CHAPTER 48 - GRANDMA

103 7 0
                                    

Warning #4: This may bring tears to your eyes... Maghanda ng lampin este tissue

I hope you'll like this another Chapter! Kung ayaw niyo itong story at kung para sainyo pangit. Then, you all free to leave and stop reading this story.

____________

LUMABAS na kami sa kotse ng makarating na kami sa bahay. Kasama ko si Allen... hinatid niya ako pauwi.

Kanina nga ay umaasa pa din akong susunduin ako ni Hash, pero umasa lang pala ako. Ang alam ko kasi na kapag nagkakaroon kami ng misunderstanding ay kinakausap niya kaagad ako para magkaayos kami.

Pagkatapos kong umiyak kanina kasama si Allen ay naghintay pa din ako kung tatawag ba siya o mag memessage man lang, pero umasa na naman ako.

Hindi ako nasundo ni Manong Fernan dahil sa nagkaroon ng biglaang emergency sakanila.

Umuwi kaagad ito sa probinsya nila habang si Manong Kaloy ay plano ko na sanang tawagan para siya nalang ang magsundo saakin ay nagpresinta naman itong si Allen.

Gusto niya daw akong ihatid pauwi, at saka namiss na daw niya ang mga luto ni Mommy. Ilang taon na din ng hindi siya nakapunta sa bahay namin.

"Tara na! I'm super excited to taste Auntie Abigail's dishes again!". Para siyang batang excited na makuha ang regalo

He even get my bag and carry it, para lang mapabilis ang paglakad namin papasok sa bahay.

Nauna siyang maglakad saakin hanggang sa binuksan na niya ang pintuan ng bahay namin.

"Nandito na pala si Athena". Biglang sabi ni Mommy habang inaayos ang pagkain sa lamesa

Hindi ito nakatingin saamin kaya hindi niya pa alam kung sino ang kasama ko. Kaagad akong napalingon kay Daddy na nakaupo pala sa dining.

Maybe, hinihintay nila ako. But wait! Patay ako! Galit na galit pa naman si Daddy kay Allen

"Oh! Iho? You're here!". Nakangiting sabi ni Mommy nang makita si Allen

"Auntie Gail!". Kaagad naman siyang lumapit kay Mommy at bumeso. It's been a year.

"I miss you iho! How are you? Kamusta kana?". Nakangiting tanong ni Auntie sakanya

"I miss you too po Auntie. I'm doing good po". He said while smiling

Napansin kong dahan-dahang lumalaho ang ngiti niya nang makapansin siguro ng presensya malapit saamin. It's

"That's good to hear!". Natutuwang sabi ni Mom

"Tara samahan mo kaming kumain". Pag-aaya ni Mom sakanya

Napatango naman ako siya. Biglang namutla si Allen ng makadama ata ng presensya dahil sa ibang tao na nandito. Napatingin kami sa gawi ni Dad na naka-de-kwatrong nakaupo sa sofa.

"You're here? What are you doing here?". Malamig na salita ni Dad habang galit ang makikita sa mga mata niya

Si Dad ata ang pinaka-kinatatakutan niya lalo na at nangako siya saakin noon na hinding-hindi niya paiiyakin, pero hindi niya iyon tinupad.

"U-uncle Ethan". Dama ko ang kaba sa pagtawag ni Allen kay Dad

Nabawasan naman ang kanang nararamdaman ko ng biglang hawakan ni Auntie Gail ang kamay ko.

"Don't mind him iho. Tara maupo na kayong dalawa".

Nagdadalawang isip pa siguro si Allen kung uupo ba siya o hindi. Pero sa huli ay umupo siya kahit alam kong takot ang nararamdaman niya ngayon.

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now