CHAPTER 3

1.4K 92 3
                                    

Iony POV




"Matagal pa ba paparada ang Reyna Iona?" Inip na tanong ko sa kapatid kong patuloy na nakikipagkuwentuhan kay Aga.




Ilang minuto narin kaming nakatayo dito at nag-aabang kaso hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang Reyna sa palasyo upang magparada.





"Saglit na lamang Ate." Napabuntong hininga na lamang ako.





"Matuto ka ngang maghintay Iony. Hayaan mo at maya maya ay makikita na natin ang Mahal na Reyna." At sabay silang nagsitili. Napailing na lamang ako at hinayaan na lamang sila.





Kung hindi pa paparada ang Mahal na Reyna ng mga ilang minuto ay aalis na ako at sisimulan ang trabahong iniwan ko.





Ilang sandali pa ang mga taong maingay na nagbubulungan ay bigla na lamang tumahimik. Mula dito ay rinig na rinig ko ang mga yapak ng tiyak kong mga kabayo ang papalabas ng palasyo.





Ilang sandali pa ay lumabas ang isang napaka-engrandeng karwahe na natitiyak kong gawa sa ginto.




Hila hila ito ng dalawang kabayo na pinapaandar naman ng kotshero. Lahat ay napasinghap ng masilayan itong karwahe.




Kahit ako. Ngayon lamang kasi ako nakakita ng ganito kakulay na karwahe at gawa pa sa ginto.





Nakatutok ang lahat sa bintana ng Karwahe. Wari ba ay inaabangan ang pagsilip ng Reyna doon. Natatakpan lamang ito ng isang tilang kumikinang pa.




Bigla ay nagsigawan ang mga tao at naghulugan ng mga bulaklak sa daan habang isinasambit at ibinibigkas ang maligayang kaarawan sa reyna. Kasama na dokn ang dalawang babaeng kasama ko.





Ngunit ako ay nakatutok lamang sa bintana ng sasakyan upang abangan ang paglitaw ng mukha ng mahal na Reyna. Napuno ako ng kursyudad ng mga oras na iyon, wari ba ay gusto kong makita sa personal ang mukha ng Reyna.




"Maligayang kaarawan Mahal naming reyna!"




Pagbati ng halos lahat ng mamamayan. Nang dumaan ang karwahe nila sa harapan namin ay doon lamang bumukas ang bintana at tuluyang nagpakita ang Reyna.




Bumungad sa aming lahat ang napakaganda nitong mukha. Mula sa kaniyang buhok na tiyak akong napakalambot kumpara sa amin, ang makinis nitong balat, mapupungay na mga mata, magandang kilay, ilong, bibig, at pilik mata. Kakaiba rin ang kulay ng kaniyang mga mata.



Sa hindi malamang dahilan. Bigla na lamang bumilis sa pagtibok ang aking puso. Anong nangyayari sa akin?



Hanggang sa mapampasan na kami ng nakangiting Reyna. Tulala ako habang ibinabalik ang sandaling nasilayan ko ang ganda niya.




Nakakabighani. Totoo nga ang sinasabi ng mga mamamayan sa bayan.



"ATE TAPOS na ang parada ng Reyna tulala ka parin." Nabalik ako sa ulirat at nilingon ang dalawang babae.




Tapos na pala ang parada. Pauwi na kasi ang mga tao na may ngiti sa kanilang mga labi at tuwa sa kanilang mga mukha.




"Umuwi na tayo kung ganon." Pinigilan kong hindi mautal ng sambitin ko iyon at nauna ng naglakad sa kanila.




"Siguro nabighani ka sa ganda ng Reyna ano. Aba ay sino ba ang hindi, napakaganda ng butihin nating Reyna." Rinig kong sambit ng Kapatid ko.



"Bighani na talaga si Iony? Hindi naman ako nababahala sapagkat alam kong hindi qt imposible kayong magkatuluyan." Biro ni Aga.



Napahinto ako dahil doon. May kung ano sa loob ko na hindi iyon tanggap, dahil umasa na magkakatuluyan kami. Ipinilig ko ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad.



Rinig ko naman ang patuloy na pagkwentuhan nilang dalawa. Hanggang sa makaratinf na kami sa bayan at humuwalay na sa amin si Aga.



Magdadapit dilim na at kailangan ko pang umipon ng tubig. Kaya pag-uwi ng bahay ay agad kong iniutos kay Iona na magluto na nga panghapunan sapagkat ako ay iigib ng tubig.



Nang matapos ay tahimik akong kumain habang ang kapatid ko naman ay patuloy ang pagkukuwento sa akin patungkol sa Reyna.




"Ang ipinagtataka ko lamang Ate. Napakaganda nga ng Reyna, bakit wala pa siyang hari na makakasama." Napahinto ako doon ngunit itinuloy na lamang ang pagkain.



"Tama na ang kuwentuhan at ituloy mo na lamang ang pagkain Iona." Pumayag naman rin siya.



Matapos makapaghapunan ay siya na ang naghugas ng mga pinagkainnan namin samantalang ako ay dumiretso sa palikuran upang maligo at maglinis ng katawan.




Matapos ay pumunta na ako ng silid at nahiga. Nagpakawala ako ng hininga.




Ngunit ng ipinikit ko ang talukap ng mata ay bumungad ang imahe ng nakangiting Reyna sa dilim. Iwan ko ba. Bakit ito ay aking nararamdaman ngayon?



Ganito rin ba ang iba kung sila ay una pa lamang nakita ang butihing Reyna.




Nang hindi makatulog kakaisip sa Babae ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang isang kahon sa ilalim ng higaan.




Dinala ko ito sa ibabaw ng higaan at binuksan. Kinuha ko sa loob ang isang piraso ng papel na tama lang ang laki at isang lumang panulat. Uling lamang ito ngunit ito ang hilig kong gamitin upang guhitin ang mga nais kong guhitin.




Inayos ko ang mga ito at ginawang lamesa ang medyo malaking kahon.




Nagsimula 'kong iguhit ang bawat ditalye ng kaniyang mukha. Mula sa buhok, pababa sa labi nitong nakangiti.



Napapangiti na lamang ako habang iginuguhit pa ang ibang ditalye na magkukumpleto sa larawan.



Nang matapos ay nakangiti kong pinagmamasdan ang naiguhit kong mukha ng Reyna.




Nang mapagtanto ang ginagawa ay natanong ko na lamang ang sarili. Bakit ko ba ito ginagawa? Napatitig na lamang ako sa iginuhit na larawan ng Reyna. Bumilis ang tibok ng puso ko ng masilayan ang kaniyang ngite.




Ang pagguhit ay dati ko ng gawi, ngunit tumigil ako ng mawala ang aming Ama at Ina. Ngayon na naman nga ako gumihit.



Piling ko, may nangyayari sa aking kakaiba... Hindi ko alam.

ROSAS (GxG | Intersex)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant