CHAPTER 54 - HANGGANG SA MULI

140 7 2
                                    

Warning #8: This chapter may bring tears to your eyes... Maghanda ng lampin este tissue.


HASH.

PASADO alas-sais na ng gabi nang matapos kaming mag-usap. Narito kami at naglalakad papalabas ng eskwelahan. Napasarap kasi ang pag-uusap namin at hindi na namin namalayan na gabi na pala.

Nakangiting naglalakad si Athena habang magkaholding hands pa din ang aming kamay. Parang ayaw ko na siyang bitawan at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o hindi?

Pero yun ang kailangan kong gawin. Hindi para sa kapakanan ko kundi para sa kapakanan ng babaeng mahal ko. Mas pipiliin ko pang layuan ang taong mahal ko para hindi siya mapahamak kesa makasama siya ngunit masasaktan naman siya.

Ayaw kong mangyari iyon. Siya lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko man naisin na layuan siya ngunit anong magagawa ko? Ayaw ko na ako ang maging dahilan para masaktan o mapahamak siya.

Kahit gabi na ay may liwanag naman na nagsisilbing ilaw sa aming daan. Mayroong nagliliwanag na poste sa bawat daan.

Tumingin ako kay Athena at kita ko ang saya ng makasama na naman niya ako. Kahit naman ako ay nakakaramdam ngayong ng labis na saya.

Kinuha ko sa kanang bulsa ng aking pantalon ang cellphone ko at binuksan ito. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga at pinindot ang message. Handa na akong gawin ang plano.

Pinindot ko ang pangalan ni Allen at nagtipa kahit nahihirapan dahil sa kanang kamay lang ang gamit ko. Habang naglalakad pa din kami ay hindi pa napuputol ang magkaholding hands na kamay namin.

'Pumunta ka na dito. Kunin mo si Athena at ilayo mo siya kagaya ng pinag-usapan natin'

Sent.

'Nandito na ako kanina pa sa labas ng eskwelahan. Bilisan niyo at parang nakatunog na ang sumusunod sayo'

Biglang reply naman niya sa mensahe ko. So nakahanda na sila? Pwes nakahanda na din ako.

"Sino ang ka text mo at parang ang seryoso mo naman ata?". Biglang tanong ni Athena kaya napalingon ako sakanya

Sana lang ay hindi niya nakita ang mensaheng ipinadala ko kay Allen. Kung maaari ay isesekreto ko ito.

"Wala. Si Gregorio kasi, kung ano-ano na naman ang pinapadalang mensahe na puno ng kalokohan". Pekeng tawa ko at naiiling-iling

HUMINTO na kami nang sa wakas ay nandito na kami sa labas ng eskwelahan. Madilim na at mayroon pang isang kotse na siguro iyon na ang sasakyan ni Allen na nakaparada sa likod ng kotse ko dito sa labas ng eskwelahan. Sa hindi naman kalayuan ay mayroong ding dalawang sasakyan at alam kong iyon ang sasakyan ng inutusan ni grandpa para bantayan ako.

Nasaan na nga ba ang sundo ni Athena? Wag niyang sabihin na walang susundo sakanya? Pumunta siya dito ng mag-isa? Pero sa bagay mas mabuti na iyon para malayo kaagad siya ni Allen. Kailangan si Allen ang sumundo sakanya at ihatid siya.

Kita kong pinaandar ni Allen ang kotse niya papunta sa unahan namin ni Athena. He's using his Zenvo ST1 car, that worth of 1.2 million dollars. It's a bit cheap for me but it's still kind of cool though.

"You're too slow. Paano kung kanina pa sila kumilos?". Malamig na bungad ko sakanya nang makakababa na siya sa kotse niya

Sinabi ko lang iyon para hindi mag-isip ng kung ano-ano si Athena.

"I'm sorry, may emergency kasi na nangyari sa bahay". He apologize while using his cold voice too

Napangiti lang siya nang mapatingin siya kay Athena. May gana pa talagang magpa-pansin. "Hi Athena? It seems that you both had a great day". He said

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now