CHAPTER 13

1.2K 71 11
                                    

Iony POV

"May gusto kaba sa Mahal na Reyna?" Napatigil ako sa ginagawa at agad na nilingon si Ulap ng bigla ay bangitin niya iyon. Bahagyang nanliit ang mata nito sa akin ng ilang minuto akong hindi sumagot.

Agad ay nag-iwas ako sa kaniya at tumikhim upang mawala ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"May gusto ka nga sa Mahal na Reyna? Kung hindi ka aamin, sasabihin ko man sa lahat yung sekreto mo." Muli ay napatigil ako at tinaasan siya ng kaliwang kilay ng nalingon.

"Subukan mo at sasabihin kong isa kang mayamang tao." Agad naman siyang napasimangot.

Wala namang kaso kung malalaman ng mga Pinunong tagapagsilbi na galing siya sa mayamang pamilya ang punto lamang ay baka malaman ng pamilya niya na nagtrabaho siya bilang isang mababang tagapagsilbi ng palasyo. Hindi pa kasi nakuntinto sa kaniyang buhay, para sa Reyna ay kahit pa mapunta siya sa mababa. Mapapailing ka nalang talaga at madidismaya.

"Aba't! Sabihin mo na kasi ng tuluyan ang iyong nararamdaman. Hindi mo ba ako itinuturing na iyong kaibigan, ha Iony?" Sumeryoso naman ang mukha ko at muli ay itinuloy ang ginagawa kong pagbabawas ng mga dahon at tuyong sanga ng mga Rosas.

Sinagot ko siya. "Kung sabihin kong hindi? May maisasagot ka ba?"

Nakita ko nang napatigil siya sa kaniyang ginagawa na muntik ko ng ikinatawa. Seryoso ba talaga siya? Syempre tinuring ko na siya na kaibigan magmula pa lamang ng makilala ko siya.

Napahagikgik ako ng hindi na siya nakaimik pa. Nang makuha niya ang pagbibiro ko ay agad siyang umangal.

"Iony!" Ani pa nito na parang bata. Hindi ko na napigilan pa ang tawa at inilabas na lamang ito. Wari mo kasi ay isa siyang isip bata.

Nagulat naman ako ng marahan niyang sinuntok ang braso ko. Sa hina ay muntik pa akong tumagilid. Agad naman akong gumanti at binato ko ang mga napulot na tuyo at patay na mga halaman sa kaniya. Ginantihan naman niya ako pabalik hanggang sa nauwi sa habulan.


Para na kaming mga bata kung tingnan dahil sa paglalaro sa mga patay na halaman at pagtakbo sa harden. Sa hindi inaasahan ay bigla nalamang akong natapilok sa batong hindi ko namalayan at tuluyang niyakap ang lupa.

Dumagondong sa buong hardin ang malakas na tawa ni Ulap na siyang ikinaasar ko't ikinatawa narin.


"Napakabilis naman ng karma sa iyo aking kaibigan?" Mapang-asar na ani pa nito at pinagpatuloy ang pagtawa.

Maluko ko naman siyang inikutan ng mata at naupo ng maayos sa lupa. Sinundan naman niya ako ng humupa na ang pagtawa niya. Nabalot kami ng katahimikan habang pinagmamasdan ang mga iba't ibang klase ng halaman na nakatanim sa huong harden. Napakakalmadong tanawin.

"Seryoso na Iony." Biglang salita ni Ulap na ikinalingon ko naman sa kaniya. Nanatili naman ang paningin siya sa harapan namin. "Gusto mo ba ang mahal na Reyna?"

Sapagkakataon muling ito ay natigilan ako. Ibinalik ko ang atensyon sa mga bulaklak na kalmadong isinasayaw ng preskong hangin ng hapon.


"Oo." Ani ko sa seryosong boses.

Noong una ay nalilito pa ako sa mga kakaibang nararamdaman ko tuwing nagkakatagpo ang landas namin ng Reyna, pero ngayon ay kumpermado ko na at alam ko na ang nararamdaman ko. Gusto ko ang Reyna.

"Rosas pala talaga ang gusto mo hindi lupa?" Pabirong ani nito at bahagya pang tumawa. Salubong ang kilay kong nilingon siya.

