakpan na ito ng mga bahay na nadadaanan namin.




Hindi ko man lang naramdaman na may tumulo ng luha sa aking pisnge. Sa pangalawang pagkakataon. Luluha naman ako, at dahil iyon sa pagkawalay ko sa kapatid ko.

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now