CHAPTER 11 - SINONG SIYA?

196 7 0
                                    

SINONG SIYA?

" Wag mo akong tatawanan dyan ". sabi niya

" Kinilig naman ako ng kaunti ". biglang sabi niya at ngumiti

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na din kami sa orphanage,namiss ko itong lugar na toh!

Nagdoorbell ako at hinihintay kong bumukas ito, habang si Hash pinaypayan ang sarili,mainit kasi dito

" Sandali lang po! ". rinig kong boses ng bata?

Bumukas ang gate at nagulat ako ng makita si Biboy,binata na siya

" Ate Cassy? ". gulat na tawag niya saakin

Ngumiti naman ako at tumango

" Sister Shiela!nandito po si Ate Cassy! ". natutuwang sigaw ni Biboy at yinakap ako

" Ate Cassy ". sambit niya

" Kamusta kana Biboy? ". masayang tanong ko

Dati pag punta namin dito ang liit palang niya

" Maayos naman po,ikaw po ba? ". nakangiting sabi niya

" Maayos lang din,nasaan si Carla? ". tanong ko

" Ahh nakikipaglaro po kina Renren ". sabi niya

" Ganon ba? ".

Tumango naman siya at nabaling ang tingin niya sa likod ko, " Opo,kuya Dark? ". gulat na tawag niya kay Dark

Hindi niya ba nakita si Hash kanina sa likod ko?

" Biboy..ang laki mo na ". nakangiting sabi ni Hash at lumapit sa gawi namin

" Haha, matagal-tagal na din po kasi ng pumunta kayo dito ". natatawang sabi ni Biboy

" Oh! Cassandra iha ". biglang tawag saakin ni?

Tumingin ako doon,si Sister Shiela

" Kamusta po Sister Shiela? ". tanong ko at nagmano

" Maayos naman ako,kasama mo pala itong si Dark ". nakangiting sabi ni Sister

Lumapit naman si Hash kay Sister at nagmano

" Hello po Sister Shiela ". nakangiting saad ni Hash

" Kamusta na kayo? ". tanong ni Sister saamin

" Okay naman po kami Sister ". nakangiting sagot ko

" Mabuti!Tara pumasok muna kayo at matutuwa ang mga bata". natutuwang sabi niya

" May mga pinamili po kaming mga laruan at mga damit para sa mga bata ". sabi ko habang papasok kami

" Siya lang po yung pumili pero ako po yung taga bitbit ng pinamili ". sulpot ni Hash

Kaya natawa naman si Sister at humarap saakin

" Ikaw talaga iha,pinahirapan mo pa ang iyong nobyo ". natatawang sabi niya

" Eh gumanti lang naman po ako eh ". nakangusong sabi ko

" Hay naku kayo talaga ". natatawang saad ni Sister

" Kukunin ko po muna yung mga dala namin para sa mga bata ". magalang na sabi ni Hash

Sipag mo naman

" Ay wag na iho,sina Fernan nalang ang bahala doon ". sabi naman ni Sister

" Pasok kayo ". nakangiting sabi ni Sister kaya pumasok naman kami

Wala pa ding nagbago,
May naririnig akong boses ng bata sa mga kwarto siguro naglalaro sila

My Possessive Boyfriend Pretend As My Gay Friend Where stories live. Discover now