"Minsan ba ay nagseryoso ka sa buhay ulap?" Ani ko dito nang nakangiwi.
Nagnguso pato naman ito.

"Ito naman hindi mabiro." Sambit nito. Napailing nalang ako sa kaniya at patuloy na pinagmasdan ang harden.

Dumaan pa ang mahabang katahimikan ng basagin iyon ni Ulap.

"Alam mo kaibigang Iony, Alam nating lahat na kahit na anong gawin mo ay walang patutunguhan ang nararamdaman mo sa Reyna. Maging ako, kahit na may pera, ay wala parin. Dahil–."

"Dahil nga sa isa siyang Reyna na may dugong bughaw at tayo naman ay isang hamak lang na mamamayan. Ano nga bang mapapala natin sa nararamdaman natin hindi ba?" Sambit ko dito.

Ramdam ko naman ang pagtayo niya. "Siguro talaga hanggang 'sana' lang tayo." Ani nito. Hindi ko na 8to sinagot at tumayo narin. Ipinagpag ko ang mga kamay sa nadumihang pang-upo bago ay dinampot ang mga kagamitang panghardwn na ginamit namin kanina. Ganon din ang ginawa niya.

"Pumasok na nga tayo't makapagpahinga." Ani ko dito na sinang-ayunan naman niya. Naglakad na kami pabalik sa likurang bahagi ng palasyo upang bumalik sa mga kaniya kaniyang silid nang sa ganon ay makapaglinis ng katawan at makakain ng panggabihan.

"Pero kahit na gano'n Iony. Karibal na pala kita sa babaeng mahal ko." Agad ko namang pinaningkitan ng mata si Ulap ng banggitin niya iyon. Nakanguso ito habang nakasabay sa aking naglalakad.

Aba at...

Hahampasin ko na sana ang likod ng ulo nito ay agad agad at tatawa-tawa naman siyang tumakbo papauna sa akin.

"Biro lamang aking kaibigan." Ani pa nito
Napailing na lamang ako.

Buti at natiis ko pa na maging kaibigan siya simula ngmagkakilala kaming dalawa. Na hindi ko naman inaasahan sapagkat, trabaho lamang ang ipinunta ko dito na upang makakita ng pera para sa pagkain ng kapatid ko.

NANG MAKARATING SA silid tulugan ay kumuha muna ako ng maipapamalit na damit bago dumeretso sa paliguan ng mga babaeng tagapagsilbi ng palasyo.

Ayaw ko sanang maligo doon sapagkat... baka may makaalam ng pinakatatago kong sekreto. Na alam naman ni Ulap, na hindi ko inaasahang malalaman niya.

Nalaman niya lamang iyon noong aksedenteng natamaan ng paa niya ang gitna ko ng sinipa niya ako doon, iyon rin ang dahilan kung bakit kami naging magkaibigan na dalawa.

Nakakainis nga sapagkat ito ang pinakaiingat-ingatan kong parte sa akin, biro lamang pero gayun man ay iniingatan kong may makaalam nito na isa man sa palasyo.

Sumilip ako mula sa pintuan ng liguan ng mga tagapagsilbi at nakahinga ng maluwag ng makitang walang kahit na sinu ang umuukupa doon. Malawak ang liguan ngmga kababaehan kaya kung minsan ay halos sabay sabay silang mga babae na maligo na walang hiyang nararamdaman, liban na lamang sa akin.

Agad na akong pumasok at ikinandado ang pintuan ng masiguradong walang kahit na sinong papasok. Inilagay ko ang mga damit sa sabitan at hinubad isa isa ang kasalukuyang maduming damit na suot ko.

Nang mailagay ang maduming damit sa tabi ay sinunod ko ang pang-ibaba gayon din ang pag loob. Agad na bumungad sa paningin ko ang pagsaludo ng parte ko na ikinatawa ko na lamang.

"Talagang kanina mo ba gustong lumabas ano?" Ani ko na wari mo ba'y isang nilalang ang kinakausap ko. Napailing na lamang ako at nagsimula ng magbuhos ng tubig sa katawan ko.

Naginhawaan naman ako dahil sa lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. Bubuhos pa sana ako ng tubig sa katawan ng makarinig ako ng pagsinghap na ikinatigil ko naman.

"Ma-may..."

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now