CHAPTER 4

1.3K 85 1
                                    

Iony POV


KINABUKASAN ay ganon din ang gawain ko. Gumising ng umaga, magluto ng ulam at magsimulang magtrabaho.




Trabaho ko ang magsibak ng kahoy na binabahay-bahay ko sa tuwing tatawagin nila ako. Sapat naman ang binabayad nilang salapi para sa pang-araw-araw naming pangangailangan.




Nang iwan ko ang bahay ay hindi na ako nagpaalam pa sa kapatid dahil alam ko namang alam na niya kung asan man ako hahanapin kung kakailanganin niya ako.




Tiyak rin naman akong pagkagising niya ay tutungo na siyang bayan upang magtrabaho doon bilang isang tagalinis ng mga bahay. Hindi naman mabigat para sa isang labing limang taong gulang kaya hinahayaan ko na. Iyon rin naman ang nais niya.




"Iony tapos na ba iyan?" Hininto ko muna ang pagsibak ng mga kahoy at hinihingal na nilingon ang isa sa mga taong pinagtatrabahuhan ko.




"Malapit na po ito." Sagot ko naman at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.




Hindi ko namalayang naglakad siya papunta sa gilid ko kung saan hindi siya matatamaan ng mga tumatalsik na kahoy.




"Alam mo Iony naghahanap ng trabahador sa harden ang palasyo. Maaari kang mamasukan doon, tiyak na makakatulong ito sa inyong magkapatid." Napahinto ako sa ginagawa.





Naghahanap nang trabahador ang palasyo? Matagal ko ng nais na magtrabaho sa palasyo sapagkat malaki ang magiging tulong nito sa amin. Ang problema nga lang ay walang maiiwan na magiging kasama ng kapatid ko. Ayaw ko naman mangyari iyon sapagkat mahal na mahal ko ang kapatid ko at gagawin ko ang lahat para lamang hindi siya mapahamak.




"Salamat po sa pagpapaalam pero—" pinutol nito ang pagsasalita ko.





"Pero walang makakasama ang kapatid mo? Maari mo naman siyang iiwan sa dalagang si Aga. Alam naman natin na mapapagkatiwalaan ang dalaga na iyon." Napabuntong jininga ako dahil tama siya.




Tumango-tango ako bago siya sinagot. "Pag-iiisipan ko po." Ani ko.





Ilang sandali pa ay nagpaalam narin siya at ako naman ay pinagpatuloy ang naputol na gawain. Sa buong oras na pagtatrabaho ay umiikot lang ang isipan ko sa sinabing naghahanap ng mga trabahador sa harden ang palasyo.




Tama nga at malaki ang magiging tulong nito para sa aming magkapatid sapagkat bukod sa salapi na ibabayad nila ay may iba pang pagkain na makukuja katulad ng bigas, ang problema nga lang, sa palasyo ka mananatili habang hindi ka nagreretero.




INAYOS KO ang pangsibak. Inilagay sa tabi bago ako naupo sa ilalim ng isang puno. Katatapos pa lamang ng pagtatrabaho ko sa ikalimang bahay ngayong umaga. Tanghalian na kaya nakaramdam narin ako ng gutom at pagod.




Kinuha ko sa tabi at inilagay sa harapan ang telang naglalaman ng kakainin ko. Isang pirasong tinapay lamang iyon ngunit sapat na para mabusog ako.




Nagsimula akong kumain. Madali lang rin akong natapos sapagkat may kaliitan rin ang tinapay na binaon ko.




Napabuntong hinga akong muli. Kung mamamasukan man ako bilang isang trabahados sa palasyo. Magiging maayos ang buhay ng kapatid ko. Hindi na nito kailangang magtrabaho sa bayan sa murang edad.



Ang kapakanan ngayon ng kapatid ko ang iisipin ko. Papasok nga ba talaga ako?




Maisip pa lamang iyon ay pumapasok sa isip ko na baka ay makita kong muli ang Reyna, o baka nga ay araw-araw ko na siyang makikita sapagkat magiging manggagawa na ako ng palasyo.




Sa isiping iyon ay para bang biglang tumakbo ng pagkalayo-lqyong milya ang puso ko. Ang saya nito habang walang tigil sa pagtibok.



Hindi ko narin namalayan na napapangiti na ako habang naiisip ang napakagandang mukha ng reyna.




Agad akong umiling at ibinalik sa wisyo ang sarili.



Ito rin ang isa sa mga sumasagabal sa aking isipan kanina pang pagkagising ko. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.





Napabuntong hininga ako sa pangatlong pagkakataon. Tumayo ako at kinuha ang pangsibak ko bago naglakad sa isa pang mga bahay na tinawagan ako upang sumibak ng kahoy.



Doon ay itinuon ko na lamang ang sarili. Sa bahay ko na lamang pag-iisipan kung anong magiging desesyon ko.




Kailangan kong maging matalino dahil ang kapakanan nito ay ang kapatid ko, mawawala ako sa tabi niya kung gano'n man.



Ngunit ang maganda naman para sa akin ay, muli kong masisilayan ang taglay na ganda ng Mahal na Reyna.

ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now