CHAPTER 31 - GIFT

146 9 0
                                    

I hope you'll like this another Chapter! Kung ayaw niyo itong story at kung para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading this story.

_____________

GIFT


"BAKIT pumayag ka?". kunot noong tanong saakin ni hubby habang nagmamaneho siya

Papauwi na kami sa bahay,sa bahay na kasi siya natutulog. Hindi ako nakaimik, dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Diba sinabihan ka niya ng kung ano-ano tapos gusto mo pa din tayong pumunta sa birthday party niya? Paano kung ipahiya kalang niya doon?". Frustrated na sabi niya

"Bakit hindi mo ba ako kayang ipaglaban sa Lolo mo?". Biglang tanong ko

Napatingin siya saakin at bumuntong hininga.

"Kaya kitang ipaglaban sakanya,sa lahat ng tao... pero Wife ayaw kong masaktan ka niya gamit ang kung ano-anong salita". Sabi niya

"Kayanin ko mang ipaglaban ka, pero natatakot ako na gumawa siya ng paraan para masira tayong dalawa, kaya nga ayaw kong magkita kayo". Seryosong ani niya

Alam ko naman, pero minsan feeling ko kaya ayaw niya akong ipakilala sa Lolo niya dahil hindi niya ako kayang ipaglaban.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nang iparada niya ang kotse ay kaagad na akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay.

Wala ako sa mood.

"Magandang Gabi po Señorita Athena". Bati ng ibang katulong namin ng makapasok ako sa bahay

"Magandang Gabi din sainyo". Tipid na ngiti ko

Aakyat na sana ako sa hagdan ng bigla akong tawagin ni Manang.

"Iha, may nagpadala sayo... kanina pa yan dumating kaso wala pa kasi kayo". Nakangiting sabi ni Manang at binigay saakin ang nakabalot na kung anong bagay

Ngumiti naman ako at umakyat na patungo sa kwarto. Nasa baba pa ata si Hash.

Umupo ako sa kama at sinira ang balot ng pinadala saakin ng kung sino?

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na isang maliit na box ang nasa balot at mayroon pang nakalagay na bracelet? Kanino ba ito galing? Oo nga pala nakalimutan kong tanungin si Manang kung kanino galing 'to.

Wala naman kasing letter na nakalagay. Ni pangalan na nakasulat sa balot ay wala.

Kinuha ko ang maliit na box at binuksan ito, gulat akong napatingin dito dahil ito ang isa sa pinakamahal na kwintas sa buong mundo.

Napakayaman naman ng nagpadeliver nito, hindi naman ako mahilig sa mga kwintas o ano pang mga alahas, pero kapag rineregaluhan ako syempre sinusuot ko naman.

Hinawakan ko ang kwintas at linagay sa palad ng aking kamay para tingnan ng maayos, napakaganda. Kumikinang siya at may maliit na diamond sa gitna nito.

"Ehemm...". Biglang tikhim ng kung sino sa pintuan

Kaagad akong napatingin doon, at kita ko si Hash na nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa hawak-hawak ko. Hindi ko na pala namalayan na bumukas ang pintuan sa kwarto ko?

"Tingnan mo Hubby, may nagpadala daw saakin". Pilit ngiting sabi ko

Baka magalit kasi siya, at baka isipin niya may nagpapadala saakin. First time ko lang nga na makatanggap ng bagay kahit hindi naman ako nag-order eh.

Sobrang saya ko!

"Kanino daw galing?". Halata ko ang kaunting selos sa boses niya

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit saakin at umupo sa kama, paharap saakin.

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now