CHAPTER 14

865 56 7
                                    

Unedited

----

Iony POV

"Ma-may..." Naglalaking mata akong nilingon ang kung sino man.

I-isang babae!

Ngunit sinigurado ko kanina lamang na walang tao akong kasama, paanong...?
Agad kong iniabot ang mga damit at isinuot sa katawan ng madali sa abot ng aking makakaya.

"B-binibini huminahon ka muna." Pagpapakalma ko dito sapagkat base sa naoobserbahan ko ay kanina pa ito nagpipigil ng kaniyang hininga.

Magpapakamatay ba ito? Ngunit, sa bagay. Ang kahit na sino mang makakita sa... aking ekstrang kaibigan ay magugulat at malilito gayong nakadikit ito at parte ng katawan ng isang babaeng tulad ko.

"P-paano?" Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa panginginig ng boses niya. Alam kong nalilito siya ngunit mas lalo naman niya akong pinapakaba.

"Unahin mo munang pakalmahin ang iyong sarili Binibini." Ani ko dito. Ano kaya ang gagawin ko para, kalimutan niya ang kaniyang nakita.

Kung bakit hindi ka kasi nag-iingat Iony. Masyado ka nang panatag ng hindi mo pa alam ang mga tao dito sa palasyo. Mahirap ng magtiwala, liban sa Mahal na Reyna.

Humakbang ako papunta sa kaniya ngunit nagulat na lamang ng bigla itong matumba. Nang lapitan ay nakumperma kong ito ay nahimatay. Napakamot na lamang ako sa aking batok dahil sa kaniya.

Ano na ang gagawin ko?

"HNGHH NASAAN AKO?" Napalingon ako sa babaeng tiyak kong kagigising lamang. Mulat na ang mata nito at nakakunot ang noong umuunat.

Pagkuway ay umupo ito habang humihikab pa. Ako naman ay pinagmamasdan lamang siya at ang bawat galaw niya.

Dinala ko siya sa kaniyang pahingahan ng matanong kung nasaan ito. Nalaman kong isa siya sa mga labandera ng palasyo at naiiba ang tulugan nila sa amin, sa kabilang banda ng palasyo kung saan ay malapit sa ilog.

Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kaniya. Gusto ko lamang na maayos siya kapag nagising at upang makausap rin ang patungkol sa nangyari, kanina. Kaya ay naghintay pa akong magising siya. At inabot nga iyon ng tatlong oras. Napakahimbing kasing matulog.

Kakaiba ang babaeng ito, labis ba siyang napagod mula sa pagtatrabaho?

Hayst, napailing na lamang ako sa aking isipan. Isa rin pala siya sa mga nakilala kong mga taong katulad ko na kinakailangang magbabad sa trabaho makakita lamang ng malaki-laking pera.

"Sandali lamang, paano ako napunta dito? Nang sa pagkakaalam ko'y nasa paliguan ako at-"

"Dahil dinala kita dito binibini."

"SUSKONG AHAS!" Namilog nalamang ang aking mata habang nakatingin sa kaniyang gulat na mukha, na may pahawak dibdib pa.

Kailangan ko nga talaga siyang makausap sapagkat kung ano ano na ang kaniyang nasasabi.

"PATAWARIN MO NAWA ako binibini sa nakita ko." Iyak nito habang pakunway yumuyuko.

Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Kailangan ba nitong pakalmahin o sampalin?

"Huminahon ka muna Binibini, at wala naman akong gagawin sa 'yong masama." Pagpapakalma ko dito. Nanatili naman itong nakayuko.

"Ngu-ngunit binibini, isang kalapastanganan ang aking n-nagawa. Hindi ba't ang sabi pa nga sa kautusan ang sino mang makakita ng katawan ng iba ay dapat pakasalan nito?"

"Shh shhh, manahimik ka muna binibini ha? At pag-uusapan natin ito ng walang ibang nakakaalam. At, alam mo namang babae ka at babae ako hindi ba? Kaya imposibling mangyari ang naiisip mo."

"Kaya huminahon ka at mag-uusap tayo. Maliwanag?"

Ani ko at siya naman ay unti unting tumango na ikinahinga ko naman ng maluwag. Buti naman. Hoo.

KASALUKUYAN NA KAMING nakaupo ng tahimik dito parin sa kaniyang silid tulugan. Hinihintay ang magiging responde nito sa aking eksplenasyon kanina. Buti naman at nakinig siya kanina sapagkat hindi ko na alam ang gagawin kung ano pa.

Ngayon ay hinihintay ko siyang sumagot sa lahat ng sinabi ko sa kaniya. Sana naman ay hindi siya katulad ng ibang tao, ano? Pero maiintindihan ko naman kung pandirian niya ako sapagkat hindi ako normal na babae.

"May ganon palang mga tao? Iyong may dalawang kasarian." Bulong nito sa kaniyang sarili.

Ako naman ay pinagmamasdan lang ang kaniyang Reaksyon.

"Amazing." Ani nito at pagkuway iniangat na ang kaniyang paningin.

"Amesing? Anong wika iyon Binibini?" Tanong ko dito. Ang kaniyang isinambit ay ngayon ko lamang narinig. Ano ang salitang iyon? Hindi bale, ang mabuti ay hindi siya nandiri sa kung ano ang kondisyon ko.

"W-wala. Wala, huwag mo nalamang pansinin." Pagtanggi nito habang umiling iling pa sa akin.

"Ganon ba." Binalot na naman kami muli ng katahimikan.

"Pasensya kanina kung aksidente kitang nasilipin. Pangako, hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko rin kasi alam na may taong naliligo pa at hindi ko naman alam na..." Patawad nito na agad ko namang pinutol. Nakakahiya pa kung banggitin niya ang nakita kanina.

"A-ayos lamang iyon. Ang mahalaga ay nagkaintindihan naman tayong dalawa."

"Hoo, maraming salamat at naintindihan mo ako. Pangako hindi ko ipagkakalat sa iba." Tumango tango nalamang ako at napakamot sa likod ng ulo.

Tumayo na ako at naglakad papalabas ng pinto ng kaniyang silid.

"Mauuna na lamang ako dahil gabi na at baka maabutan pa ako ng punong mangagawa sa silid na 'to. Maari ba?" Paalam ko dito.

Tumayo naman siya agad. "Oo naman." Ani nito at naglakad papuntang pintuan, siya narin ang nagbukas ng pinto kaya lumabas na ako. Nangmakalabas ay muli siyang nagsalita.

"At pangako talaga na hindi ko ipagkakalat ang sekreto mo. Huwag kang mag-alala dahil mapagkakatiwalaan mo naman ako." Ani nito.

Tumango nalamang ako at naglakad na papaalis doon. Hayst, Grabing gabi ito oo.

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now