CHAPTER 11

1.3K 72 6
                                    

Hi!
Merry Christmas 2022!!

----//----

Iony POV

Labis labis ang kahihiyang nararamdam ko sa mga oras na ito. Bukod sa nabasa ng iba ang sulat ko para sa kapatid ko ay isa pang Maharlika ito, isang Reyna na siyang gusto ko.

Gusto ko nalang pumikit at magpalamon sa lupa upang hindi na masilayan ng Reyna ang aking namumulang mukha. Labis na Nakakahiya!

"Nakakatuwa ka naman." Sambit nito na may ngiti pa sa labi, at kasunod ay isang nakakahalinang paghagikgik mula sa kaniya. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakarinig ng isang babaeng ganiyan tumawa at humagikgik.

Sapagkat ang mga babae sa aking bayan ay hindi maintindihan kung sila ay tumatawa, para ba kasing isang hayop na hindi mo maintindihan. Iba lamang sa aking kapatid.

Sinundan ko lamang ng tingin ang Reyna ng siya ay tumayo mula sa pagkaka-upo upang dampunin kanina ang nabitawan kong papel.

"Paumanhin muli dahil sa ikaw ay aking nagulat at nagambala dahilan kung bakit, nakaupo ka ng hindi kaaya-aya." Ani ng Mahal na Reyna.

Doon ko lamang napantanto na isang REYNA ang aking kaharap kaya ay dali dali akong tumayo at yumuko upang mag bigay respeto sa kaniya.

Masyado mo kasing binubusog ang iyong mga mata Iony!

"Hindi na kailangan ang pormal na pagbati, Manggagawa." Kahit pa sinambit na ng Reyna iyon ay nanatili parin ako sa aking pagyuko.

Hanggang ngayon rin kasi ay namumula at nag-iinit oarin ang aking mga pisnge dahil sa hiya. Nasa kaniya parin kasi ang sulat para sa aking kapatid.

Muli ay nagsalita siya, "Tumayo ka ng maayos at harapin ako at iyon ay aking utos. Huwag kang matakot sapagkat ako lamang ito at wala naman akong ibang kasama na alalay."

Sinunod ko ang kaniyang utos at hinarap ang napakaganda niyang mukha. Masyado na akong nalulunod sa kaniya. Patawarin niyo po ako!

Inabot niya sa akin ang papel. "Pasensya na kung binasa ko ang iyong liham na para sa kung sino." Magaan naman na inabot ko ang sulat sa kaniyang napakalambot na kamay.

"W-walang problema sa akin iyon Mahal na Reyna." Binigyan ko siya ng ngite na siyang zinuklian naman niya pabalik ng nakakasilaw siyang ngite.

Binalot kami ng saglit na katahimikan ng muli ay nagsalita siya.

"Maaari bang samahan kita sa pagtambay dito sa ilalim ng punong ito?" Seryoso ba ang Mahal na Reyna?

"Ngunit mahal na Reyna. Hindi kayo maaaring umupo sa napakaduming Lupa." Pagsuway ko sa kaniyang kagustuhan.

Hindi niya iyon pinagtuusan ng pansin bagkos ay inayos ang mamahaling damit na kaniyang suot upang makaupo siya ng maayos. Hindi ko hahayaang uupi na lamang basta basta ang isang napakagandang babae sa maruming lupa.

Bago pa siya tuluyang maupo ay pinigilan ko muna siya bago kumuha ng malalaking dahon sa paligid upang siyang maging sapin niya sa pag-upo, ngunut tiniyak ko munang walang bahid ng dumi ang mga dahong kinuha ko bago ito inilapag sa damuhan na kaniyang pag-uupuan.

Hinarap kong muli ang Reyna. "Maari na kayong umupo Mahal na Reyna."

"Hindi mo naman na kailangan iyang gawin sapagkat may damo namang poprotekta sa akin laban sa 'dumi' ngunit maraming salamat parin." Ngiti nito. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngite.

Nang maging kumportable siya ay naupo narin ako kalahating dipa ang layo mula sa kaniya. Muli ay binalot na naman kami ng katahimikin.

Wala akong balak na magsalita sapagkat nahihiya parin ako sa mahal na Reyna kaya isinandig ko na lamang ang aking ulo sa katawan ng puno at ipinikit ang mata.

Grabeng lakas ng tibok ng puso ko! Para akong bumuhat ng isang malaking punong kahoy. Magkakaroon na ata ako ng malubhang sakit dahil sa gawa ng Reynang ito.

"Maaari bang Malaman ang iyong ngalan?" Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa gitna ng mga kilay ng Reyna ng marinig ang Mahinhin at nakakahalina nitong boses.

Dapat ko bang sabihin? Sabi nila ay isa daw itong opurtunidad na tanungin at gustong malaman ng isang Reyna ang iyong pangalan. Bakit kaya?

"Iony. Iony po ang aking ngalan Mahal na Reyna." Magalang na ani ko.

"Maraming salamat." Ani nito at muli ay binalot na naman kami ng katahimikan na agad ko rin namang binasag kalaunan.

"Bakit ka nga pala naririto Mahal Na reyna? Sa harden nang mag-isa at walang kasamang alalay?" Tanong ko dito. Ang isang Reyna ay dapat na laging may kasamang tagabantay at alalay sa tuwing siya ay lumalakad at lumalabas ng palasyo.

Ang panganib ay nasa paligid lamang at hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.

"Una sa lahat, maari mo bang awatin muna ang pagtawag sa akin ng mahal na Reyna?" Agad ko itong tinanggihan.

"Ngunit Mahal na Reyna, isang lapastangan ang hindi—"

"Tumigil ka at sundin na lamang ang aking ipinag-uutos sapagkat iyon ang nararapat hindi ba?" Agad ko naman naitikop ang aking bibig dahil sa paggiging seryoso ng boses nito.

"S-sige."

"Salamat." Isa talaga siyang Reyna.

"Gusto ko munang mapag-isa ngayon, kahit na sandaling oras lamang. Kaya hayaan muna nating balutin tayo ng katahimikan ngayon at damhin ang sariwang hangin. Ayos ba?" Tumango na lamang ako bilang sagot.

Hindi ako magsasalita hanggat sa hindi ako binibigyang permeso ng Mahal kong Reyna. Napangiti na lamang ako ng makita itong ipinikit ang kaniyang mga mata at isinantig ang ulo sa katawan ng punong kahoy.

Hindi ko mapigilan ang kiliting nararamdaman ng tiyan at puso ko ngayon. Masyadong... hindi ko maipaliwanag.







ROSAS (GxG | Intersex)Where stories live. Discover now